Chapter 8

642 22 0
                                    

Chapter 8



Aiah Arceta.




Pagmulat ko ng mata, agad na nag flashbacks sa isip ko ang mga nangyari kagabi. Para akong binagsakan ng isang mabigat na bagay, at ang tanging bagay na naaalala ko ay ang mga salitang binitiwan ko kay Mikha. Ang selos ko na hindi ko kayang kontrolin, ang mga hindi ko na dapat sinabi, at ang lahat ng nararamdaman ko noong nakita ko ang kissing scene niya sa kalove team niya.





"Ang tanga ko," bulong ko sa sarili ko habang nakapatong ang mga kamay ko sa mukha ko. Nakaramdam ako ng sobrang kahihiyan. Hindi ko alam kung paano ko haharapin si Mikha. Ang mga sinabi ko kagabi ay sobrang nakakahiya at hindi ko kayang tanggapin na ginawa ko iyon. Hindi ko na alam kung paano ko babawiin lahat ng sinabi ko!





Minsan, hindi ko talaga kayang kontrolin ang mga emosyon ko, lalo na kung tungkol kay Mikha dahil nakakainis siya. Alam ko naman na hindi siya masaya sa sitwasyon namin, at gusto ko na ngang mag divorce na kami. Pero sa mga ginawa ko, paano ko siya haharapin nang parang walang nangyari?!







Nahihiya ako, at para bang nawawala ang lakas ko para humarap sa kanya. Nakatingin lang ako sa ceiling, at pakiramdam ko gusto ko nalang lumubog sa lupa.. T^T nakakahiya ka Aiah!




Paano na ko haharap nito sa kanya?!






Tinakpan ko yung mukha ko ng unan at nag pagulong-gulong sa kama.. "WAHHHH!!! KASALANAN MO TO MIKHA LIM!!!" sigaw ko.









Habang nakahiga pa ako sa kama, patuloy ang mga tinig sa aking isipan. Paulit-ulit ko kasing iniisip kung paano ko nasabi ang mga salitang iyon kay Mikha kagabi. Sa sobrang init ng ulo at selos, para bang wala akong pakialam kung anong epekto ng mga sinabi ko.





My god! Nakakahiya ka!







"Kasalanan mo 'to, Mikha!" sigaw ko sa sarili ko. "Dahil sayo kaya ako nagkalat ng kahihiyan... ang tanga-tanga ko!"





Dahil sa mga iniisip ko, hindi ko na kayang pigilan ang sarili ko. Tumayo ako mula sa kama, mabilis na tinungo ang pinto ng kwarto. Bago ko pa buksan, napansin ko na parang bigla akong kinabahan. "Ano kaya ang nangyari? Hindi ba siya magagalit?" naiisip ko habang nakatitig sa pinto.




Habang papalapit ako sa pinto, nakaramdam ako ng biglang katahimikan. Baka naman... baka wala siya dahil may shooting pa siya, kaya kailangan niyang umalis nang maaga. Sinubukan ko maging kalmado kahit na hindi ko alam kung anong gagawin ko kapag nakita ko siya.






Dahan-dahan akong lumabas ng room at sumilip sa living room. Bigla akong napanganga nang makita ko si Mikha na nakaupo sa sofa, tahimik na nagkakape, at nag babasa ng book. Hindi ko inaasahan 'to. Akala ko ay aalis siya agad o baka nagmamadali pa para sa trabaho, pero nandiyan siya, kalmado, parang wala lang nangyari.






T^T hindi ko siya kayang harapin!











Nagtatakbo ako pabalik sa room namin at nilock ko yung door tsaka ako tumalon sa kama at dun nag sisigaw dahil sa kahihiyan.






-----





Mikha Lim.




Paggising ko, wala pa ring katapusan ang tawa ko sa isip ko. Kahit na hindi ko siya tinitingnan, naaalala ko pa rin ang mga sinabi niya kagabi. Habang nakaupo ako sa living room at umiinom ng coffee ay paulit-ulit na nag eecho sa isip ko yung mga sinabi niya. Hindi ko alam kung bakit, pero may charm pa rin sa kanya—kahit ganun siya ka-prangka at parang hindi kayang kontrolin ang selos.







Fame, Lies, and Love (Mikhaiah Fanfiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon