HE'S INTO HER
Special Chapter
"This Season, SAY IT WITH A KISS"
"ARE YOU going to work now, Maxpein?" tanong ni Heurt nang makababa ako, handa nang pumasok sa trabaho. I smiled and nodded as I watch her walk towards me. My eyes are focused on the lunch bag she was carrying.
Simula nang dumating sa 'min ni Deib Lohr si Maxspaun, naging katuwang na namin sa pag-aalaga sa kaniya si Heurt. Mula sa pagbubuntis hanggang sa panganganak, and even when I returned to work, she was there. Even though I grew up without her, as my son grows older, hindi nawawala ang presensya niya. It's as if she's making up for the years, we weren't together, at iba pa ang kinikilala kong ina.
She already has a family of her own now, but she comes here to cook for us. We do have helpers, but no one would turn down Heurt's cooking. I appreciate her a lot. I don't have to wake up early, nor do I have to rush home because she's there. She also prepares food for us to bring along to work, and my son's school. Bagay na aaminin kong kahit marunong ako, at kayang maglaan ng oras para ipagluto ang mag-ama ko, mas gusto kong kainin ang mga luto ni Heurt araw-araw. Hindi ako magtataka kung maging ang aking mag-ama, ma-miss ang luto niya.
She's going to be away for a few days, she has work that needs her time and attention. I'm certain she'll be back, pero parang may pressure ngayong mawawala siya. Malaking bagay na parati siyang nasa tabi ko. I feel like I was able to fulfill my role as a mother and wife to my husband and child because Heurt has been there to guide me.
"Here's your packed lunch," inabot niya ang lunch bag at tiningnan ang kabuuan ko. "'Wag kang magpapagutom sa trabaho, umuwi ka sa oras. Mamayang hapon ang lipad ko papuntang Palawan. I don't know when I'll be back, but call me if you need anything."
Hindi ko naitago ang pag-aalala. "What will I do without you, Heurt?" biro ko. "Siguradong mahihirapan akong pakainin 'yong mag-ama. Baka hindi nila magustuhan ang luto ko."
She laughed. "Kung magsalita ka, parang hindi mo kilala ang anak at asawa mo. Ako lang ang nagluluto nang madalas sa kanila pero mas kilala mo pa rin sila kaysa sa 'kin."
"Sinasabi ko nga 'to kasi kilala ko sila. Sigurado akong mas pipiliin nila ang mga luto mo kaysa luto ko. Dahil kahit ako, luto mo rin ang gugustuhin kong kainin araw-araw."
We both laughed. "They're both simple, Maxpein. You don't have to cook fine dining or extraordinary dishes. Ang mahalaga sa kanila, kasabay ka. Lahat ng pagkain, lalong sumasarap kapag kompleto ang pamilya. So, don't spend all your time at work; come home to your family."
"I'll do that. Thank you, Heurt." I may have responded briefly but I hope she felt my appreciation for everything she's done with my hug. "Be safe."
Gaya ng araw-araw niyang ginagawa, hinatid ako ni Heurt sa pintuan at tinanaw ako pasakay ng sasakyan. Nilingon ko siya, nginitian at kinawayan bago umalis.
Nang araw na 'yon, panay ang lingon ko sa lunch bag na naro'n sa passenger seat ko. Ngayon pa lang, iniisip ko na kung ano'ng lulutuin ko para kina Deib at Spaun bukas. Magugustuhan kaya nila? Naisip ko ring kailangan ko nang umuwi at gumising nang umaga. Nagbuntonghininga ako. May choice akong ipagawa ang mga 'yon sa helpers pero sa kabilang banda, naisip ko ring chance ko na para ipagluto naman ang aking mag-ama. At tama si Heurt, hindi ko dapat inuubos ang oras ko sa trabaho.
Bilang doktor, busy ako sa trabaho. Pero sa t'wing mababakante, pinagpaplanuhan ko ang gagawin. Nanood ako ng videos at nag-search online ng ideas na pwedeng iluto sa breakfast, lunch at dinner. Simple lang naman ang mag-ama ko, hindi sila mapili o mareklamo. Pero hiling nilang kung hindi si Heurt, ako sana ang magluto para sa kanila. At tulad ko, panay ang papuri nila sa mga ipinababaon ni Heurt kaya doon ako nape-pressure.

BINABASA MO ANG
HE'S INTO HER Season 3 | COMPLETED |
RomanceThis work of fiction may include potentially disturbing readings, scenes and discussions around topics such as sexual, self-harm, physical violence, emotionally triggering materials, death and suicide. Please engage in self-care as you read this wor...