Chapter 1

894 19 0
                                        

First day of school ko, yes ako lang kasi late enrollee ako. Two weeks ago na simula ng nag start ang klase. Kung masaya ba ako? Malamang, hindi.

Sinong hudas ba naman ang mag sasaya kung ikaw lang ang nag iisang babae sa section nyo? Dahil ba late enrollee ako dapat ilagay ako sa section na yon? Dahil ba sa bad records ko from my previous school hindi ko deserve kahit sa ibang section man lang na may ibang babae?

Labag man sa loob ko kumilos na ako. Fifteen minutes lang naman ang byahe simula dito sa condo hanggang school.

At yes, naka condo ako. Living alone at the age of 17. Hiwalay ang magulang ko, yung nanay kong makati iniwan ako kay Daddy at lumandi sa iba when I'm just only 10 years old. Si Daddy naman may kinakasama na same gender. Don't get me wrong walang problema sakin ang same sex relationship. Si Daddy ang sumusuporta sakin, allowance, tuition all of my expenses shoulder ni Daddy. Mabait din ang kinakasama nya na si Papa Louie. Katulad ni Daddy may unang pamilya din si Papa, meron syang dalawang anak na lalaki doon. Si Kuya Blake at Kuya Blaze, like Papa mabait din sila sakin, samin ni Daddy tanggap nila ang relasyon nilang dalawa. May pagka strikto lang silang dalawa pag dating sakin. Ako daw kasi ang bunso nila kaya ganon.

Tinignan ko pa ang sarili ko sa salamin bago ko lumabas. White short sleeves polo with navy blue vest, necktie and skirt. Nag suot na lang din ako ng three inches heels, pang dagdag man lang sa height since 5'2 lang ako.

"Good morning po." Bati ko pag pasok sa registrar office.

Kailangan ko na kunin ang schedule ko at id sabi nung feeling taga pag mana ng school na guard dito. Late enrollee nga eh, malamang late din ang id. Tapos ang lakas ng loob mang harang.

"Yes miss?" naka ngiting tanong ng registrar.

Very good to, mabait ang registrar hindi tulad ng ibang registrar na akala mo hindi pinapa sahod, lagi naka busangot. Akala mo pasan nila ang daigdig.

"Late enrollee po ako, kukunin ko lang po sana yung id at schedule ko."

"Pangalan mo?"

"Astra Coleen Andrada po."

Nag hanap sya saglit sa table nya bago inabot sakin ang mga kailangan ko. Nagpa salamat naman ako sa kanya at lumabas na din.

Building 4 - 4th floor

Malawak ang school na ito kung ikukumpara sa dati kong eskwelahan. Mas mahal din naman kasi ang tuition dito.

Ang St. Agnes Academy ay hanggang senior high. Gate 1 ang pre school to grade 6, Gate 2 ang high school then Gate 3 ang senior high. Hindi kami pwedeng pumasok sa gate 1 and 3.

Dito sa Gate 2 tig iisa ang building ng first year to fourth year, four floors each. May faculty building din, auditorium, field, gym and cafeterias. Base lang sa map na nakita ko kanina sa gilid ng registrar.

Hindi naman ganon kahirap hanapin yung building may malalaking pangalan naman ang bawat building. Engot mo na lang pag di mo pa nabasa.

Pag pasok sa building 4 may ilang estudyante pa ang naka kalat. At infairness naka tingin sila sakin. Ganda ko ba?

"Transferee?"
"Ano kayang section nya?"
"Sana 2 or 3."
"Malas pag section 4 yan."
"Malabong section 4 yan, matagal na yung huling nagkaroon sila ng babaeng kaklase."

Ilan sa mga bulungan ng mga kalalakihan sa gilid. Actually hindi ko alam kung bulungan nga kasi naririnig ko eh.

Dire diretso ako ng lakad hanggang sa lumiko ako kung saan nakaturo yung elevator signage. Buti na lang talaga at may elevator sila, kawawa naman kaming mga estudyante sa fourth floor kung wala. Napansin ko lang din na tatlo ang magkakatabing elevator, may section na nakalagay sa taas. Sa tingin ko exclusive per section itong elevator buti tumingin muna ko sa taas, kung hindi maling elevator masasakyan ko.

A Rose Among the ThornsWhere stories live. Discover now