THIS IS A WORK OF FICTION
•errors ahead
•wrong grammar
•taglish• This is a work of fiction, names, characters, events, incidents, and location are only the products of the author's imagination or have been used in fictitious manner. any resemblance to actual persons, living or dead, and event's are entirely coincidence, if you found some mistakes or grammatical errors, improper used of works kindly correct it to me. Thank you.
Chapter 2
Aiah Arceta.
Paglabas ko sa bathroom, bumungad agad si Mikha—nakaupo sa gilid ng kama, may hawak na script, at mukhang abala na naman sa trabaho. Hindi man lang siya tumingin sa akin, pero ramdam ko ang tension sa pagitan namin.
Napabuntong-hininga ako. Bakit ba kasi pumayag pa ako sa kasunduang ito? Iniisip ko habang pinatuyo yung buhok ko. Kung hindi ko lang masyadong pinakinggan ang mga magulang ko, malamang hindi ganito ang buhay ko ngayon—nakatali sa isang kasunduan na ang tanging habol lang ay panatilihin ang reputasyon ng mga pamilya namin.
"Badtrip ka! Bwiset ka!" sambit ni Mikha, malamig ang boses, hindi man lang ako nilingon.
Napairap ako. "Sorry na nga diba?! Sorry dahil may trabaho akong kailangang tapusin," sagot ko nang may diin, hindi na nag-abala pang magpaliwanag ulit dahil alam kong hindi niya ako papakinggan.
Itinabi niya ang script at tumingin sa akin, ang mga mata niya puno ng inis. "Hindi lang naman ikaw ang busy tandaan mo yan Aiah!. Pero kapag family dinner, sana naman mas mag-effort ka. Hindi lang para sa akin—para sa parents ko."
Parents niya? Napailing ako. Ang dami na niyang nasasabi pero hindi niya iniintindi na halos maubos ang oras ko kakatrabaho para sa career ko. Sa dami ng iniisip ko araw-araw, dadagdagan pa niya ng ganitong drama.
"Ano bang gusto mong gawin ko, Mikha? Umiiyak habang humihingi ng tawad?" bumuwelta ko, hindi na mapigilan ang inis dahil talagang nakakainis na siya!
"Ang gusto ko lang naman, gawin mo yung part mo!" balik niya, tumayo at humarap sa akin nang diretso. "Ang hirap ba nun?"
Hindi ko alam kung dahil pagod na ako o dahil sawa na akong makipagtalo sa kanya, pero nagdesisyon akong tapusin na ang usapan. Tumalikod ako at kinuha ang unan sa kama. "Wag mo na akong hintayin. Doon na ako sa guest room matutulog," sabi ko bago tuluyang lumabas
Habang naglalakad palabas, isang tanong ang paulit-ulit na sumagi sa isip ko. Worth it ba talaga 'to?
:
FF | KINABUKASAN
Hindi ko na napigilan ang sarili ko kagabi. Matapos ang mainit na sagutan namin ni Mikha, nagdesisyon akong matulog sa guest room. Pakiramdam ko, kailangan ko ng distansya sa kanya kahit isang gabi lang para huminahon. Pero kahit gaano ko gustong magpahinga, hindi ko magawang makatulog nang maayos. Ang mga sinabi niya paulit-ulit na nag-e-echo sa isip ko.
Pagmulat ng mata ko kinaumagahan, naramdaman ko pa rin ang bigat sa dibdib. Naiinis pa rin ako sa kanya—sa pagiging demanding niya, sa pagiging perfectionist niya na parang lahat ng tao sa paligid niya kailangang sumunod sa standard niya. Napabuntong-hininga ako.
Habang binabalik ko sa isipan ang nangyari kagabi, biglang sumagi sa isip ko ang pamilya ni Mikha. Kahit gaano ako naiinis sa kanya, alam kong importante sa kanya ang mga magulang niya. Sa totoo lang, iyon ang isang bagay na pinapahalagahan ko rin. Ang pamilya niya ay palaging mabait sa akin, at kahit hindi ko sinasadya, parang nadisappoint ko sila kahapon.

BINABASA MO ANG
Fame, Lies, and Love (Mikhaiah Fanfiction)
Fanfictionsi Aiah at si Mikha ay tom & jerry