Last day of shoot namin today. Since lunch time pa kukuhanan ang unang scene ngayon hindi na kami pumasok ng maaga. After class naman ang punta namin sa gymnasium para sa basketball scene. Hindi ko alam kung kanino nag paalam si Cloud para magamit namin ang gymnasium, hindi kasi open in public ang gym pag wala namang event.
"Hi, Astra."
Nasa gate pa lang ako ng school humarang na ulit sa harapan ko si Dylan.
"Good morning, para pala sayo ito." may inabot sya sakin, chocolate.
Ito yung mamahalin na naka gold foil.
"I don't want to take it and give you false hope. But still thank you." May maliit na ngiti sa labi ko.
I don't want to be rude, I think he's nice naman.
"No, no. Please take it. Alam ko naman kung saan ako lulugar." Tinitigan ko lang sya ng mariin. "Promise! Hindi ako mag eexpect ng kung ano."
Tinaas nya pa talaga ang kanang kamay nya. Bumuntong hininga naman ako bago kuhanin ang chocolates na bigay nya.
"Don't expect. I don't like you." Straight forward na sabi ko.
"Masakit ka mag salita ah." Natatawang sabi nya kaya napa tawa din ako ng mahina.
"I'll go ahead. Thank you dito."
Naiwan na sya don at may hinihintay pa daw na kaklase.
Pogi si Dylan aminado ako. Actually, lahat naman ng nakaka salamuha ko dito sa school pogi talaga. Pero hindi ibig sabihin non magkaka gusto na ko
sa kanila. Mahirap ang mga dinanas ko sa ibang babae dahil sa selos. Oo napag tatanggol ko ang sarili ko sa kanila pero hindi ko din naman hiniling na maka away sila. Bilang isang estudyante gusto ko din naman ng tahimik na school life.
Ewan ko ba tinatak ko na sa isip ko na sakit sa ulo talaga ang mga lalaki. Boyfriend ko man o hindi.
Pagkarating sa floor namin nasa labas pa ang ibang kumag kasama syempre ang pinuno nila.
"Uy! Chocolates yan ah." Tumakbo palapit sakin si Greg.
Aga mang buraot.
"Hoy! Ano yan? Bawal magpa ligaw Astra!" sigaw naman ni Saint.
Inabot ko naman kay Greg yung chocolates. Wala naman talaga kong balak kainin yon. Tinanggap ko lang talaga para hindi mapahiya si Dylan lalo na maraming estudyante na ang dumadaan at nanonood samin kanina.
"At bakit? Tatay ba kita?" sagot ko kay Saint.
"Magagalit si President."
"Bakit tatay ko ba yan?" nilingon ko pa si Cloud na naka tingin lang din sakin.
"Tatay daw ng magiging anak nyo bossing." singit nitong si Greg habang ngumunguya.
Hinampas ko naman sya sa braso. G*go talaga.
"G*go!"
Nag tawanan pa yung mga kumag, samantalang si Cloud seryoso pa din na nakatingin sakin. Problema nito? Gandang ganda na naman sakin.
"Akin na bag mo, ipasok ko na."
Hindi na ko nakapalag ng si Jude na mismo ang nag alis ng bag ko sa likod ko.
"Bakit nandito kayo sa labas?" tanong ko.
Bihira kasi to. Since airconditioned ang rooms dito mas gugustuhin talaga ng mga estudyante sa loob. Tulad nitong mga kumag na ito. Madalas talaga nasa loob lang sila ng room nagpapaka sasa sa aircon.
"Kasi wala kami sa loob?" bobong sagot ni Adam.
"HA-HA-HA funny." inirapan ko pa sya para maramdaman nyang ang korni nya.
