When Sychelle Dayle Fernandez, the love of Hideo Canliagn's life, passed away, his world shattered. A part of him died with her, leaving a void that no amount of success could fill. As the owner and lead surgeon of HC Medical City, Hideo threw himse...
Life is a garden, and every challenge is a season—embrace the rain, soak in the sun, and trust that you will bloom in your time.
👨⚕️HIDEO ADONIS
"So, ano nga ang ginawa niyo? Bakit umaga na kayong natulog?"
Sabay kaming napatingin ni Marikah sa tanong na iyon ni Athena, talagang hindi niya kami tatantanan sa tanong na iyan, kahit na nasagot ko na kanina ang patungkol d'yan. Nilabas ko ang cellphone ko at pinindot ang litrato ng sunrise na siyang kinuhanan ko. Ipinakita ko ito ay Athena.
Medyo namamangha ako sa pagkakuha ko ng litrato na ito dahil hindi ko aklain na marunong pa rin pala akong mag photography na siyang inihinto ko simula ng mawala si Sychelle. This is was just my hobby, pero dahil lagi akong napupuri ni Sychelle na magaganda ang mga kinukuhanan kong subject kaya nag-take ako ng mga workshops and lessons about photography upang may mga side hobbies din ako bukod sa sa pagiging medical practitioner noon.
Kita pa rin ang pagdududa sa mukha ni Athena, inilapit niya ang daliri niya habang nakakunot ang noo, saka biglang inilipat ang litrato mula sa cellphone ko. "Eh, ano 'to? Ang ganda ni Marikah!"
Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya, kaya bago pa mapatingin si Marikah ay in-off ko ang cellphone.
"Ano po 'yon? Kinuhanan niyo po ako?" tanong niya. Puno ng pagtataka.
Hinablot ni Athena ang cellphone ko, wala na akong nagawa nang mabuksan niya ito dahil hindi naman ako naglalagay ng password sa cellphone ko. Pero ngayon, mukhang kailangan ko na muling lagyan.
"Athena, akin na 'yan, isa!" seryosong sambit ko sa kanya.
She just wringkled her nose and teased me more.
"Wow! Ang ganda!" bulalas niya, napatayo pa siya sa kinauupuan niya. "Look mo! Marikah!"
Itinapat niya ito rito, wala na akong nagawa. Napatingin doon si Marikah.
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Napatitig siya rito, samantalang si Athena ay kilig na kilig pa rin. Nakitingin na rin si Mang Guido sa cellphone ko.
Napailing-iling na lamang ako. Hinihintay ang reaksyon ni Marikah. Hindi niya kasi alam na palihim ko siyang nililitratuhan habang sinasaksihan ang pagsikat ng araw.
"Maganda po ang bukangliwayway, Dok. Pasensya na po kung nakaharang ako sa tanawin."
Pare-pareho kaming tatlo na napatingin kay Marikah.
"Ma'am Marikah, para po kay Dok Hideo mas maganda kayo kaysa bukangliwayway kaya niya kayo nilitratuhan," wika ni Mang Guido.
"Tama ka d'yan Mang Guido, galing ng timming ah! Gimme five!" Itinapat ni Athena ang palad niya rito at nag-apiran sila.