Chapter 11
Mikha Lim.
Pagkatapos ng isang eksenang paulit-ulit na kinukunan, narinig ko si Direk na nagsabi ng "Cut! Good take, everyone!" may masiglang palakpakan mula sa lahat, pero wala akong ibang iniisip kundi si Aiah. Napansin kong may abala nang nilalatag na long table ang crew, may mga pagkain at inumin, halatang may simple celebration na nakaplano.
"Mikha, huwag ka munang umalis ha," sabi ni Direk habang papalapit sa akin. "Quick celebration lang ito for the movie. Sandali lang naman."
Napatingin ako sa paligid. Kahit gusto kong mag-stay, hindi ko mapigilan ang kaba sa dibdib ko. Iniisip ko pa rin si Aiah. Alam kong wala naman siyang sakit, pero ang hindi niya pagsabi sa akin na nagpunta siya sa hospital ay hindi mawala sa isip ko.
Baka pinacheck yung tama niya sa utak. sagot ng isang part ng isip ko.
"Director," I began, trying to excuse myself, "I'm sorry, but I really have to go home. There's an emergency at home."
"Emergency? Okay ka lang ba? Baka naman pwedeng saglit ka lang dito," sabi niya, halatang ayaw akong pauwiin.
Napabuntong-hininga ako. Halos sumabay pa ang phone ko sa pag-vibrate. Nang tingnan ko kung sino, si Mommy ulit. Ang kulit din talaga ni Mommy!.
Sinagot ko ang tawag habang nasa gilid ng set. "Hello, My? Ano na naman po?"
"Mikha! Umuwi ka na. Ngayon din. Galing ng hospital si Aiah, baka kung ano na ang nangyari sa asawa mo," madiin niyang sabi. Halatang nag-aalala.
Napairap ako sa inis... Nag dadahilan na nga ako tapos sumasabay pa siya!
"Mom, sinabi ko na pong tatapusin ko muna—"
"Wag ka nang magpatumpik-tumpik! Iniwan mo ang asawa mo mag-isa sa bahay niyo, tapos ngayon, hindi mo titingnan? Ano ka ba naman, Mikha! Sige ka, baka mapagod yan at layasan ka."
Goods nga yung lumayas siya eh... sagot ulit ng isip ko.
"Mom!" reklamo ko, pero binaba na niya ang tawag. Napahawak ako sa sentido ko. My God, Mom, ang OA naman.
Lumapit ulit si Direk. "Mikha, may problema ba?"
"Direk, I'm really sorry, pero kailangan ko na po talaga umuwi. May kailangan akong asikasuhin," sabi ko nang diretso, pilit na nagpapaliwanag.
Napatingin si Direk sa akin, halatang nag-aalangan. "Sige na nga. Pero sana next time, 'wag ka nang mag-no-show sa ganito."
"Salamat, Direk," mabilis kong sabi bago ako tuluyang lumayo. Tumakbo ako papunta sa sasakyan, nagmamadaling makauwi. Habang nagda-drive, hindi ko mapigilan ang pag-alala.
Ano ba ang problema mo, Aiah? At bakit parang pati si Mama, mas inaalala ka kaysa sa akin?
:
Pagpasok ko sa bahay, narinig ko na agad ang malalakas na tawanan mula sa living room. Tumaas agad ang kilay ko. Sino na naman ang mga ‘to? Pagtapat ko sa pintuan, bumungad sa akin si Aiah kasama ang mga kaibigan niyang sila Maloi, Stacey, at Sheena. Nakaupo sila sa sofa, halatang nag-e-enjoy sa tawanan at kwentuhan. Si Aiah pa mismo ang pinakamalakas tumawa, parang walang nangyari, parang hindi siya ang taong galing sa hospital kanina.

BINABASA MO ANG
Fame, Lies, and Love (Mikhaiah Fanfiction)
Fanfictionsi Aiah at si Mikha ay tom & jerry