Episode 13: Lemonade

3.6K 145 70
                                    

“Is that… is that true, Sofia?” Jarren’s Adam’s apple went upward and downward, “don’t fool around. Please, don’t fool me.”

I chuckled, “totoo nga, teh! On cam lang ‘yon, ‘di ‘yon totohanan!” Nagpipigil ako ng ngiti nang ilagay ko na ang manok sa kasirola. Pati na rin ang patatas.

Tumalikod ako sa kanya para kunin ang takip ng kasirola, doon na ako napapikit habang nakangiti nang malawak. Nang muli akong humarap sa kanya ay nagpigil na naman ako ng ngiti habang nilalagay ang takip doon sa kasirola.

“Damn…” he whispered but it’s too loud for me to hear it clearly, “I stressed myself out for a God damn public stunt.”

“Saka bakit ba? Ano naman sa ‘yo ngayon kung public stunt lang ‘yon?” Lalo ko pang pinigilan ang ngiti ko. Teh, na-stress ako! Ilang segundo na lang, ‘di ko na ‘to keri! Baka mapangiti na lang ako na para bang gusto kong gumawa mg krimen!

“Wala,” he just mumbled as he sits on the highchair of the kitchen island. He is smiling wide. It is probably the widest smile I’ve ever seen from him.

Jarren, ‘wag kang ngumingiti diyan! Kapag ganitong nagpipigil ako ng ngiti, baka bigla akong lumuhod sa ‘yo at mag-propose!

“Weird mo, bakla,” I acted like it’s nothing pero teh, ‘yung puso ko lagabog nang lagabog! Nagwawala! Tumalikod akong muli sa kanya para magkunwaring may kukunin pero ang totoo, ngingiti lang naman ako nang todo!

“Luto na ba ‘yan?” His thick British accent came, “gutom na ako, Fyang.”

Humarap ako sa kanya at sumimangot, “balik na talaga tayo sa Fyang?”

“Why?” He responded, he is still with that wide smile that I can’t last to stare at! Napaiwas tuloy ako ng tingin!

“Wala! Bahala ka nga diyan!” Nagkunwari akong nakasimangot pero ang totoo, gustong-gusto ko na talagang ngumiti! ‘Yung mukha ko bakla, parang manhid na kakapigil ko ng ngiti! Malapit na ‘to sa pa-stroke talaga!

Pero ‘di ko na talaga kinaya pa nang lumapit siya sa akin. Our arms touched when he grabbed the ladle from me, “what did you cook ba?”

“Adobo, teh,” umiiwas ako sa kanya pero siya itong lapit nang lapit sa akin! Sa huli ay umupo na lang ako doon sa inupuan niya kanina! Baka kasi hindi ako makapagpigil at siya ang maupuan ko—chariz! Hindi magiging bastos!

“This is already good to eat,” Jarren announces, with smile still on his face as he diverts his eyes from the food to my face, “tara, kain na tayo.”

Napaiwas ako ng tingin, pigil pa rin ang ngiti ko nang tumango lang ako sa kanya.

Nakakainis! Ang cute niyang ngumiti!

When Jarren sat beside me, dala-dala na niya ‘yung plato naming dalawa na naglalaman ng adobo at kanin. Then after a moment he stood up and when he sat beside me again, he slid a mug in front of me, “milk with milo.”

Tango lang uli ang sinagot ko sa kanya kasi naka-focus lang ako sa pagpipigil ng ngiti!

Tahimik kaming kumain. Ang tanging maririnig lang sa buong paligid ay ang pagtama ng kutsara sa plato namin pati na rin ang ingay ng aircon mula sa aming gilid. But suddenly, he was the one who was obliged to break it.

“Is it really true? You are still single?” he asked with, still, that cute wide smile on. Hindi niya inaalis ang tingin sa pagkain.

“Oo nga! Paulit-ulit naman ‘to siya,” I rest my chin on my hand and face the opposite direction of him, doon na ako ngumiti dahil pagod na pagod na talaga ako sa kakapigil ng ngiti!

The Public StuntTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon