15

4.4K 81 38
                                    

Blocked

"Pabigay na lang, Nana."

Inabot ko sa kaniya ang isang supot. Nagtataka niya iyong tinanggap at sinilip ang laman. Inayos ko ang pagkakasabit ng bag sa balikat ko at umamba na sa pag-alis.

"Wait. . .How did you know?" She asked.

"Basta. Paabot na lang. Sabihin mo galing sa'yo."

"Huh? E bakit hindi ko na lang sabihin na sa'yo ito galing?"

Umismid ako. "Hindi niya tatanggapin iyan kung galing sa akin."

Umigting ang panga ko.

I-a-uncrush ko na siya! Nakakainis! Concern lang naman ako a? Bakit minamasama niya? Hanep!

Nagsimula akong maglakad palayo kay Nana. I sent her a text message a while ago, asking her to meet me by the gate so I could hand over that damn yema cake. Maaga akong gumising para magpunta sa bayan para bumili nun. Alam kong hindi naging maganda ang takbo ng araw ni Narra kahapon kaya nagbabakasali ako na gumaan ang pakiramdam niya kapag nakakain ng paborito niya.

Tsk. Inis lang ako sa kaniya pero concern pa rin ako! Ito na naman ako. Tiklop na tiklop pa rin sa kaniya!

I realize that Narra has this power over me. She can get to me without lifting a finger. Even though she can't offer me anything, I still find myself sticking around. I'd go to great lengths just to grab her attention. It honestly freaks me out how much of an impact she has on me. Isang salita niya lang, gagapang na ako pabalik sa kaniya e.

"Kung hindi mo sa akin maibibigay ang mga nahanap mong journals at articles, gagawin kong mag-isa ang research."

Kinagat ko ng gilid ng pisngi ko.

Napapansin niya ako dahil sa mga katarantaduhan ko. Minsan iniisip ko, mas lalo ko kayang galingan sa pagiging gago para palaging nasa akin ang atensyon niya 'no?

"Hindi ba bakasyon ngayon a?" Sabat ni Avery.

Shit!

Narra gave her a dagger look. "Hindi kita kinakausap."

My lips parted in shock and amusement. Oh, wow. New emotions from cold blooded princess, huh? What a view!

"Wait lang Avery. . .Let me deal with it darling, okay?"

Binulungan ko si Avery na magmamake out kami mamaya pero kapalit ay ang pananahimik niya ngayon. Luckily, she listened to me.

"I'm only giving you until the end of this month, Mr. Alcaraz." Narra said using her dismissing voice.

"She's so bossy." Reklamo na naman ng aking kasama.

Palaban din pala ang isang ito!

"So? Grades ko ang nakasalalay dito. Ayaw ko sa mga tamad na estudyante at pabuhat na kagrupo, Miss. Pakisabi sana sa boyfriend mo. "

My lips twisted. I don't know. Narra's tone right now make me tremble. Fuck. Ang lala ko na.

"Can't I just send it after the break? Come on. Don't be too uptight, De Alba. Maawa ka sa mga patay."

After The Fall (THE PRESTIGE 4)Where stories live. Discover now