Ghost 3

1.3K 68 29
                                    

A/N: Sorry if this update took so long. I'm suffering from some kind of personal dilemma and have problems with my studies... I hope that you guys forgive me. The next update? I don't know because honestly, I'm not fond of writing romance stories right now. They're my forte but I think I'd lost them...

_____________________________________________

One year ago..

Pinagdikit ko ng mariin ang labi ko sa asar. Kinuyom ko rin ang kamay ko para mapigilan ko ang sarili ko kahit na ramdam na ramdam ko ang inis na bumabalot sa akin ngayon.

"Kath, Laro lang 'to." ani Jon.

Tinaasan ko siya ng kilay. Pwes para sa'kin, Hindi 'to Laro!

"Umakyat na tayo DJ, Walang patutunguhan ang larong ito." sabi ko kay DJ at diniinan ko pa ang pangalan niya.

"Saglit lang." aniya at nagpatuloy sa paglalaro.

Pumikit ako ng mariin at huminga ng napaka-lalim bago ko binugha. Sobrang nakaka-frustrate ang boyfriend ko! Napadilat na lang ako nang magsalita si Franceska.

"Ang KJ mo naman." tinaasan ko siya ng kilay. "Gusto mo lang solohin ang boyfriend mo eh." pang-aasar niya pa!

Matapos niyang sabihin 'yun ay nag-apir sila ni Janella. Umirap ako at nilingon si Liza na tahimik lang na nagbabasa ng librong Pride and Prejudice sa may salas ng Villa na nirentahan namin. Ibinalik ko ang tingin ko kay DJ na patuloy na nakikipaglaro ng Beerpong with a twist kayna Jon at sa iba pa naming kaibigan.

Napansin ko ang pagkakalasing ni DJ sa muling pag-inom ng beer sa cup matapos niyang hindi mapalo ang bola ng pingpong dahil sa kalasingan.

"DJ."

Pero hindi niya ko pinansin sa pagtawag ko sa kanya. Sa inis ko sa kanya ay nag-walk out na ko. Bukod kasi sa hindi niya pagpansin sa akin ay naiinis ako sa kanya tuwing nalalasing siya. Medyo err.. paano ko ba ma-e-explain kung ano siya kapag nalalasing? Hmm..

Napasimangot na lang ako at pagka-akyat ko sa kwarto na para sa aming dalawa ay agad akong nagtalukbong sa kumot.

Maya-maya ay narinig ko ang pagbukas ng pinto at naramdaman kong gumalaw ang kama na hinihigaan ko.

Napangiwi ako sa malakas na amoy ng alak kaya tinanggal ko ang pagkakatalukbong ko. Umupo ako para harapin si DJ na nakapikit habang naka-upo sa gilid ng kama.

"DJ naman!" tinapik ko siya at umungol siya.

Dinilat pa niya ang mata niyang pumupungay. Shemay na lalaki ito, Kahit na lasing ay ang gwapo-gwapo pa rin! Pero kahit na gwapo siya ay hindi 'nun maaalis ang inis ko sa kanya.

"Sorry." aniya at hinawakan ang kamay ko.

Nangako kasi siya ng Quality time naming dalawa kahit na kasama ang mga kaibigan namin, Hindi naman niya tinupad!

"Sinabi ko sa'yo na wag kang uminom ngayong-" agad niyang sinunggaban ang labi ko.

Nalasahan ko agad ang alak sa kanya pero wala na akong pake 'dun. Masyado akong natangay sa nakakalasing niyang halik. Hinawakan niya ang pisngi ko at marahan niyang hinaplos ang braso ko pataas sa balikat ko.

Nang ipahiga niya ko at humiwalay ang labi niya sa labi ko, patungo ang halik niya sa leeg ko ay ine-expect ko na ang pagbagsak niya sa ibabaw ko sa sobrang kalasingan niya.

Ito ang problema sa kanya tuwing umiinom siya at nalalasing. Nagpa-passed out siya sa gitna ng make out namin at sobrang nakakabitin 'yun!

-------

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 31, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

My Ex is a GhostTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon