Healing
Ang paghilom ay hindi nangangahulugang hindi kailanman nagkaroon ng sugat. Ibig sabihin, hindi na ang sakit ang may kontrol sa iyong buhay.📿 MARIKAH SYCHELLE
Kaagad na sumilay ang ngiti sa aking mga labi nang matanaw ko sa Nurse station si Nurse Chrystallene. Mabilis lamang na sumapit ang lunes matapos ng makahulugang selebrasyon ng pagka-promote ni Nurse Cat bilang Headnurse.
Hindi ko man siya madalas na makasama sa shift pero kilala siya ng lahat sa pagiging isang mabuti at may dedikasyon na Nurse dito sa HC Medical City. Kaya sa dalawang araw na day-off ko ay tinapos ko ang mga kwintas at bracelet na gawa sa nga kabibe na pinulot namin ni Dok Hideo sa dalampasigan. Ang iba naman ay ginawa kong pandisenyo sa picture frame. Hindi ko tuloy maiwasan na ma-miss ang Baryo, lalo na si Lolo at Lola. Ang mga bagay na ito ay itinuro sa akin ni Lola at Mama noong bata pa ako. Inilalako namin ito sa mga turista ba nagbabakasyon sa resort kung saan malapit ang aming Baryo.
Ganito rin ang ipinapasalubong ko sa mga kasamahan ko sa kumbento noon kapag pinagbabakasyon kami ng ilang linggo sa aming mga tahanan. Ang hiling ko lang, nawa'y magustuhan ito ng mga Nurses na pagbibigyan ko.
Kaya kahit papaano ay may nagawa ako habang staying pa rin ako sa tahanan nila Dok Hideo. Mas madalas naman na wala siya roon o kaya kung na doon siya ay nasa opisina siya ng kanilang tahanan o kaya naman ay sa kanyang silid. Bilin sa akin ni Harmony na pinaka ayaw ni Dok ang inaabala kapag nasa loob ito ng kanyang silid o opisina. Marami daw kasing mga papeles na binabasa at meetings na dinadaluhan si Dok through skype or zoom.
Surgeon man ng sarili nilang Hospital ay kadalasan ay mas pinipili na lamang ni Dok na ipasa sa ibang surgeon ang mga pasyente kahit na siya ang hinahanap dahil abala siya sa pag-aasikaso ng iba pa nilang mga negosyo.
Tumutulong naman si Harmony sa ibang mga negosyo na naka toka sa kanya. Pero ang majority, si Dok Hideo talaga ang nagpapatakbo. Lalo na itong HC Medical City. Sinisigurado naman ni Nurse Harmony na hindi napababayaan ni Dok ang kanyang sariling kalusugan. Nakakatulong naman ito ng sapat at kumakain sa tamang oras dahil lumalabas ito kapag kakain na kaya nakakasabay siya sa amin ni Harmony.
“Kumusta ang party?“ magiliw na bungad ni Nurse Chrystallene.
Nandirito rin sa station ang hawak namin na Student-Nurse na si Marxia. Magiliw rin na binati niya ako.“Masaya naman, sayang nga at hindi ka sumama.”
Inilapag ko ang mga ginawa kong shell necklace, bracelet, at frame.
“Heto, may pasalubong ako. Pili na lamang kayo ng magustuhan ninyo.”
Napatingin sila rito at kita kita ang tuwa sa kanilang mga mukha.
"Ang ganda naman ng mga ito, Nurse Marikah! Binili mo para sa amin?” tanong ni Nurse Chrystallene.
Kumuha ng isa si Intern Marxia at sinukat sa kanyang palapulsuan. "Bagay sa akin, gusto ko ito Nurse Marikah! Maraming salamat po!” nakangiting wika niya.
Napangiti ako ng matamis, nakatutuwa na ito'y kanilang nagustuhan.
“Hindi, gawa ko 'yan. Pinulot namin ni Dok Hideo ang mga kabibe.”
Nagtinginan sila at sabay na namula ang mga pisngi na kinikilig.
“Tama pala ang naririnig naming chika na magkasama raw kayo ni Dok Handsome Hideo buong gabi sa resort.” Hindi nawawala ang ngiti niya sa labi.
“Bagay naman sila, 'di ba? Nurse Chrystallene?” gatong pa na panunukso ni Intern Marxia.
Mukhang nagkasundo na nga sila dahil sa mga ganyang usapan. Ang mga ito talaga oh.

BINABASA MO ANG
The Doctor Series #1 : My New Life is You
RandomWhen Sychelle Dayle Fernandez, the love of Hideo Canliagn's life, passed away, his world shattered. A part of him died with her, leaving a void that no amount of success could fill. As the owner and lead surgeon of HC Medical City, Hideo threw himse...