Chapter 2

615 19 0
                                        

"eto na nga-" unang bungad ni Saint.

Ayan, ayan ang mga gusto kong umpisa ng kwentuhan. Nagku kumpulan kami dito sa loob ng room. May kalahating oras pa kami bago ang next subject, may papasok na din na teacher.

"Wait, wait. Nakita ko sa list online 18 tayo sa klase. Asan yung dalawa? 16 lang tayo dito ngayon." tanong ko.

"Si Brett at Adam ang wala. Si Brett hindi sila in good terms ni Pres. Si Adam naman simula third year madalas na ang absent nya tumutulong sa tatay nya sa pag titinda sa pwesto nila."

"What happened to Brett and Cloud? What's the issue?" sorry na chismosa ako eh.

"Brett is our President since second year to third year. Pero ngayong taon pinalitan na sya ni Cloud. Madalas din kasing wala si Brett lagi syang napapa away sa labas ng school. Tuwing papasok naman sya hindi mo mararamdaman presensya nya dito sa loob ng room. Papasok yon na puro pasa ang mukha."

"Sino naman ang nag bigay ng pwesto kay Cloud?"

"Nag botohan kami, kaya sumama din ang loob samin ni Brett. Pero parang isang buwan lang okay na ang pakiki tungo nya samin kay Cloud lang talaga hindi."

Tahimik naman na nakikinig lang ang iba dito habang nag uusap kami ni Saint. Itong si Greg naka sandal pa sa balikat ko, feeling close ang damuho.

"Since second year magka kaklase kayo?"

"Yes, nabuo ang section 4 ng second year kami. Lahat ng students na may bad record noon dito tinatapon sa section 4. Pwede kaming maalis at mabalik sa original section namin kung mag babago kami. May iilan na napupunta dito pero ilang bwan lang nababalik din sa section nila." si MM naman ang sumagot.

"So kayo walang pagbabago?"

"Aba syempre wala. Mahirap maging mabait dito lalo na kung may mga susubok talaga sa pasensya mo." Kibit balikat na sagot ni Jude.

Proud na proud pa talaga sya.

Kung titignan mukang okay naman silang lahat o ewan ko. First day ko pa lang hindi ko pa sila nakikilala ng lubos.

Si Greg ang clingy sa kanila halata naman, ngayon pa lang naka sandal na sakin. Mukang tulog pa nga mabigat na ang ulo eh.

Si Oliver, Toby, Jude, MM, PJ at Saint naman pare parehas sila ng laki. Siguro mga 6 flat, itong si Greg ang pinaka maliit sa kanila pero mas matangkad pa din sya kesa sakin.

Si Aiden,Ryker at Isaiah naman mga tahimik kumpara sa mga una kong nabanggit na parang mga hindi nauubusan ng kwento. Silang tatlo tamang kinig lang makikitawa minsan. Madalas wala din emosyon.

Iisa halos ang height nila si Greg lang talaga ang naiiba. Kung gwapo ba sila? Malulula ka sa kapogian ng mga to. Siguro kung OA ako na tipo ng babae pag pasok ko pa lang kanina nangisay na ko sa kilig dahil napapa libutan ako ng mga pogi. Buti na lang very cold and demure ang atake natin.

Itong sampung kumag na kasama ko ngayon medyo magaan naman ang pakiramdam ko sa kanila.

Pero itong limang bagong pasok masama kutob ko sa mga kumag na ito.

Diretso ang tingin sakin nung President. Bumaling saglit kay Greg na tulog sa balikat ko ang tingin nya at bumalik sakin. At ang kumag tinaasan ako ng kilay, I do the same. Akala mo ikaw lang mag iinarte dyan.

Nakita ko naman ang pag alog konti ng balikat nung Vice. Mukang enjoy na enjoy pa sa ginagawa namin ng tropa nya.

Naramdaman ko ang pag upo na nila sa pwesto nila sa likod namin. Sampung minuto na lang din bago mag umpisa ang klase.

A Rose Among the ThornsWhere stories live. Discover now