Chapter 4
Aiah Arceta.
Pagpasok ko sa kotse, binagsak ko ang pinto nang mas malakas kaysa sa dapat. Hindi ko alam kung sinadya ko o talagang bad trip lang ako, pero hindi na ako nag-abala pang mag-sorry. Si Mikha? As expected, nakasimangot na naman habang ini-start ang sasakyan.
Tahimik kaming dalawa habang umaandar ang kotse, pero ramdam ko ang tensyon sa loob. Hindi ko na kinaya ang bigat ng atmosphere kaya ako na ang unang nagsalita.
"Kung masama ang loob mo, hindi mo naman kailangang ipilit na sunduin ako," sabi ko, nakatingin sa bintana para hindi niya makita ang iritasyon sa mukha ko.
"Hindi naman kita susunduin kung hindi sinabi ni Mommy," sagot niya agad, malamig ang tono. "Kaya kung may reklamo ka, sa kanya ka magalit." barumbadong sagot niya sakin, lalo pang nag salubong ang kilay niya.
Napalingon ako sa kanya, hindi makapaniwala. "Seriously? Galing ka ba sa fan meet, tapos ganito agad ang energy mo? Akala ko ba ikaw ang superstar dito, hindi high blood queen?"
Napapreno siya nang bahagya, pero kita ko sa gilid ng mata ko na kinokontrol niya ang galit. "Kung high blood ako, ikaw na siguro ang dahilan. Ano bang ginagawa mo sa condo ni Stacey hanggang ganitong oras? Wala ka bang ibang priority bukod sa pagtambay?"
"Ano bang problema kung nasa condo ako? At least, hindi ako nagkukunwaring perfect sa harap ng lahat," sagot ko, tinaasan siya ng kilay.
Biglang huminto ang kotse sa gilid ng daan. Napalingon ako sa kanya, at doon ko nakita ang inis na inis niyang mukha.
"Ang kapal ng mukha mo, Aiah," sabi niya, diretsong nakatingin sa akin. "Ako? Nagkukunwaring perfect? Excuse me, pero kahit papaano, kaya kong harapin ang mga responsibilidad ko. Unlike you, na hindi nga makasipot sa family dinner dahil ang reason busy! Iresponsable ka!" singhal pa niya.
Napanganga ako sa sinabi niya. "Wow. Now I'm irresponsible? Mikha, let me remind you—ako ang model dito. My schedule is packed. Hindi ako puwedeng basta-basta na lang umatras sa commitments ko dahil lang sa dinner na puwedeng gawin anytime!"
Napailing siya, halatang gigil na. "Anytime? Seriously? Dinner 'yon na kasama si Mommy at Daddy ko! Alam mo kung gaano kahalaga sa kanila 'yong ganitong pagkakataon, tapos sasabihin mong pwedeng anytime?!"
Hindi ko alam kung bakit parang sinisindihan ako ng bawat salitang binibitawan niya. Hindi ako nagpatalo. "Eh di sana, sinabihan mo na lang sila na hindi ako pwede! You're the actress! You're great at putting on a show, right?" mapanginsultong sambit ko pa.
Biglang natahimik ang kotse. Kita ko kung paano sumikip ang panga niya habang pilit nilulunok ang galit niya.
"Alam mo, Aiah," sabi niya nang mahina pero puno ng inis, "Kung hindi lang dahil sa kasunduan na to, wala akong pake kung saan ka sumabit buong gabi. Pero dahil mag-asawa tayo sa papel, at dahil ini-expect nila na nandyan ka, ikaw ang nagmumukhang walang respeto. Hindi ako."
Napatingin ako sa kanya, ramdam ang kirot sa sinabi niya. Pero bago pa man ako makasagot, pinaandar niya ulit ang kotse, at hindi na siya nagsalita.
Tahimik kaming umuwi, pero sa isip ko, paulit-ulit ang mga sinabi niya. Sa unang pagkakataon, parang gusto kong magtalo pa, pero sa halip, nanatili akong tahimik. Sa puntong to, hindi ko alam kung sino talaga ang mali—ako ba, siya, o 'yong sitwasyon na pilit naming pinapasan.

BINABASA MO ANG
Fame, Lies, and Love (Mikhaiah Fanfiction)
Fanfictionsi Aiah at si Mikha ay tom & jerry