Chapter 13
Mikha Lim.
Pagkalabas ko ng tent, hindi ko na kayang makipagaway pa kay Aiah. Mas lumalala lang ang inis ko, kaya napagdesisyunan kong lumayo saglit. Pumunta ako sa bonfire na ginawa ni Colet at ng ibang mga kaibigan namin. Hindi ko alam kung anong nangyayari sa akin, pero parang ang hirap hawakan ng galit.
Pagdating ko sa bonfire, naramdaman ko agad ang pagtingin nila sa akin. Si Colet, Jhoanna, at Gwen, nagkatinginan at halatang may gustong sabihin.
"Alam mo, Mikha," nagsimula si Colet, "Kahit galit ka, hindi mo siguro dapat pinagsabihan ng ganoon si Aiah. First time nila yata mag camping. Nakalimutan lang siguro nila magdala ng tent." mahinahon na sabi niya.
Sumang-ayon si Jhoanna, "Oo nga. Baka nakalimutan lang talaga nila, Mikha. Hindi mo naman kailangan magalit ng ganyan." sabi pa niya. "Napahiya mo siya.." mahinang sabi pa niya.
Si Gwen na nasa gilid, hindi rin nakaligtas sa pagtango. "Wala naman sa intensyon nilang hindi magdala ng sarili nilang gamit nakalimutan lang talaga. Parang nakakahiya naman kung patuloy kayong mag-aaway."
Hindi ko alam kung anong nararamdaman ko. Gusto ko sanang magpaliwanag, pero hindi ko kayang tanggapin ang mga sinabi nilang iyon. Pakiramdam ko, si Aiah lang ang nakaka-gets sa akin minsan, pero kung titingnan ko nang mabuti, baka ako na rin mismo ang nagmamagaling at nagpapakita ng sobrang inis sa mga maliliit na bagay.
"Fine, pero hindi ibig sabihin na tama 'yung ginawa nila," sabi ko na lang, sabay upo sa tabi ng bonfire, pinapakalma ang sarili ko para magka-isa pa kami sa trip na to.
Tahimik lang sila, at nagpatuloy kami sa pag-upo at pagtitig sa apoy, parang nag-iisip din kung anong mangyayari sa susunod na mga oras.
Habang nakaupo ako sa tabi ng bonfire, naramdaman ko ang pagkailang sa pakiramdam ko. Hindi ko na kayang mainis pa, kaya nagdesisyon na lang ako na huminahon. Si Colet ang unang nagsalita at nag-aaya ng pagkain sa lahat.
"Mikha, halika na kumain na tayo." sabi ni Colet habang tinatawag ang mga kaibigan ni Aiah.
Tumingin ako kay Colet, na inaayos sa picnic mat yung mga foods na dala namin at mga drinks. Pagtingin ko hindi lumabas si Aiah kaya, wala akong naisip kundi ang pumunta sa tent namin. Gusto ko siyang kausapin at ayusin na lang kung ano ang nangyari.
Tumayo ako mula sa bonfire at dahan-dahan akong pumasok sa tent namin. Alam kong hindi siya mabilis makalimot agad, kaya kailangan ko tong gawin. Pagkapasok ko sa loob ng tent nakita ko siyang nahiga at yakap yung blanket.
Nakasimangot akong naupo sa tabi niya. Hindi ko alam kung anong sasabihin ko, pero alam ko na may isang bagay na hindi ko kayang tanggapin, at iyon ang ibaba ang pride ko para lang sa kanya . Huminga ako ng malalim, at doon ko naramdaman ang inis. Lumingon ako sa kanya at narinig ko ang mahina niyang hikbi.
Haytsss... Umiiyak na naman siya.. naiinis na sabi ko sa isip ko.
"Seriously?" I muttered under my breath, rolling my eyes. Drama na naman siya? She's not even the actress between the two of us, yet here she was, putting on the tears like it's her full-time job.
Hinawakan ko siya sa balikat niya. "Aiah..." mahinang tawag ko pero tinabig niya yung kamay ko.
"Tumayo ka na dyan!" inis na sabi ko at gusto ko na siyang hinalahin papalabas.

BINABASA MO ANG
Fame, Lies, and Love (Mikhaiah Fanfiction)
Fanfictionsi Aiah at si Mikha ay tom & jerry