2

6K 115 27
                                    

My head was throbbing madly the next morning when I woke up, but I still managed to get up early. All thanks to my alarm clock. It wasn't actually needed, but I kinda wanted some time to think about things, before our family gathering this lunch. After all, meeting my relatives was never an easy thing to do.

I sighed, and looked up at the ceiling. "We're gonna visit you today, Dad. Ano kayang mararamdaman mo kapag nakita mo ulit ako?" A bitter smile crept across my face as I talk to myself.

Hanggang ngayon, ang hirap pa rin pala. Akala ko dati, habang tumatagal, mas dadali ang pagbisita kay Dad. Pero mali pala. Dahil habang tumatagal, mas lalo pa lang humihirap. For me, at least.

I wonder if Dad would be happy about our visit? Sabagay, hindi na rin nga pala siya makakareklamo kahit pa hindi niya magustuhan ang pagbisita namin.

I heaved a deep sigh, once again. God, I miss Dad so much.

* * *

Dahil sa magmumuni-muni ko, halos nakalimutan ko na ang magiging lakad namin. Kaya sa halip na marami pa akong oras, nauwi ako sa pagmamadali sa pagligo at pagbibihis.

Nang bumaba ako papunta sa kusina namin, nadatnan kong naroon na si Mommy, at mukhang kanina pa tapos kumain. Nakaupo lang siya sa sofa at parang may malalim na iniisip. She was never the talkative type, so seeing her like this is normal for me.

When I entered the dining area, Mom's eyes shifted from her glass of wine to me. Nagkatitigan kami. Ang malamig niyang mga titig ay para bang ginawa akong bato bato sa mismong kinatatayuan ko, pero 'di rin nagtagal ay siya na ang kusang nag-iwas ng tingin sa akin.

"Bilisan mo nang kumilos. Aalis na tayo maya-maya," utos niya nang hindi man lang ako nililingon.

Hindi ko na siya pinansin at nagluto na lang ng kakainin ko. Even without telling me, 'yon din naman ang gagawin ko dahil ayaw kong mahuli kami lalo na't mga kamag-anak ni Dad ang kikitain namin.

* * *

Matapos kong kumain ay naghanda na ako. No'ng maayos na ang lahat, kinuha na ni Mommy ang sasakyan at tumungo na kami ng Park. Andoon kasi si Daddy at doon na rin kami magkikita-kitang magkakamag-anak.

Ilang oras lang ang byahe at nakarating na din kami. Tahimik at wala kaming imikan ni Mommy sa kotse kaya nagpapasalamat ako na walang traffic.

Pagkarating namin doon, agad akong tumakbo papunta kay Daddy at sabay lapag ng bulaklak. Napangiti ako nang makita ko kaagad ang pangalan niya.

"Hello, Daddy. I miss you... Happy Anniversary," malambing na pagkakasabi ko, ngunit hindi nakatakas sa aking pandinig ang pait mula sa mga sinabi ko.

Umupo ako at saka kumuha sa bag ko ng tatlong kandila. Sinindihan ko ito at nilapag sa lapida ni Daddy.

Today's his 2nd death anniversary..

Lagi kaming pumupunta dito ni Mommy sa Memorial Park tuwing death anniversary ni Dad, kasama ang mga kamag-anak namin sa part niya. Si Daddy kasi ang panganay sa kanilang magkakapatid at siya halos ang nagtaguyod sa pamilya nila kaya ganoon na lang ang respeto nila Tita at Tito sa kanya.

"Serina, tumayo ka na. Andyan na ang mga kapatid ng daddy mo," malamig na utos sa akin ni Mommy.

Sinunod ko ang utos niya kaya agad ko ring natanaw sila Tita Nerissa, Tita Cecil, Tito Steve, kasama ang mga pinsan ko.

Nang makalapit sila, mabilis akong tumungo kay Tita Cecil at kinuha ang kamay niya para magmano, pero marahas niya itong binawi at itinago pa sa likod niya.

"You don't need to do that," she said in a cold tone.

Tumango ako at napatingin sa iba pang kapatid ni Dad pero lahat sila ay pare-parehas lang ang titig sa akin. Iyong titig na malamig at para bang gusto kang itaboy. Well, it's not new to me. Kaya naman hindi ko na lang pinansin.

Zenna: The TemptressTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon