CHAPTER 8

3K 45 4
                                    

𝗜𝗡𝗩𝗜𝗧𝗔𝗧𝗜𝗢𝗡 𝗖𝗔𝗥𝗗


ALMERA'S POV

Natapos ang buong araw na wala akong ginawa kundi ang magperma ng mga papeles, hindi ko nagawang lumabas ng opisina ko dahil kaharap lang ng opisina ko ay ang opisina ni Clark.

And I'm very much thankful dahil nung kinuha ang gamot sa kwarto ko ay wala na ito ng pagbaba. Ayoko ng dagdagan pa ang mga kahihiyang ginawa ko kagabi at kaninang umaga.

Kuta na ako.

Napatingin ako sa relos na nasa aking kaliwang pulso, alas otso na. It's time to go home.

Inayos ko ang mga gamit sa table ko, itinapon ko rin ang ilang papel na hindi naman nagagamit.

Nakauwi na kaya s'ya? Ako iyong laging nauuna sa pag-uwi sa'ming dalawa. Sakto namang pumasok ang sekretarya ko para tulungan ako sa pag-aayos. Kaya naiisipan kong tanongin nalang ito.

“Where is Mr. Devis? Did he already go home? Or is he going to work overtime again?” I asked her.

Syempre, pormal naman ako pag nasa work. Hindi naman ako masyadong flirty sa asawa ko kapag nandito, not unless kung may makita akong hindi kaaya-aya sa paningin ko.

Tulad lang ng sinesante kong empleyado, hindi ko nagustuhan ang pagnakaw ng tingin nito sa asawa ko kaya napaalis ko s'ya sa trabaho.

I don't need an employee like her, what a b*tch.

Napansin kong natigilan ito dahil sa tanong ko at nagtatakang pinagmasdan ako.

“Hindi n'yo po alam?” gulat na tanong nito.

Ako naman ngayon ang natigilan at pinagtaasan s'ya ng kilay.

“Duhh, hindi ko nga alam kaya nga tinatanong kita,” pagtataray. Mabilis naman s'yang napayuko at humingi sa'kin ng tawad. “Just tell me where is my husband? Did he go home already?” nagtitimpi kong tanong.

“On leave po s'ya ma'am, tapos narinig ko pong may flight po ito kanina papuntang Italy,” nag-aalinlangan pa ito sa pagsasalita. “Y-yon po ang narinig ko sa ibang empleyado rito kanina.”

The f*ck? Italy?!

Bumuntong hininga ako at pilit pinakalma ang sarili.

“I'll go ahead and you? you take care of this” Hindi na ito nagsalita pa at tumango nalang, natatakot na siguro ito dahil sa dilim ng ekspresyon ng mukha ko ngayon.

Lumabas ako ng building, may ilan pa akong empleyado na nakasalubong na binabati ako. Pero hindi ko sila nagawang batiin pabalik.

Oh, kailan mo ba sila binati pabalik Almera? tsk.

Dumiretso ako sa sasakyan ko at tinawagan si Uncle, mabuti nalang at sinagot n'ya agad ang tawag.

“I need an invitation card for the consortium party, that will be held tomorrow,” kalmado kung usal pero kabaliktaran sa ekspresyon ng mukha ko ngayon.

Inis na inis ako, I almost forgot about the consortium, kung hindi ko pa malalaman na umalis si Clark ay hindi ko pa maalala iyon.

Pero sabi ni Uncle ay kailangang kasama ng mga mafia bosses ang kanilang asawa? Kung meron man. So bakit yung asawa ko hindi manlang nag-abalang i-inform ako? Bakit hindi manlang ako sinabihan ni Clark about doon? Bakit n'ya ako iniwan?!

“Ohh did your husband leave you? Did he forget that he has a wife?” nahihimigan ko ang pang-uuyam sa boses ni Uncle kaya mas lalo akong naiinis.

“Just please Uncle.. send me an invitation card.” Humigpit ang hawak ko sa steering wheel.

“Don't worry little woman, I know this will happen so I ordered one of my men, expect an invitation card waiting for you at your mansion.” Sandali itong natahimik pero maya-maya ay napahagalpak ng tawa. “I told you, almera. But you insisted on marrying him, you have a lot of suitors but you fell for the one who doesn't like you—” ibinaba ko na ang tawag at hindi na ako nag-abalang pakinggan pa ang ibang sasabihin nito.

It's useless.

Nang iinis lang kasi 'yon! Kitang stress na nga 'yong tao!

Mabilis ko pinaandar paalis ang sasakyan ko papunta sa mansion namin. Nang makarating ako ay iginala ko pa ang mga mata ko sa paligid nagbabakasakaling nandito pa si Clark, pinuntahan ko pa ang kwarto nito at nakita kong nakalock na iyon. Sunod ko namang chineck ang opisina nito sa mansion pero wala rin.

Nagbabakasakali akong fake news lang ang lahat pero mukhang hindi.

“Arhh! I want to f*cking kick his balls—no chill Almera. Baka hindi kana n'yan mabigyan ng lahi.” Tumango-tango ako.

Gosh, para na akong tangang kinakausap ang sarili ko.

I decided to just go to my room, a large black box caught my attention, it was on top of the bed.

Dahan-dahan akong naglakad papalapit at inuksan ko iyon. May nakita akong sexing itim na dress. Nalipat ang tingin ko sa isang card.

Ivory-colored cardstock with a gold foil embossed border featuring a repeating pattern of stylized laurel leaves. The text is in elegant, gold script. A small, gold-toned laurel wreath, similarly subtle, is placed within the leaf pattern. The card is sealed with a gold wax seal bearing a simple, elegant crest.

“This must be the invitation card.” Binuksan ko iyon at binasa ang laman.

[You are cordially invited to a special event at Villa Aurora, Lake Como. On November ** 202*, Your presence is expected.]

Then a sly smile suddenly appeared on my lips.

END OF CHAPTER 8

Obsessed With A Mafia BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon