Chapter 3
Aiah Arceta.
Kinabukasan, hindi ko na matiis. Hindi ko na kaya ang bigat sa dibdib ko mula kagabi. Agad akong tumawag kay Stacey at nagkayayaan kaming magkita sa condo niya. Alam kong siya ang tamang tao para maglabas ng sama ng loob, lalo na't may mga kasama rin siya—sina Maloi at Sheena. Gusto ko lang mailabas lahat ng inis ko kay Mikha.
Nakasimangot ako habang nag mamaneho at panay ang bulong ko.. Sinabi ko rin kay Mama na pupunta ako kay Stacey just in case na abutan ni Mikha na walang tao sa bahay.
Pagdating ko sa condo, bumungad agad ang masiglang pagtawa nina Stacey at Sheena. Si Maloi naman, nakangiti lang habang nakasandal sa sofa.
"Oh, mukha kang galit na galit, bestie. Ano na naman ginawa ng misis mo?" tanong ni Stacey, sabay abot ng iced coffee sa akin.
Umupo ako at dumiretso sa reklamo ko. "Alam mo, hindi ko talaga alam kung anong problema ni Mikha! Perfectionist na nga, taray pa! Para bang lahat ng tao sa paligid niya, puro mali. Isang gabi lang na pumalpak sa family dinner nag alburoto na! Nag-sorry ako sa parents niya, ang dami pang sinasabi!" inis na sabi ko at hinigpitan ang hawak sa phone ko.
Tawanan agad ang tatlo. Si Sheena halos mabilaukan sa iniinom niya. "Kaloka ka, Ate Aiah! Eh di ba ganyan na siya noon pa? Ba't ka pa kasi pumayag na pakasalan siya kung araw-araw mo rin lang siyang irereklamo?"
"Akala mo naman may choice ako!" sagot ko, rolling my eyes. "Parents ko ang may gusto sa setup na 'to. Sila ang nagsabi na okay daw kami sa isa't isa. Eh hindi naman nila siya nakakasama araw-araw!"
"Ang cute naman," singit ni Maloi, na parang naaliw pa. "So, ano na naman ginawa niya?" curious na tanong pa niya.
Nagpatuloy ako. "Eh di ba nga, kagabi pa yun! Late na ko kaya hindi na ako dumating sa dinner namin, as if naman wala akong trabaho. Akala mo siya lang busy sa mundo! Tapos kung makatingin, akala mo minurder ko ang aso niya!"
Sabay tawanan ulit ang tatlo. "Hay naku, Aiah," sabi ni Stacey, tumatawa pa rin. "Alam mo, maganda ka kasi. Kaya normal lang na tarayan ka ni Mikha. Selos siguro, teh." pangaasar pa niya.
Napataas ang kilay ko. "Selos? Siya? Impossible! Wala siyang pakialam sa akin! Ang iniintindi lang nun, sarili niya, career niya, at kung paano siya magiging perpekto sa paningin ng ibang tao!"
"Pero aminin mo," singit ni Sheena, nakangiti. "Perfect naman siya, di ba? Sa hitsura, sa trabaho, sa pagiging mataray…"
Halos maibato ko na ang throw pillow kay Sheena, pero tumawa lang sila lalo. Napabuntong-hininga na lang ako at umiling. "Nakakaloka kayo. Ako na nga 'tong naiinis, tapos kayo pa 'tong nage-enjoy."
"Relax, bestie," sabi ni Stacey, hinahagod ang likod ko. "Ganyan talaga si Mikha. Pero hindi mo ba napapansin? Kahit mataray siya, ikaw naman ang priority niya. Tandaan mo, sinundo ka pa rin niya kagabi kahit galit siya. Kung ako yun, bahala ka na sa buhay mo."
Hindi ko alam kung paano sasagutin iyon. Gusto kong magreklamo ulit, pero may konting kirot sa puso ko sa narinig ko. Priority? Paulit-ulit na pumasok sa isip ko ang sinabi ni Stacey habang nakatingin ako sa iced coffee sa kamay ko.
Pero hindi. Hindi ko siya dapat bigyan ng kahit anong excuse. Mayabang pa rin siya. At nakakainis pa rin.
Naputol ang tahimik kong pag-iisip nang marinig ko ulit ang tawa ni Sheena. "Aiah, seryoso ka ba? Kung tutuusin, jackpot ka na kay Mikha. Sikat, maganda, at let's be real—yung taray niya, sexy minsan."

BINABASA MO ANG
Fame, Lies, and Love (Mikhaiah Fanfiction)
Fanfictionsi Aiah at si Mikha ay tom & jerry