Today is the day!
Ngayon na namin mapapanood yung music video namin. Only Isaiah who did the edit watched the video. He asked if we want to watch it before the submission, but we all decided to watch it here at the auditorium. Wala lang para may thrill lang. Saka may tiwala naman kami kay Isaiah.
Si Sir na lang ang hinihintay namin, nandito na ang ibang section. Marami pala ang estudyante ng ibang section kesa samin. Siguro mga nasa 25 sila, kami kasi ay 18 lang.
"Good morning everyone! Okay, ngayon na ang araw na mapapanood natin ang bawat music video na ginawa ninyo. Meron tayong mga upuan dito sa stage kasi dito kayo uupo kapag music video na ng section nyo ang pinapalabas. Bakit may pa ganito? Wala lang, trip ko lang i document ang mga reactions nyo sa video na ginawa nyo."
Dami naman nitong alam. Bakit kailangan pa mag video reaction? Paano kung yung ibang section napanood na nila yung gawa nila?
"Sir! Napanood na namin yung samin eh." may sumigaw galing sa section 2.
Yan, yan ang sinasabi ko.
"Then who's section doesn't?"
Guess what? Section lang namin ang nag taas ng kamay.
"So, section 4 na lang ang manonood dito sa harap?"
Umungot pa yung ibang section. Aarte nitong mga ito, nayayamot ako.
Ending manonood pa din lahat ng section sa taas ng stage.
Section 1 music video just ended now. Scarlett is their leading lady and The Sloan guy is the lead man. Maganda yung gawa nila, hindi naman ako bias.
Section 2 and 3 are also good. Hindi ko kilala ang mga lead star nila kaya wala ako masyadong say. Judge ka be?
And it's our turn. Nag uunahan pang tumayo itong mga kumag, akala mo naman mawawalan ng upuan sa stage eh sobra sobra nga yon samin. Nag pahuli na ko ng tayo at ayokong maipit nitong mga batang to. Kasabayan ko sila Cloud, Trevor, yung kambal at si August.
Nagulat naman ako ng nasa gilid lang ng hagdan yung mga kumag. Naka linya sila don pati yung tatlong kasama namin naki linya na din don.
"Ano na namang kalokohan to?"
Cloud just shrugged his shoulder, held my arm then starts walking upstair. And guess what? This assh*les starts screaming and clapping like crazy.
Halos gusto ko na lang magpa lamon sa lupa dahil sa kahihiyan. Nakakahiya talaga!
Cloud and I are in the middle seat. Nasa tabi ko naman si Trevor, as usual pinapa gitnaan nila ako. Yung mga kumag tawanan pa din ng tawanan. Nakiki sali pa si Sir, belong ka ba sir? Charot lang.
"Alagang alaga naman ang prinsesa ng section 4." Malaki ang ngiti ni Sir.
Saya ka, sir?
"Dapat alagaan sir. Pumapalag kasi to samin eh." Side comment naman nitong si MM. Sinundan pa ng tawanan nitong mga kumag.
Tinignan ko naman saan naka upo itong si MM, nasa bandang dulo eh. Sasaktan ko sana ng isa lang eh.
"Okay, let's proceed to our last music video." ani Sir.
May maliit na screen sa harap namin, bandang baba. At may malaking screen sa likod namin.
Unang clip pa lang may mga nag hiyawan na, na babae sa baba. Hindi ko naman sila masisi, napaka gwapo ng mga kumag na ito. Walang tapon talaga sa section namin pag papogian lang pag uusapan. Sa mga scene naman namin ni Cloud halos sumakit ang braso ko kakatulak nitong mga kumag na ito. Tinutulak nila kami ni Cloud sa isa't isa kaya nag didikit kami ng sobra.
