Chapter 6
Aiah Arceta.
Nasa kalagitnaan kami ng meeting kasama ang manager ko para sa Europe trip. Detalyado niyang iniisa-isa ang schedules, kung anong mga events ang dapat kong puntahan, at kung kailan ang mga photoshoots. Parang robot akong tumatango habang nagsusulat siya sa planner ko.
Gusto kong ma-excite, pero ang bigat ng pakiramdam ko. Para akong may kulang. Ang ironic kasi, ito ang isa sa mga pangarap ko. Pero ngayon, parang hindi ko mahanap ang tamang sigla.
Kasalanan talaga ni Mikha to! paninisi ko pa sa kanya sa isip ko.
Kinuha ko ang phone ko habang may sinasabi si Ms. Diana tungkol sa isang luxury brand na magsu-sponsor ng wardrobe ko. Nag-scroll ako nang mabilis sa social media. Kailangan ko ng kahit kaunting distraction.
At doon ko nakita.
Isang video clip ng eksena ni Mikha at ng kalove team niya, trending sa lahat ng platforms. "The kiss that left fans screaming," ang caption. Kitang-kita sa video kung paano dumampi ang labi ni Mikha sa kalove team niya. Natural lang ito sa trabaho niya, pero hindi ko maiwasang maapektuhan.
Ang dami agad comments sa ilalim ng post.
"Grabe, ang ganda ng chemistry nila!"
"Bagay sila! Sana sila na lang sa totoong buhay!"
Napairap ako at nilapag ang phone ko nang mas malakas kaysa sa inaasahan. Napatigil ang manager ko at tumingin sa akin.
"Are you okay, Aiah?" tanong niya, parang nagtataka sa bigla kong kilos.
"Yeah, I'm fine," sagot ko agad. Pero hindi talaga ako okay. May kung anong kirot sa dibdib ko na hindi ko maintindihan.
Minsan naiisip ko, bakit nga ba nag-asawa kami ni Mikha? Para kaming nasa pelikula, pero walang romantic ending. At sa tuwing may ganito, hindi ko maiwasang tanungin ang sarili ko—hanggang kailan ako magpapanggap na walang pakialam?
Binalik ko ang focus ko sa meeting. Kailangan kong ayusin ang isip ko. Sa totoo lang, wala akong karapatang magreklamo. Trabaho lang yun, at trabaho rin naman ang dahilan kung bakit ako narito.
Pero kahit anong sabihin ko sa sarili ko, iba pa rin ang epekto nito. Lalo na't hindi ko alam kung sa bahay ba namin matatapos ang usapang ito... o magsisimula na naman ng panibagong away.
:
Sa totoo lang, wala na akong naiintindihan sa mga sinasabi ni Ms. Diana. Nagtuturo siya sa digital presentation niya, pero parang puting ingay lang ang naririnig ko. Nakikita ko ang bibig niyang gumagalaw, pero wala akong maintindihan.
Paulit-ulit lang sa isip ko ang video na iyon ni Mikha. Bakit ba ang dami pang anggulo? Bakit parang masyadong totoo? Sobra yata ang effort nilang magmukhang real couple. Nakakainis.
"Aiah, okay ka lang ba? You seem distracted," puna ulit ni Ms. Diana. Halatang inis na siya pero pinipilit magpakaprofessional.
"I'm fine," sagot ko, pero mas maikli at malamig kaysa sa dapat. Tumango siya pero ramdam kong hindi siya kumbinsido.
Napatingin ako ulit sa phone ko kahit alam kong hindi ko na dapat gawin. Isang bagong post ang umagaw ng pansin ko. Ang picture ni Mikha at ng kalove team niya, nasa harap sila ng malaking billboard para sa pelikula nilang malapit nang ipalabas.

BINABASA MO ANG
Fame, Lies, and Love (Mikhaiah Fanfiction)
Fanfictionsi Aiah at si Mikha ay tom & jerry