"RED"

903 28 3
                                    

(Stell)

I see red, wherever i go. Nasaang lugar ba ako?
bakit parang nasa impyerno ako? Ang daming walang buhay dito. Halos manginig ang katawan ko pero wala akong magawa dahil kailangan kong makaalis dito.

(ken)
"Stop! saan ka pupunta?"

(stell)
Napalunok ako ng laway dahil nararamdaman kong naglalakad na yung isang lalaki sa likuran ko,

"uhm, h-hindi po ako masamang tao s..sir hindi po ako kasama sa kanila, wag niyo po ako patayin parang awa
mo na"

Mangiyak-ngiyak na sabi ko.
maya maya pa ay nararamdaman ko na ang bawat pag hinga niya.

"pauuwiin niyo na po ako sir.. "

(ken)
"Pagkatapos mong makita ang ginawa ko , sa tingin mo pauuwiin pa kita?"

(stell)
Nanlaki ang mga mata ko. katapusan ko na.
Napapikit na lang ako at tinaggap na ang kamatayan ko.

(ken)
"open your eyes."

(stell)
Shit andito na siya sa harapan ko.
Binuksan ko ang mga mata ko ng dahan-dahan
Nakita ko ang isang gwapong nilalang na malam-lam ang mga mata. May mga dugo siya sa kanyang mukha at braso. Nagkatitigan kami ng ilang segundo. Maya maya ay bigla siyang nahimatay. Anong gagawin ko? Baka mapag kamalan pa ako dito..

Dahil di ko alam ang gagawin ko, tumakbo ako pero nagsalita siya.

(ken)
"ple-ase.. h..elp me."

(stell)
Di kinaya ng konsensya ko kaya naman tinulungan ko siya.
Bwiset bat ko ba to ginagawa. Baka mamaya Mapahamak pa ako dito. Pero bilang isang anghel . Tutulungan ko ang demonyong to.

Isinakay ko siya sa kotse na di ko alam kung kanino. Hinila ko ang lalaking walang malay para makasakay na kami. Pagtapos ay inayos ko siya at nilagyan ng seat belt.

"di ako marunong mag drive. pero susubukan ko"
"Letse, pano ba to? "

(ken)
"A-lis diyan- nanghihinang sagot nito.


(stell)
Agad akong umalis, At nagpalit kami ng pwesto.

(ken)
"Hold this..." Sabay lagay ng dalawang kamay niya sa manobela.

(stell)
"What?" takang tanong ko. Anong hahawakan ko?

Kinuha niya ang kamay ko at ipinatong sa tagiliran niyang may sugat.

(ken)
"Pag di mo hinawakan yan, Baka dalawa tayong mamatay."

(stell)
Pinaandar niya ang sasakyan habang hawak ko ang sugat niyang walang tigil sa pag durugo.

Mas binilisan niya ang pagpapatakbo ng sasakyan Kaya naman napakapit ako ng mahigpit sakanya. At di ko namalayan na nakayakap na ako sakanya.

Ilang sandali pa nakarating kami sa isang lugar na di ko alam kung saan to. Maya maya ay may mga lalaking armado na lumapit samin. Eto nakayakap parin ako sakanya.

(tauhan 1)
"boss! Mukhang malubha ang tama mo."

(stell)
Agad siyang kinuha sa akin.

Akmang aalis na ako ng,

(tauhan2)
"Lumapit ka dito."

(stell)
Pucha naman oh, akala ko makakauwi na ako.
"uhm, Bakit po? "

(tauhan3)
"Ngayong alam mo na ang base namin, di ka na pwedeng lumabas. "

(stell)
Shit. ano to?

Maya maya ay ginwardyahan na ako ng tatlong lalaki papunta sa isang kwarto.

(tauhan1)
"Dyan ka muna habang wala pang sinasabi si boss kung anong gagawin sayo"

(stell)
"Kuya naman e, tinulungan ko na nga boss niyo e . saka wala naman akong balak na isumbong kayo o ano. Pakelam ko ba sainyo.please kuya pauuwiin niyo na ako. "

Pero tila bingi ang mga lalaki at tuluyang umalis.

"Gutom na ako. Hayss. "
Nakatulog na lang ako habang nagugutom.

[Kinabukasan ng magising si stell.]

(ken)
"wake up."

(stell)
"Hmmm"
5mins. please...

(ken)
"Here's your food"

(stell)
Pota pagkain na to." salamat naman"
Asan?!" paasa . wag mo akong mabiro biro. Gutom ako. baka gusto mong ikaw ang kainin ko. "

(ken)
"Hahaha"
Nakakatawa tong bagong pet ko.
"follow me. "

(stell)
Agad akong sumunod.

(ken)
"Pwede kang kumain ng kahit anong gusto mo. Wag mo lang papakealaman ang kwarto ko.
iiwan na kita dito. May gagawin pa ako. "

(stell)
"Sige. "
tipid kong sagot , gutom na talaga ako. Agad akong dumiretso sa ref. Yes! may stocks. Ang daming pagkain . Pero walang tubig puro alak. ano to? eto ba ginagawa niyang tubig? Agad akong nag luto. inilibot ko ang tingin ko. halos lahat ng gamit pula. wow. Di halatang favorite niya to ah.

Habang inaantay kong maluto ang pagkain, umupo muna ako sa sofa. Sa gilid nito ay may maliit na lamesa, nakita ko ang isang nakataob na picture frame.Dahil curiousity kills. Tinignan ko .
Dalawa sila sa larawan, Nakaupo ang isang lalaki at yung boss na tinutukoy nila, nakakurot sa mga pisngi ng nakaupong lalaki at masaya sila.
May sulat pala sa gilid nito kaya binasa ko na rin
"i love you forever red" - justine.

ayy wow so sila nga. Infaireness bagay sila.

(ken)
"What's that smell?!"
galit na sabi ng boss .

(stell)
Nagmadali akong tumayo at nakita kong nasusunog ang niluluto kong ulam. shit papatayin ba ako nito? yung mga tingin niya sakin para akong sinasaksak.

"s...sorry uhm. "
di na ako nakapagsalita ng hilain niya ako at ikinorner sa pader.

(ken)
"What are you doing hmm?
may balak ka bang sunugin tong bahay ko? "

(stell)
"W...wala.. hindi ko sinasadya.. Naka idlip kasi ako e "
pag papalusot ko. Sana lumusot. .
Nakita ko na naging maamo ang mukha niya at umalis sa harap ko.

(ken)
"Sit down. You wait there"

(stell)
Agad akong sumunod syempre, baka ma wrong move nanaman ako . BINGO na ako nito. Maya maya naka amoy ako ng mabango, Wow nagluluto siya. Nice naman. di bagay sayo tse!

(ken)
"open the Tv if gusto mo manood. "

(stell)
"Uhm, mas gusto ko makinig ng music, can i?"

(ken)
"yeah."

(stell)
agad kong binuksan ang soundsytem niya. mas malakas ang bass. Pero di ko na lang pinansin. At nag patugtog.

maya maya tinawag na niya ako para kumain.

Agad akong sumunod.

Nakaupo ako ngayon. nakaharap sakanya. sheeet! pano ba to? parehas masarap yung nasa harap ko . eme!

Kumain ako at nakatitig lang siya sakin.

"naiilang ako"

(ken)
Kailangan mong masanay. Wala kang choice

(stell)
yari na talaga.

RED Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon