Papunta sa elevator ng sumunod na araw, nakita ko na naman yung three little pigs kasama yung limang wolfs. Simula kahapon wala pa naman silang ginagawa sakin, puro masasamang tingin lang ang binibigay nila sakin. Sinusuklian ko din naman ng malamig na tingin.
Wala ba tayong aksyon dyan? Puro titigan na lang?
Naka sakay na ko't lahat sa elevator ramdam ko pa rin ang titig nila. Mag sasara na sana yung pinto ng may humarang na kamay. Pumasok ang isang estudyanteng lalaki, clean cut ang buhok, moreno siguro kasing tangkad ni Greg. May hula na ko agad kung sino to, exclusive ang elevator na ito for section 4.
Nagulat pa sya ng makita ako sa loob.
"Ah..hi." nahihiyang bati nya.
"You're Adam?" I still asked him.
"Ah, oo. Section 4 ka?"
"Yes. Two weeks na simula nung pumasok ako. Late enrollee."
"Nice to meet you. Ngayon lang ako nakapasok kasi." Kakamot kamot pa sya sa ulo.
Tumango na lang ako sa kanya at sabay na din kaming pumasok.
"Adam, my friend!"
Tumakbo kay Adam sila Aiden, Greg, Toby at Oli. Niyakap nila ito at pabiro pang sinusuntok.
"G*go bat ngayon ka lang?"
"Namiss ka namin. Siraulo ka."
"Hindi ka din nagpapa ramdam sa gc."
Pinagka guluhan na nila si Adam. Habang tinitignan silang masayang masaya na nagkaka gulo dahil sa pag pasok ni Adam naiisip ko kung gaano nila pinapa halagahan ang bawat isa. Kahit g*go sila may pagpapa halaga sila sa bawat isa.
Nakipag fist bump naman si Adam dito sa limang nasa likod ko. Pati kay Brett na nasa likod.
So this is how it looks like, we are complete. This is not worst section tho.
"Tara, ipapa kilala kita kay Astra." Hila hila ni Greg si Adam na tumatawa pa sa energy ni Greg.
"Astra si Adam. Adam si Astra. May chix na tayo ulit." Masayang pagpapa kilala ni Greg.
"Nice to meet you ulit." Naka ngiting sabi ni Adam at nakipag kamay
"Likewise." I smiled also at him. Nakipag kamay na din ako.
"Wag mong landiin Adam. Pinakilala ko lang sayo." Si Greg na ang nag bitaw ng kamay namin sa isa't isa.
Siraulo talaga to.
Lunch time came, isang himala na sumabay samin papunta sa canteen itong lima. Kumpleto kami kahit si Brett nandito. Tulad nung nakaraan kinakausap naman nya yung iba. Madalas ay sila Ryker at Isaiah, pero hindi si Cloud.
"Kami na bibili Astra. Sama kana kila Pres."
Nauna na kong nag lakad nasa likod ko sila Cloud at Trevor.
Napa daing ako ng may bumangga sa harap ko. Napa sandal tuloy ako dito sa mga nasa likod ko.
"What the f*ck!?" Malakas na sigaw ni Cloud.
"S-sorry miss." Halata ang takot sa mukha nung lalaki, hahawakan nya pa nga sana ako ng tabigin ni Cloud ang kamay nya.
"Dont you dare touch her!"
"Hindi to playground. Kung mag hahabulan lang pala kayo lumabas kayo hindi dito." Masungit na sabi ni Trevor.
"H-hindi ko t-talaga sinasadya."
"Get out of our way before I make you." ani Cloud.
Nilingon ko naman silang dalawa bago pa sila maka panakit.
