Special Chapter 2

16.4K 190 21
                                    

Author's Note

ABELIEVERS!
HAPPY 300K READS! MANIFESTING FOR 500K READS AFTER THE YEAR END.
THIS IS FOR YOU! HAPPY READING!

-AB

***

THE CAT AND RAT CHRONICLES

Unang araw ni Cat na mag-duty sa HC Medical City sa sobrang excited niya ay ang aga niyang nagising kahit na ang oras ng duty niya ay alas dyes pa ng umaga. Pakiramdam niya ay lumilipad pa rin siya sa alapaap, hindi siya makapaniwala na nagta-trabaho na siya sa Hospital na pangarap ng maraming Nurse na kagaya niya.

Hindi naman naging mahirap sa kanya ang pag-adjust sa Manila sa tulong ng kanyang naging kaibigan na si Doktor Flynn Vallejos na isang clinical Psychologist. Kahit ilang linggo pa lamang silang magkakilala ay maagan na ang loob niya sa lalaki dahil na rin sa angkin nitong kabutihan.

Nabanggit ko na 'yon, paki basa na lang ang chapter 1.

Pagdating niya HC Medical City para sana mag time-in ay nawala ang malawak na ngiti niya sa labi. Kasalukuyang ginagawa ang machine kung saan siya mag time-in. May mga nakapila rin na mga kapwa Nurses niya na hinihintay din na maayos ito. Napatingin siya sa wrist watch niya.

Nagsimula na siyang kabahan. Isang minuto na lang at late na siya. Siguradong maba-badshit siya sa naka-assigned na unang Doktor na i-assist niya. Sa labor and delivery kasi siya, pagkatapos ang kanyang Doktor ay si Dr. Rat Velaroza.

Noong una ay na-weirduhan siya sa pangalan nito. Pero nalaman niya na acronym lang ito dahil ang tunay na pangalan ng Doktor ay mahaba. Ito ay si Russel Ashton Tryze Velaroza. Bukod sa weird ay ang unique rin nito para sa kanya. Siya rin kasi ay naka acronym sa palayaw niyang CAT na ang ibig sabihin ay Clyza Astelina Tyn. So pusa at daga? That's more weirder, may cat at rat sa Hospital.

Maya-maya ay isang Nurse na nagbigay sa kanila ng day-today-record at sinabi nito na na ilista na lamang doon ang time-in nila habang inaayos pa ang machine.

Mabilis na sinulatan iyon ni Cat at pinapirma sa Nurse.

"Maraming salamat po!" masayang sambit niya rito.

Kumaripas siya ng takbo sa elevator at kaagad na pinindot ang floor ng labor and delivery. Mga nasa isang minuto na siyang late kaya mas kinakabahan na siya. Napapadasal na siya na sana ay hindi siya dahil unang araw pa lang niya ay late na siya.

Sa wakas bumukas na ang pinto ng elevator ay kumaripas muli siya ng takbo. Lumiko siya ng dalawang beses saka nakita ang clinic office ng Doktor niya.

Nakabukas na ang pinto kaya kaagad siyang sumilip. Napakunok siya dahil ang nakatalikod na Doktor ang bumungad sa kanya, sinisimulan na nitong i-briefing ang tatlong nurse na kasama niya sa shift. Iniisip niya tuloy kung matanda na ang Doktor niya. Dahil kung oo ay mukhang masesermunan siya sa unang araw palang.

Nang maramdaman nito ang presensya niya ay unti-unti itong lumingon sa kanya.

Nagtama ang kanilang mga mata.

Tila huminto ng ilang segundo ang paligid niya habang nakatitig dito. Hindi niya akalain hindi lang si Flynn ang pinakagwapong nilalang na nakita niya sa buong buhay niya simulang nang lumipat siya rito sa Manila.

The Doctor Series #3: Reaching YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon