Chapter 12

628 19 1
                                    

Chapter 12

Aiah Arceta.

Tuwang-tuwa ako habang pinagmamasdan ko si Mikha na napipilitan. Alam ko kasing pwede ko siyang takutin dahil takot siya kay Mama. Isang sulyap lang, at kung paano ko siya na-convince na sumama kami sa camping, mukhang hindi siya makakalaban sa akin.

"Oo na, oo na! Sasama na kayo!" singhal niya, sabay tingin sa akin na parang galit, pero halata na ang pagkatalo. Napafaceplam sila Colet at Gwen, wuttt? Ano ba problem nila samin?

Natawa ako sa sarili ko. Parang hindi siya makapaniwala na magagawa ko 'yon. "Tama lang, Mikha," sabi ko habang sinusubukang i-hold back ang saya ko. "Minsan lang ako magpumilit. Nandiyan pa ang mga kaibigan ko-hindi puwedeng hindi kami sasama!" giit ko pa.

Napangisi ako, mapangasar na ngiti. Alam ko na favorite ako ni Mama, kaya nang sabihin ko kay Mikha na isusumbong ko siya, alam kong magiging pabor sa akin yun.

"Kung hindi mo ako isasama, Mikha, sasabihin ko kay Mama!" At sure na ako, papayag siya. Naalala ko nung highschool kami lagi akong may lakas ng loob magtago sa likod ng paborito ko na "favorite ako ni Mama" card ko. Alam kong magtatagumpay na naman ako. Dahil no choice siya kundi pumayag.

Kahit na may halong pang-aasar, hindi ko rin iniiwasan ang maexcite na nararamdaman ko. Nagtataka pa ako kaya tinanong ko pa ang sarili ko kung bakit parang hindi nila matanggap na sasama kami sakanila. Pero sa totoo lang, excited na akong makasama sila.

Habang nakasimangot siya at hindi matawa, ako naman, sobrang saya ko na parang nanalo ako sa isang malaking laban. "Baka masyado ka lang talagang seryoso," sabi ko, pero ang ngiti ko ay hindi matitinag.

"Pero isusumbong talaga kita Mikha," sabi ko at nagmamadaling nagtungo sa mga kaibigan ko sa living room. "Sama-sama tayo! Camping trip!"

Si Mikha at yung friends niya, parang napipilitan pero wala akong pakialam. Next month pa ang Europe trip ko, kaya heto ako-parang lilipad na sa saya dahil natupad ko ang plano ko!



:


Pag-alis nila Maloi, Nag-ayos na ako ng mga dadalhin ko sa camping trip, hindi ko maiwasang magtaka kung bakit ang saya ko, kahit na medyo magulo ang sitwasyon. Huling-huli ko ang ngiti ko nang makita ko ang mga bagay na ilalagay ko sa bag ko. Skin care ko? Syempre! Hindi ko pwedeng hindi dalhin yun.

Nasa gitna ako ng pag-aayos ng mga lotions, serums, at moisturizers nang bigla na lang pumasok si Mikha sa kwarto namin.

"Yan na naman! Lahat na lang skin care!" sigaw niya, nakasimangot na naman may hawak siyang hoodie at hinagis sakin.

Nagtaas ako ng kilay habang hawak yung hoodie na hinagis niya sakin. "Aray! Eh, kaya nga camping trip 'yan, para mag-relax! Hindi pwedeng magsimula ng trip na walang proper skin care, Mikha. Alam mo naman, kailangan ko ito," sabi ko na parang wala siyang karapatang magreklamo.

Napailing siya at sumagot, "Masyado kang maarte, Aiah." inis na inis yung boses niya. "Kapag talagang nang-gulo kayo ng mga kaibigan mong nakalunok ng mic. Ipapakain namin kayo sa mga Oso!" sigaw pa niya sakin.

Hindi ko na kayang patagilid lang na hindi magsalita. "Hindi ako maarte! Kailangan ko lang mag-alaga ng skin ko, okay? Hindi mo ba ako naiintindihan?" galit na sigaw ko rin, Wala akong planong magpatalo sa kanya.

Napansin ko na parang naiirita na siya, kaya mas pinatindi ko pa. "Baka masyado kang busy sa kakaisip kung anong gagawin mo mamaya, hindi ko kaya ipagpabukas ang pagpapaganda ko," sabi ko, sabay ngiti nang mapangasar.

Nag-abot kami ng mga tingin, pareho kaming may galit, pero aminin ko, may pagka-lambing pa rin sa mga mata ko. "Fine," sabi niya, "Basta wala ng drama mamaya. I-ready na lang ang mga gamit niyo! At wag mong ipapadala sakin yan!" sigaw pa niya.

Fame, Lies, and Love (Mikhaiah Fanfiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon