🏥⛪ 18- Joy

2.3K 45 4
                                    

Joy

Ang tunay na saya ay nagmumula sa ating puso.

👨‍⚕️HIDEO ADONIS

Naalimpungatan ako at napasilip sa harapan kung nasaan kami. Nasa mahabang traffic na pala kami ng Bocaue tollgate, wala naman ng bago sa parteng ito ng NLEX kapag dumaraan ako rito. Tumingin naman ako sa wrist watch ko at alas singko na ng hapon. Hindi ko maunawaan kung bakit ganito kabigat ang traffic dito sa NLEX lalo na kapag papasok ng Maynila. 

After lunch na kami umalis sa resort, mga alas sais na kasi ng umaga kami nakabalik ni Marikah sa cottage rooms namin at tuluyang nakatulog. Tapos ay ginising na lang ako ng kapatid ko dahil naghihintay na raw si Mang Guido. Kaya kahit antok na antok pa ay sumakay na lang ako ng sasakyan, gayon din si Marikah na halatang kulang din sa tulog. Magkatabi kami sa pasenger's seat. Nananatili siyang tulog habang may neck pillow, kinumutan ko rin siya kanina.

Paidlip sana ako muli nang mapatingin ako kay Athena na siyang pinanliliitan ako ng mga mata.

"May problema ba?" tanong ko sa kanya.

Naglipat-lipat nag tingin niya sa amin ni Marikah. "Bakit puyat kayong dalawa? Ano'ng ginawa niyo buong gabi? Niloob mo ba si Marikah sa kanyang room? Ikaw Kuya ha!" 

Parang nagising ang diwa ko sa tinuran niya. Kami pa ngayon ni Marikah ang may ginawa buong gabi?!

"Talaga ba? Athena? Pwes, sino kaya itong maingay kagabi? Kaya hindi kami nakatulog?" 

Kumunot ang noo niya, "Ano'ng pinagsasabi mo Kuya? Lasing kaya ako kagabi." 

"Ows? Kala ko ba hindi kayo okay ni Dok Ivo? Mukhang ang saya niyong nag-iingay kagabi?" 

"Hoy! Kuya—"

Napalakas ang sigaw niya kaya biglang napakislot si Marikah, pareho kaming napatingin sa kanya dahil tuluyan na siyang nagising. 

Pupungas-pungas siya, "Hmmm? Nasaan na po tayo?" 

Kaagad siya napahawak sa nakakabit niya belo, sinigurado kung nakakabit ito ng maayos. Hindi ko maiwasan na mapangiti habang pinagmamasdan siya ngayon. 

"Hot seat kayong dalawa sa akin mamaya!" sabi ni Athena saka bumalik  muli sa maayos na pagkakaupo sa harapan ng sasakyan. Saktong umuusad na muli ang mga sasakyan sa harap namin kaya umandar na rin kami. 

Nagtinginan lang kami ni Marikah, halata rin ang pagtataka sa mukha niya. 

"Nasa Bocaue toll gate tayo, traffic lang." 

Napasilip rin siya sa labas ng bintana at tumango-tango. 

"Inaantok ka pa? Matulog ka pa, Marikah." 

Napatingin siya sa akin na namumungay ang mga mata. 

Ang ganda niya kapag natutulog, maganda rin siya kapag bagong gising...

"Sapat na po siguro naging tulog ko, Dok."

"Mabuti kung gano'n..."

Kinuha niya sa bulsa niya ang isang white flower at inamoy ito. Nabanggit niya na mahihiluhin talaga siya sa mahahabang biyahe. 

Hmmm? Try ko kaya siyang ayain mag-travel sa mas malalayo pang destinations para masanay siya? Papayag kaya siya? 

Ngayon na mukhang reconciled na ang relationship ng kapatid ko at ni Dok Ivo ay wala na akong makakasamang mag travel. 

Patuloy niyang inaamoy ang white flower na hawak niya. Kinuha ko ang cellphone ko at tiningnan sa gallery ko ang mga selfie namin kagabi na hindi siya nakasuot ng belo. Napapangiti ako na iniisa-isa ang mga ito. Ang isang kuha ng selfie naming dalawa ay sakto ang sunrise. Halatang inaantok na kaming dalawa rito pero nakangiti pa rin kami pareho.

The Doctor Series #1 : My New Life is YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon