Chapter 9
Mikha Lim.
I wasn't expecting that reaction.
=____=
Pagkasabi ko ng, "Oo, boyfriend ko siya, bakit?" parang tumigil ang mundo ko nang makita ko yung gulat at sakit sa mukha niya. Nag-panic pa yata siya, bigla na lang tumakbo papunta sa room namin at nag-lock ng pinto. Naiwan akong nakatayo sa living room, nagtataka kung anong nangyari.
Ang totoo, gusto ko lang siyang asarin. She was so serious the moment I walked in the house—her tone, her expression, everything. Para bang nagpa-meeting siya at ako 'yung topic. Sinabi pa agad, "Anong meron sa inyo ni Luke?" as if wala akong choice kundi sumagot ng maayos. Ni hindi pa nga ako nakakaupo tapos salubungin ako ng ganun.
Ewan ko ba, siguro dahil pagod ako sa buong araw at gusto ko lang siyang i-tease. Pero ngayon, hindi ko alam kung tama yung ginawa ko.
Ay bahala na!
I leaned against the couch, crossing my arms, and stared at the closed door of our room. Ano bang meron? Bakit parang sobra niyang dinamdam? Hindi naman totoo yung sinabi ko. Boyfriend? Luke? Seriously?
I covered my face with my hand, I was frustrated. Why did I even say that?
Nah... Dumbasss..
Paulit-ulit na bumabalik sa utak ko yung itsura niya. Ang gulat, ang sama ng tingin… pero sa ilalim nun, parang may halong sakit. Parang… nasaktan ko siya? Pero bakit? What did she care kung anong sabihin ko tungkol kay Luke? Eh naiirita nga ako dun!
Napailing ako, pero hindi ko maiwasan isipin—Is she jealous?
The thought made me smirk, kahit pa may halong guilt. Pero sa totoo lang, gusto kong malaman kung bakit ganun na lang ang naging reaction niya. Kung wala naman siyang pake, bakit parang… apektado siya?
I stayed there for a few moments, my thoughts tangled up in a mess of confusion. Ano bang nangyayari sa akin? I shouldn't care about her reaction, but I couldn't shake the feeling that there was something more to it. Was she hurt? I couldn't help but wonder if I had gone too far with my words.
Pero bakit? Crush siguro ako neto, ayaw lang umamin. Natawa ako sa naisip ko.
Maya-maya, para bang may kumurap sa utak ko. Bigla ko na lang naisip, I need to go talk to her.
Wala na akong pakialam kung anong mangyari, basta gusto ko lang malaman kung anong nararamdaman niya. Hindi ko na kaya maghintay, so I stood up from the couch and made my way to our room at dahil alam kong nakalock ang door, kinuha ko yung spare key sa kabilang room.
Dahan-dahan, I walked down the hallway, my heart starting to beat a little faster. I reached for the doorknob, pausing for a second, my fingers trembling slightly. What if she's still upset?
I took a deep breath, trying to calm myself before pushing the door open gently. There she was, lying face down on the bed, her back slightly shaking as if she was still trying to hold back tears.
Damn it, Aiah....
Ampt! Umiiyak ang bobitang babae. sabi ko sa isip ko.

BINABASA MO ANG
Fame, Lies, and Love (Mikhaiah Fanfiction)
Fanfictionsi Aiah at si Mikha ay tom & jerry