Chapter 7

611 20 0
                                    

Chapter 7



Mikha Lim.




Habang nagmamaneho ako, tahimik ang buong sasakyan, tanging ang tunog ng kotse at ang malamlam na ilaw ng kalsada ang naririnig. Pero bigla siyang nagsalita, ang tono ng boses niya puno ng inis.



"Seriously, Mikha? Yung kissing scene mo at ni Luke... Nakakainis," sabi niya, parang may tinatago na galit sa bawat salita. Alam kong lasing siya kaya naman chance ko 'to para matanong siya.



Napatingin ako sa kanya, at hindi ko mapigilang ngumiti. "So, nagseselos ka?" tanong ko, medyo nagpapatawa, pero may konting seryosong tono sa boses ko.





Matagal siya bago nakasagot, pero halata ko ang matinding inis sa mukha niya. "Hindi ko naman sinasabing ganoon... Pero hindi ko lang maiwasan." inis na sabi niya.





"Ah, so it's about Luke?" tanong ko, medyo teasing. "Bakit, may laban ba?"





Sumimangot siya, at nakita ko sa mga mata niya ang hindi niya kayang itagong selos. "Hindi ko na nga alam kung anong gagawin ko sa mga fans mo," sabi niya, tumingin siya sa bintana, parang iniiwasan ang mata ko.





Nakafocus ang mata ko sa kalsada, pero ang ngiti ko hindi matanggal. Siguro, kahit na hindi niya aminin, may something sa puso niya na hindi kayang tanggapin ang mga ganitong eksena, lalo na kung si Luke ang kasama.









Habang nag d'drive ako sa madilim na kalsada, naririnig ko pa rin ang mga reklamo ni Aiah sa tabi ko. Kahit na lasing na siya, parang hindi pa rin siya titigil.




"Ang daming fans na nag-iisip na may something kayo ni Luke! Hindi ko na kaya!" sambit niya, ang boses niya malakas at medyo magulo. "Tapos yung mga posts nila na parang mag-jowa kayo? Ang sakit sa ulo!"





Ngumiti ako, hindi ko na kayang pigilan. Ang saya ko na lang na parang walang pakialam si Aiah kung ako yung kausap niya o hindi. Nakakatawa nga eh, kasi kahit na may kabigatan ang tono niya, halatang naiinis siya talaga.





"Hindi ko nga alam kung anong sasabihin ko sa mga fans niyong delulu!," patuloy pa niya, "Yung mga eksena niyo ni Luke… Kung pwede lang na hindi makita ng mata ko, eh."




Lumingon ako sandali sa kanya at nakita ko ang mga mata niyang parang maluha-luha sa inis, kaya natatawa na lang ako.





"Bakit? Nagseselos ka ba?" tanong ko, medyo teasing, habang pilit kinokontrol ang tawa ko.




Hindi siya sumagot agad. Pumikit siya, "Tsh. No! I don't care!." pero obvious na kinikimkim niya pa rin. "Ang hirap kaya... Magmukhang 'kayo' tapos wala naman!"




Tinutukso ko siya nang konti, "Alam mo, medyo cute ka na selosa ah."



"Ano ba!" sigaw niya, "Sana magising na ako at hindi ko na maalala 'to!" aniya pa. "Bakit ba nandito ka na naman Mikha Lim? Ayaw kitang makita!" pagmamaktol pa niya.





Tuloy lang ako sa pagtawa, hindi ko na kayang pigilan. Ang hirap kasing seryoso kapag ganito siya—na kahit lasing, parang bata pa rin ang reaction.







So... Nag seselos siya? Grabe ka na Misis Lim. biro ko pa sa isip ko.







Habang pauwi kami, naririnig ko pa rin ang mga reklamo ni Aiah. Natawa ako habang iniisip ko na kahit lasing siya, hindi pa rin siya tumitigil sa kakadaldal.







Fame, Lies, and Love (Mikhaiah Fanfiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon