Monday came, today is our first shooting day for the music video. 7am ang call time namin at dito sa field ang unang scene.
Kinuhanan muna ang ibang boys. Kailangan kasi makita kaming lahat sa music video para magka grades kaming lahat. May mga shoot na sila na simpleng nag lalakad lang, nagku kwentuhan sa bench.
May mga ilang estudyante na rin dito kahit maaga pa. Yung iba nga nanonood pa samin.
"Andito section 1." Bumulong sa gilid ko si Greg.
"Pake ko?"
"Share ko lang bossing." Kamot ulong sagot ni Greg. Umalis na din agad nung tinawag sya ni Toby.
Nilingon ko ang pwesto nung section 1 nasa iisang bench sila. Halatang pinapanood kami, hindi ko alam kung bakit? Like kumukuha ba sila ng idea? Pero wala talaga kong pake sa kanila.
Naabutan akong naka tingin sa kanila ni Scarlett at ang bruha inirapan ako. Naawa pa man din ako sa kanya nung nakaraan. Deserved naman pala nyang lintik sya.
Irap now, Iyak Later ka sakin.
Pagsisisihan mong sumama ka dyan sa mga yan na manood samin.
"Naka busangot ka dyan." si Trevor umupo sya sa tabi ko.
"Aga aga nitong Scarlett irapan ba naman ako."
"What's with your face?" tanong din nitong si Cloud.
"Obviously Scarlett irritates her also." Trevor.
Tumayo na ko since kami na ang susunod na kukuhanan nila Toby.
"Tignan mo irap now, iyak later yan. Umpisahan nya ko ngayon na hawak ko crush nya." umangkla na ko sa braso ni Cloud na may ngisi sa labi.
Mahina ang naging tawa ni Trevor. "Kakaiba ka talaga Astra."
"Damhin nya ang higanti ko."
"Pres! Astra! Kayo na." sigaw ni PJ.
Hinatak ko naman na si Cloud. Hindi ko nilingon yung section 1 mamaya na pag umiiyak na si Scarlett.
Pinaliwanag naman nila Toby at PJ ang gagawin namin. Bale ang story kasi na iikot sa music video ay one of the boys ako, barkada ni Cloud yung mga kumag at girlfriend nya ko, something like that. Kaya first shoot pa lang sweet na agad dapat kami.
Ang gustong ipagawa ni PJ ngayon samin ay maglalakad lakad muna kami sa field hanggang sa mag hahabulan. Yung mga ganong ka-kornihan yung gusto nyang ipagawa samin.
"Okay? Gets naman no?" si PJ
Tumango naman kami ni Cloud at nag lakad na papunta sa gitna ng field. May ilang kumag na nag kalat sa di kalayuan para kahit papano may mahagip pa rin na ibang estudyante hindi lang kami.
"Holding hands guys!" sigaw ni Toby.
Ginawa naman namin. Sinubukan ko na i-sway konti ang mga kamay namin para di naman mukhang tuod na magka hawak kamay lang kami. Buti naman nakuha ni Cloud ang gusto kong gawin at sumabay din naman.
"Yan! Yan ganyan. Keep going!" si PJ
"Look at each other. Smile, smile." si Toby.
"Napaka ingay nitong si Toby. Nayayamot na ko." Naka ngiti kong sabi kay Cloud. Sana lang hindi ma lip read yung sinabi ko.
"Just do whatever they said." Half smile na sabi ni Cloud.
At ang kuya nyo hinawi pa ang buhok ko na nakaharang ng konti sa mukha ko. Ganap na ganap naman ito.
Ikalma mo self! Para sa project lang ito.
"Yan! Perfect yan!"
"Tangina kinikilig ako!" sigaw ni Saint.
