Chapter 38

1K 50 33
                                    

Vaine Fleur

"Vaine, be ready kayo na next shift mamayang 8PM. Punta ka nalang sa conference room for assigning." tapik sa akin ng kasama ko na ikinatango ko naman. Saktong kakagising ko lang nang kumatok siya sa pinto kung saan ako nagpapahinga.

Medyo masakit pa yung likod ko mula sa pagkakahiga sa couch dito sa office pero wala na akong choice dahil pagod na pagod talaga ako kanina at wala din akong tulog kakagawa ng case presentation namin para bukas. Medyo maliit kasi yung couch kaya nahirapan akong pagkasyahin yung sarili ko.

Inofferan naman ako ni Yna at ni Daddy na doon matulog sa quarters ng mga doktor dahil mas komportable pero ako na mismo ang umayaw dahil ayokong maging unfair sa mga kasama ko dito. Hindi naman porket kami ang may-ari ng hospital ay may special treatment na gusto kong maranasan ang ginagawa at na e-experience ng mga normal na nagiging intern dito.

"Sakit ng likod mo no?" tanong sa akin ni Sunny nang pumasok ito at nakitang gising na ako.

"Gaano katagal ba akong tulog?" tanong ko naman habang minamasahe yung balikat ko.

"Hmm, more or less 4 hours. 7PM na eh." sagot niya habang nakatingin sa relo.

"Matagal na yun kung ikukumpara ko sa mga naging tulog ko nitong nakaraang araw." sagot ko sa kanya.

"Take care of yourself, V. Mahirap nang magkasakit, lalo na ngayon na mas prone tayo." sabi niya na tinanguan ko naman.

"Dumating na ba si Yna?" tanong ko kay Sunny dahil night shift na din siya.

Nung nalaman niya kasing pang-gabi ako ay nagpalipat din siya para daw magkasama pa rin kami. Oh diba, sino mag-aakalang ganyan ka clingy yung girlfriend ko. Hindi halatang masungit eh no.

"Yeah. Nakita ko siyang pumasok sa conference room kanina." sagot naman ni Sunny.

Dali-dali naman akong nag-ayos ng sarili saka kami sumunod ni Sunny papunta ng conference room.

"Good evening, everyone." bati namin ni Sunny nang makapasok kami.

Agad na hinanap ng mata ko si Yna, na nakaupo sa gilid habang may dini-discuss sa isa pang doktor. Napansin niya yata na may nakatingin sa kanya kaya napatingin din siya sa direksyon ko. Nginitian ko siya at pasimpleng kinindatan, pero dahil may kausap siya, tiningnan niya lang ako sandali at muling ibinalik ang atensyon sa kausap.

Ilang sandali pa, pumasok na ang Chief of Staff ng hospital kaya nagsimula na rin ang meeting. Nag-discuss kami ng mga dapat gawin at ang kanya-kanyang unit na pagdudutyhan.

"Vaine, coffee for you." nakangiting sabi ni Calvin sa akin sabay abot ng kape.

"Thank you." ngumiti ako nang pilit sa kanya saka tinanggap ang kape na ibinigay niya.

Medyo kinabahan ako dahil kahit hindi ako nakatingin kay Yna, alam kong masama na ang tingin niya sa amin kay Calvin lalo na at nasa harapan lang namin siya nakaupo.

Intern din si Calvin dito sa hospital pero galing siya sa ibang school. Nasabi niya sa akin nung nakaraang araw na crush niya daw ako kaya ngayon ay panay ang dikit niya sa akin.

"Saan ka na-assign?" tanong niya.

"Hindi ko pa alam." tipid na sagot ko sa kanya.

Ayaw kong maging bastos pero takot din naman akong sumagot dahil siguradong ako ang kawawa mamaya.

"Vaine, do you remember when I asked you the other day if we could have dinner? I’ve been thinking about it, and I’d really like to know your answer. But I completely understand if you need more time to decide, no pressure." nakangiting pagpapaalala sa akin ni Calvin.

What Are The Chances? (ProfessorXStudent)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon