The dinner last night went well. Kaming tatlo lang ni Daddy at Papa. Sila kuya busy daw sa school works babawi na lang daw sa weekend.
Nasa byahe na ko ngayon papasok sa school, dumaan lang kami sa drive thru para sa bumili ng fries at hash brown. Nag breakfast naman na ako sa bahay nag crave lang talaga sa mga ito ngayon.
"Salamat po."
Walang emosyon na nag lakad ako papunta sa building. I'm always like this towards other people. Gusto ko na maging first impression nila sakin ay cold, maldita, masama ang ugali. Ayokong makita nila kong mahina, yung kakayanin lang nila.
Pag pasok pa lang sa building ang mata na naman ng ibang estudyante ay na sakin. Gandang ganda na naman tong mga to sakin eh.
"Miss."
Hindi ko alam kung para sakin ba yon kaya hindi ako lumingon. Mamaya hindi naman pala ako yung tinatawag tapos nilingon ko edi napahiya pa ko, ang aga aga.
"Miss, wait." May humarang sakin. Section 1 to malamang buong first floor section 1 lang naman.
Tinitigan ko lang sya. Nakita ko din ang pag lapit ng ilang lalaki pa sa pwesto namin. Kasama din yung naka sagutan ni Cloud kahapon.
"About yesterday, I'm sorry you need to witnessed it." Yung Sloan.
"We're just concern. Baka kung anong gawin ng mga iyon sayo." sabi nung lalaking sige pogi na rin. Pero medyo kulot ang buhok nya. Hindi naman sobra medyo nga lang. Ulit ulit ako.
"They bring no good, specially to you." Sino ba tong mga to?
"Okay, first of all I don't know you. All of you. Second, thanks for your concern but third I don't need it. I can handle myself. Now if you'll excuse me I'm running late."
Dumaan ako sa gilid nila at hindi na hinintay pa ang sasabihin nila. Call me rude or what but I don't give a f*ck to them.
"Ano? Lumaban ka pa!"
Nandito pa lang ako sa tapat ng elevator sa floor namin naririnig ko na yung sigawan sa loob ng room.
"Oo na ako na mali. Ikaw lagi kang tama Cloud. Napaka husay mo!"
Mukhang nag babato ng mga gamit sa loob ng room yung sumisigaw.
"Awat na pre."
Naabutan kong hawak hawak sa balikat ni Ryker yung isang kaklase namin. Hindi ko sya namumukaan. Si Cloud ay hawak naman nila Trevor at Hayden. May pasa na ang mukha nya.
"Bitawan mo ko." Asik nya kay Ryker.
Nandito lang ako sa may pintuan pina panood sila. Napansin ako ni Greg at agad lumapit sakin.
"Astra." Para syang bata na takot na takot.
Dahil sa pag takbo sakin ni Greg napalingon sakin lahat ng nasa kwarto.
"T*ngina! Ano to? Nag papasok na naman kayo ng babae dito?" Masama ang tingin nya sakin.
Problema ba nitong kumag na to? Ang aga aga nag iinaso dito. Naramdaman ko naman ang pag tago ni Greg sa likod ko.
Nag lakad ako papasok, lalagpasan na sana sya kaso hinatak nya ako palapit sa kanya.
"Let go of her." Mariin na sabi ni Cloud.
Ngumisi lang sya at mas lalo pa kong hinatak palapit sa kanya. Halos wala ng distansya samin. Naka dikit na ako sa dibdib nya, naka tingala ako sa kanya habang sya ay naka yuko.
"Bakit dito ka sa section namin pumunta? Pustahan katulad ka din ng mga babaeng pumasok dito." Lumapit sya lalo sakin. "Malandi, aakitin kami, magpapa kama samin. Pare parehas lang kayong walang magandang dulot dito sa section namin!"
