Game
"Nice play, slim shady!" Nakipag-apir ako sa nakabuzz-cut na buhok na si Rick.
"Ano?" He looked lost while knitting his thick brows.
I slowed my jogs to level beside him while he was slightly panting from the intense practice after he made a three-point shoot.
"Cause I'm slim shady, I'm the real Shady, all you other Shadys are just immitating... So you won't the real slim shady, please stand up, please stand up," maangas kong kanta sa chorus part para maintindihan niya.
When he looked pissed by my joke, I laughed and tapped his shoulder. I think he doesn't know the song.
"I mean your hair, dude. It reminds me of my favorite rapper, Eminem..." I explained since he looked annoyed.
"Ito ka oh." He showed his middle finger and pushed me out of his way. "Tabi nga."
Out of all the players of the Green Archers, he's one of the tallest and most hotheaded. Maybe it was because of his hair? Walang buhok kaya hindi nasasangga ang init ng panahon kaya diretsong umiinit ang ulo? I laughed at my silly joke while Ron elbowed me a bit.
"Huwag mo 'yang asar-asarin si Rick. Pikon 'yan," ani Ron, lalo na't sabi niya, kakilala sila noong grade school.
I could really sense it. Although Brent is the serious type, Reagan is another level. He doesn't just look snobby; he also looks like he would punch you right away if you piss him off. Medyo nasisindak ako sa kanya dahil bukod sa matangkad, masyado pang maangas ang tindig.
"Kaklase ko 'yan noong Elementary kami. Maswerte ka pag kaklase mo 'yan taon-taon dahil galante 'yung Mommy niya magpa-party tuwing birthday niya kaya hindi ko siya makalimutan," kuwento ni Connor, o si Conrad Norris, isa rin sa Green Archers.
Actually, Connor is the calmest among us. Parang opposite ni Rick. Ito ang mabilis kong nakasundo kumpara kay Rick na medyo hindi humahalo sa amin at mailap pa. Sabi ni Ron, may iba daw na circle at medyo maaasim.
"Maganda rin ang Mommy no'n. Pero si Teresse pa rin talaga," biro ni Ron kaya halos sipain ko.
I knew Rick is kind of hotheaded, and out of us, he's the most sensitive when it comes to jokes. That's why when I found out about the reason behind his rage when someone's slapping his butt, I regretted doing it right away.
Kahit tuloy ang mga boys, bothered na sa mga bastos na biruan dahil baka nakaka-offend na pala kami kay Rick.
"Kaya pala..." si Mavric at tila ba may naalala, lalo na't nandito siya sa unit namin ni Ron, tumatambay. "Naalala ko eh. Nagcomment ako ng bastos sa Facebook niya, binlock ako. Galit na galit din sa akin."
"Alin do'n?" si Ron na na nakaupo sa sofa, sumilip lang lalo na't inupuan ko ang hita habang nakatagilid ako at nakasandal sa balikat ng sofa, abala sa phone.
"'Yung may picture siya na bakat na bakat. Biniro ko na palakihan kami," ani Mavric kaya natawa ako.
Oh... that's the reason why the comment section on Rick's Facebook is limited only for his friends. Baka dahil sa mga ganoong comments.
"Tayo Mav. Palakihan tayo. Patingin nga ng sa'yo," I challenged.
"Come here, bro..." He smirked and tapped his lap.
I stood up and went to him, who's sitting on the edge of my bed. "Bro..." I called dramatically and threw myself on his lap.
Humagalpak si Mavric at itinulak ako. "Hayop ka, Tyler! Ang bigat mo!" reklamo niya nang daganan ko siya at natumba siya pahiga sa kama.