Episode 15: Blind Item

3.4K 146 78
                                    

Rising actress, pinaliguan ng lemonade si newbie actress?

Usap-usap-an sa buong daigdig ng mga Marites sa showbiz ang isang insidenteng naganap kani-kani lamang! Kaya mga chismosa, ito ang latest! Mainit-init pa!

Itong si rising actress ay kilala sa maamo niyang mukha at taliwas naman ito sa newbie actress na papasa bilang isang kontrabida pero mukhang mamamayagpag bilang isang bida sa isang teleserye sa susunod na taon.

Pero balik sa chika, ang siste daw (ayon sa aming reliable source) ay sumugod si rising actress sa dressing room ni newbie actress!

Oh noooo!

Nagsabi daw ng mainit na argumento si rising actress. At tila ba hindi niya nagustuhan ang sinagot ng newbie actress na ayon din sa aming source ay may gusto sa kapareha nitong malditang rising actress na ito!

Ending, nag-ala binyagan sa simbahan ang eksena ng dressing room dahil pinaliguan lang naman ni rising actress si newbie actress! Pero imbes na holy water, lemonade ang gamit ng bruhilda!

Bakit nga kaya labis na lang ang galit ni rising actress kay newbie actress gayong kung sa fanbase lang naman ang pag-uusapan, hands-off na siya ang lamang!

Ano nga kaya ang meron si newbie actress na kinasusuklaman ni rising actress?

Alam ko, mga marites! Pero ‘wag kayong maingay ha?!

Mukhang may gusto rin kasi yata ang ka-loveteam ni rising actress kay newbie actress!

Napa-facepalm na lang ako sa nabasa. Sabi ko na nga ba, eh! Wala talaga akong tiwala doon sa make-up artist kanina! Saan ba napulot ‘yon ni Mama Cece? For sure, tinatalakan na niya ‘yon ngayon!

“I am really sorry for causing you trouble, Jarren,” I sighed. This is not what I expected today. Akala ko puro pa-cute lang kay Jarren ang gagawin ko. Wala namang nag-brief sa akin na mabubuhusan pala ako ng lemonade today! Edi sana nag-ready ako ng kapote!

“It’s not your fault, Sofia,” his eyes softened along with his jaw, “actually, I’m at fault. I dragged you in this mess.”

“Oks lang, bakla!” Humampas ako sa hangin, “ano ba kasi ‘yung chinika mo kay Ateng Hope at galit na galit sa akin?”

He averted his gaze away from me, “I told her that I like you,” then he stared at me until I am the one who averted my gaze away, “that I adore you, Sofia.”

Teh… totohanan na talaga siya. Pasok, Jessa Zaragosa with crying and purple heart emoji! Parang ‘di ko yata kaya 😭💜~

Sa mga sinabi niya ay kusang nagwala ang puso ko. Rinig na rinig ko ang pagdagundong nito. I still can’t stare at him… I am intimidated and too shy to look back. Kasi ngayon bakla, ramdam na ramdam ko kung papaano niya ako titigan. Nakakatunaw! Feel ko tuloy, gusto ko na siyang kaladkarin sa  simbahan para pakasalan! Kahit walang Pari, laban na! Import ko na lang muna si Big Brother tutal boses Pari naman siya—chariz, Kuya!

“Pwedeng ‘wag mo akong titigan nang ganyan, teh?” Ang nabulalas ko na lang kasi ‘di ko na talaga keri!

“Why?” I heard him chuckle.

“Nakakatunaw!” Ramdam ko ang pag-iinit ng pisngi ko. Sinubukan kong magpigil ng ngiti pero hindi ko ito napigilan. Napapatong na lang talaga ako ng kamay sa itaas ng aking ulo matapos ay ngumiti ng malawak.

“Sofia…” he responded and that initially piqued my attention. Wala sa sariling napalingon ako sa kanyang mukha. My eyes were welcomed by his sweet boyish smile, “can I court you?”

The Public StuntTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon