𝗖𝗥
ALMERA'S POV
Seryoso akong nakatingin sa reflection ng mukha ko sa aking vanity mirror, fierce but beautiful.
”Gan’yan nga Almera, bakit ka mahihiya? You’re De Valois!” Dahan-dahan kong inilagay ang dark lipstick sa aking labi.
Inayos ko rin ang aking mahabang pulang buhok, what a damn beautiful. I smirked.
Tumayo na ako nang masiguro ko nang maganda na ako, kinuha ko ang black shoulder bag na nabili ko pa sa Paris, last month. This is a limited edition.
Nakasuot rin ako ng black dress, para fierce na fierce talaga ang atake natin ngayon.
Hinawakan ko na ang doorknob nang pintoan ng kwarto ko pero hindi ko iyon binuksan at nagmamadaling bumalik at umupo ulit sa harapan ng vanity mirror ko.
“Should I change my lipstick? Oh! I think dapat ko pang i-blend nang mabuti yung blush on ko?” Tinitigan ko ang aking mukha; nang kukunin ko na sana ang panibagong kulay ng lipstick ay natigilan ako at napasabunot sa aking buhok, na pang-anim na beses ko nang inayos.
“Arghhh!” Nawala bigla ang composure ko.
Kanina pa ako pabalik-balik, nakailang change na ako ng lipstick, nakailang blend na ako ng blush on at nakailang ayos na ako ng buhok dahil sa ginugulo ko ito dahil sa frustration na nararamdaman ko ngayon.
“After what happened last night? How can I face him?” Kanina ko pa tinatagalan ang pag-ayos, nagbabakasakaling hindi ko na ito maabutan sa ibaba.
Ayoko munang makita ang asawa ko, sobrang nakakahiya ang ginawa ko kagabi.
Natigilan ako sa pagsabunot ng aking buhok nang marinig ko ang pagtunog ng phone ko, kinuha ko ito sa shoulder bag ko at sinagot.
Hindi na ako nag-abalang tignan kung sino ang caller dahil sa inis ko, abala eh!
“What?” Maldita kong tanong sa tumawag.
“Chill little woman,” usal ng nasa kabilang linya at kasunod noon ay ang mahina nitong tawa.
Lumambot naman ang ekspresyon ng mukha ko nang marinig ko ang boses nito.
“Uncle…”
”Yeah, the one and only,” tumawa siya. “Are you okay? You sounds like you’re in trouble, mmm?”
Napangiti naman ako at napatitig sa repleksyon ng mukha ko sa salamin.
“You really know me uncle,” tumayo ako at nagpunta sa veranda at dinama ang simoy ng hangin. “Don’t mind me, I’m fine. So what are you up to uncle? Why call me?”
“I’m great here in Italy, I wanted to tell you about tomorrow’s consortium party na dito gaganapin sa Italy.”
Natigilan naman ako, another party for Mafia’s.
“Why are you telling this to me? Am I invited?” I jokingly asked but half of me is also curious.
Sa ilang taon kong pamamalagi sa puder ni Uncle, never itong nagsabi sa akin ng ganitong topic, not unless kung mga simpleng party lang.
Tulad ng kung saan ko nakilala si Yuiji noon.
”Sadly, yes. You’re invited, being the wife of one of the bosses.”
Lumukso naman ang puso ko dahil sa narinig, asawa? Asawa ni Clark? Hayy, hanggang ngayon ay parang nakalutang pa rin ako sa cloud nine kapag naririnig ko ang mga katagang iyan.
“Did my husband know about this?” I curiously asked.
“Of course, he probably knew about this last night,” narinig kong may tumawag sa pangalan niya sa kabilang linya. “I need to go, I can’t wait to see you here tomorrow.”
“Okay, Uncle. I love you po.” I sweetly said.
“I love you too little woman, bye.”
Bumalik naman ako sa loob at napagpasyahang lumabas na ng kwarto, tutal ay alas-otso naman na ng umaga.
For sure wala sa baba ang asawa ko.
Inayos ko pa sandali ang sarili ko bago tuluyang bumaba ng kwarto.
Tanging tunog lang ng sandals ko ang maririnig sa buong mansion habang naglalakad ako patungo sa kitchen.
Nang makapasok ako ay dere-deretso akong pumunta sa harapan ng cabinet at kinuha ang isang box ng cereal at kinuha ko rin ang bottled milk sa ref. Muntik ko nang maibato ang bote ng gatas sa taong nakaupo sa harapan ng mesa dahil sa gulat nang makita ko ito.
“Sh*t!” I cursed.
May suot-suot itong salamin at may laptop sa harapan niya. Pero ang malamig na mga mata nito ay nakatutok sa akin.
Nakipagtitigan ako sa kanya pero ako ang unang umiwas nang hindi ko nakaya ang bigat ng titig nito sa akin.
“Akala ko umalis na siya?” Pasimple kong sinilip ang relos ko at napakunot ang noo ko nang makita, hindi naman ako nagkamali, alas-otso na ng umaga! Pero bakit nandito pa siya?
Eh dati kasi 6:30 palang ay wala na ito sa mansion?
“Aren’t you going to eat?” Mabilis kong ibinalik ang tingin ko sa kanya at medyo nakahinga nang maluwag nang makita nang busy na ito kakatipa sa kanyang laptop.
“A-ah right,” dahan-dahan akong naglakad at naupo sa harapan ng inuupoan niya.
I poured cereal into a bowl, added milk. Mixed it, and started eating.
Pasimple ko rin itong sinusulyapan, kaninong asawa ulit ‘to? Gwapo eh!
Why he’s still here? Is he going to invite me to the consortium, that my Uncle mentioned?
Nawala ang atensyon ko sa kanya nang biglang sumakit ang ulo ko, sh*t.
Napahawak ako sa aking ulo pero agad ko ring ibinaba ang kamay ko nang maalalang nandito pala si Clark sa harapan ko.
Nasakwarto ngayon ang gamot ko! Ginawa ko ang lahat para hindi ipahalata ang pagngiwi ko dahil sa iniindang sakit.
I need to get my medicine!
Hindi ko naman siya pwedeng utusan dahil mabubuking ako. I stood up calmly and I maintained my straight face.
Dahan-dahan akong naglakad at nang nasa gilid na ako ni Clark at bigla akong nahilo at panandaliang panlalabo ng paningin.
I lost my balance and accidentally sat on Clark’s lap – my husband’s lap!
OH GOD!!
Naramdaman ko ang paninigas nito dahil siguro sa posisyon namin ngayon.
Nakatingin lang ako sa harapan habang nanlalaki ang mga mata, nakalimutan ko rin sandali ang pananakit ng ulo ko dahil sa gulat sa pangyayari.Dumagdag pa ang bukol na nararamdaman ko sa gitnang hita ko na naging dahilan rin ng pamumula ng mukha ko.
“F*ck!” Parang binuhosan ako ng malamig na tubig at biglang taohan nang marealize ko ang posisyon namin ngayon.
Daglian akong bumangon, hindi ako humarap sa kanya.
“I-i’m sorry nadulas lang,” hindi ako tumingin sa kanya dahil sa kahihiyan, mabilis akong naglakad palabas ng kitchen.
Narinig ko pa ang sunod-sunod na mura nito at may sinabi itong hindi masyadong narinig.
“𝘍*𝘤𝘬! magtatagal na naman ako nito sa 𝘤𝘳”
END OF CHAPTER 7
