Sincerity
Ang taos-pusong salita ay kayang abutin ang puso ng iba, higit pa sa magagarbong salita na walang laman.👨⚕️HIDEO ADONIS
Nadudurog ang puso ko sa aking nasasaksihan ngayon. Paanong sa isang iglap ay apat na buhay ang kinuha ng isang sinadyang aksidente. Kamuntikan ang aking kapatid na bunso na si Harmony Athena.
Natira siya, upang hindi ako tuluyang maging mag-isa sa mundong kinukuha na sa akin ng lahat. Gusto ko man na kwestyunin ang lahat ng nangyayari sa buhay ko.
Kulang pa ba? Sino pa?
Bakit ganito... Ano ba ang kasalanan ko.
Bakit nakaukit sa akin na mawala ang mga taong importante sa buhay ko. Hindi pa nga ako lubusang naghihilom sa pagkamatay ng pinaka mamahal kong babae.
Tapos, ito naman ngayon.
Ang mga magulang ko naman. Ngunit ang isa sa mga bagay na hindi ko matanggap ay may dalawang buhay na nadamay. Sila ang truck na nakabanggaan ng sasakyan ng mga magulang ko. Nasawi rin ang dalawang mag-asawa na sakay nito. Lubosan ko itong kinalulungkot para sa pamilyang naulila.
Naulila rin naman ako. Pero alam ko, mas naulila sila. Hindi dapat sila nadamay sa kung ano'ng gulo ang mayroon ang pamilya namin, lalo na at mga wala silang muwang sa naganap.
Alam kong maraming galit sa pamilya namin. Hindi na ito lingid sa aking kaalam, ngunit ang may madamay na mga inosenteng tao ay hindi ko talaga lubusang matanggap.
Napagpasyahan ko na puntahan kung saan nakalagak ang lamay ng mag-asawang nasawi, nais ko na humingi ng kapatawaran sa pamilyang kanilang naulila.
Nakarating ako sa lokasyon kung saan nakalagak ang labi ng mag-asawang nasawi rito sa Laiya, Batangas. Pumasok ako isang funeral chapel na siyang likuran lamang ng isang simbahan.
Kaagad kong narinig ang pagpalahaw ng isang Ginang. Natanaw ko ito na niyayakap ang isang kabaong.
"Paano na si Rikah! Paano na ang nag-iisa kong apo, anak...bakit niyo siya iniwan ng ganito! Anakkkk!”
Natulos ako sa kinatatayuan ko sapagkat tanging palahaw ng kanyang paghihigpis ang siyang tanging naririnig sa buong chapel. Humahulukay ang kirot sa puso habang pinagmamasdan ang Ginang. Nakaagapay sa kanya ang sa tingin ko ay kanyang asawa.
Napapakagat labi ako at hindi ako, hindi ko man lang magawang maihakbang ang mga paa ko.
Ang lahat nang naroon ay napalingon sa akin. Naramdaman siguro nila ang presensya sapagkat bagong dating ako. Bakas ang pagtataka sa kanilang mga tingin. Hindi na nakapagtataka sapagkat ngayon lang nila ako nakita sa lugar na ito, at sa ganitong sitwasyon pa. Pero sa pagkakalaam ko ay nakakarating sa lugar na ito ang tulong medikal na siyang ginagawa ng Hospital namin.
Unang bumaling sa akin ang asawang lalaki ng Ginang. Kinikilala man niya ako sa kanyang mga titig ay nilapitan niya ako, tila ba hindi ko na maigalaw ang aking mga paa dahil sa aking mga nasasaksihan.
Nang magkatapat na kami ay napalunok ako at pilit na may inilabas na salita sa aking bibig.
“N-nakikiramay po ako...” puno ng simpatya na wika ko, kahit na ramdam ko ang bikig na siyang nakabara sa lalamunan ko, maging ang pamumuo ng luha sa mga mata ko.

BINABASA MO ANG
The Doctor Series #1 : My New Life is You
RandomWhen Sychelle Dayle Fernandez, the love of Hideo Canliagn's life, passed away, his world shattered. A part of him died with her, leaving a void that no amount of success could fill. As the owner and lead surgeon of HC Medical City, Hideo threw himse...