Chapter 7

482 11 0
                                        

Greg Finn Alvarez
May ginagawa ka? Samahan mo ko.

Time check tayo, 2pm na katirikan ng araw. Ngayong oras sya nag yayaya na lumabas.

Sabado ngayon kaya wala kaming klase. Kanina ko pa nababasa sa group chat namin na nagyayaya sya, kaso itong ibang kumag ayaw lumabas, yung iba seen lang.

Si Greg ang masasabi ko na baby ng buong section. Hindi naman sya isip bata more on clingy type lang sya. Kahit nga bibili lang sa cafeteria magpapa sama yan. Natutuwa din naman ako sa ibang kumag na pag nagpasama sya sasamahan talaga nila.

Bukod lang ngayong araw, ano ba naman kasing trip yan? Hindi ba sya napagod sa limang araw na may ginagawa o klase kami.

AC Andrada
Alam mo bang mainit ngayon? Saan kaba pupunta?

Naka hilata lang naman ako dito sa condo, nanonood sa Netflix.

Greg Finn Alvarez
Gusto ko lang lumabas. Ayoko dito sa bahay.

Ow.

AC Andrada
Why? Is there a problem?

Greg Finn Alvarez
Never ending family problem.

Bigla naman akong nalungkot. Hindi halata na may ganito syang pinagdadaanan lalo na pag nasa school sya. Iba kasi yung sayang pinapakita nya samin doon.

AC Andrada
You want to come over here at my condo?

Gusto ko syang damayan, okay? Pero tinatamad nga kasi ako lumabas. Kaya ito lang naiisip ko na option.

Greg Finn Alvarez
Pwede? Sige papunta na ko.

Nag chat pa ko sa kanya na mag ingat sya pero di na nag reply. Mukhang alis na alis na nga sya sa kanila.

It took 15 minutes before someone rang my doorbell. Si Greg lang naman inaasahan ko na bisita.

Pagbukas ko pa lang ng pinto naka ngiting mukha na nya ang sinalubong nya. Siguro kung hindi nya sinabi kanina na may family problem sila iisipin ko na galang gala lang talaga ito.

"Pasok ka." Tinabihan ko na sya ng upo sa sofa. "Kumain kanaba?"

Naka yuko na sya ngayon, ewan ko kung nahihiya ba o naiiyak na.

Umiling lang din sya bilang sagot.

"How about breakfast? Nakapag almusal ka man lang ba?" Nag uumpisa na ang pag aalala ko sa kanya. Hindi ako sanay na ganito sya.

Umiling lang sya ulit.

Agad agad naman akong tumayo at pumunta sa kusina. Nag luto ako kanina ng adobong baboy marami rami naman ito kasi balak ko hanggang pang mamayang gabi ko na. At oo, marunong po ako magluto.

Pinag hain ko na sya, buti na lang may kanin pa din ako.

"You need to eat."

Hinawakan ko sya sa braso at sinabayan papunta sa dining table.

Sunod sunod ang naging pag subo nya. Halatang wala pa syang kinakain ngayong araw at alas dos na ng tanghali ngayon! Hindi pa sya nagku kwento pero nanginginig na ako sa galit.

Napansin nya siguro ang pag titig ko sa kanya kaya nahihiyang nag bagal sya sa pagkain.

"S-sorry." Nag kamot pa sya ng ulo.

"Okay lang. Kumain ka lang dyan."

Hindi ko na sya pinanood para hindi sya mailang. Sinabi ko na lang na papatayin ko muna yung tv ko sa kwarto para maiwan sya mag isa sa lamesa.

A Rose Among the ThornsWhere stories live. Discover now