🏥⛪17- Serenity

2.2K 42 7
                                    

Serenity
Siya ang aking bagong kapayapaan. Ang aking pahinga at mahimbing na pagtulog.

👨‍⚕️HIDEO ADONIS

"Dok?"

Para bang bumalik ako sa wisyo. Napatingin ako kay Marikah na siyang nasa harapan ko ngayon. Naka long sleeves siya, mahabang palda na hanggang sakong niya, at naka sweater jacker siya. Ibang-iba sa nakita ko kanina.

Nagha-hallucinate ba ako kanina na naka bimsuit siya sa paningin ko kanina? 

Dumako ang tingin ko mga sea shells na siyang nasa palad niya. Dahil hindi siya makasuot ng belo ay nanibago ako, ang pagkakulot ng buhok niya ay parang kay Nuestra señora de la Asuncion, deboto kasi non si Dad noong nabubuhay pa siya. Kaya talagang napatitig ako sa kanya. 

"Madaling araw palang, Marikah bakit ka nandirito?" tanong ko sa kanya. 

Napakagat labi siya at tumingin sa mga kabibe na nasa palad niya. 

"Nagising ako, akala ko umaga na. Hindi na ako makatulog muli kaya nagpasya po akong mamulot ng mga kabibe dito sa dalampasigan, Dok. Alam ko kasi kapag low tide ay mas maraming magagandang klaseng kabibe ang naliligaw sa buhangin." 

Hindi ko alam kung bakit ako napapangiti sa mga itinuran niya.

"Parehas tayong hindi makatulog, tulungan na lang kita mamulot, gusto mo?" 

Kumislap ang kanyang mga mata. "Talaga po, Dok? Sigurado po kayo?"

"Oo naman..." 

Lumawak ang pagkakangiti niya at kinuha ang isang maliit na basket—ito yata ang lagayan ng giveaways sa mga dumalo sa party kanina. Kinuhanan ko na siya ng isa. Inilagay niya rito ang mga napulot na kabibe.

Ramdam ko na ang panunuot ng lamig sa balat ko ngunit hindi ko ito pinahalata, bagkus ay yumukod na rin ako nagsimulang magpulot ng mga kabibe. Madalas ko man na mapapansin ang mga kabibe na ito noon pero hindi ko naman pinapansin. Hindi naman madilim dito sa may dalampasigan sapagkat malakas ang ilaw na pinalagay ko sa bawat poste nung pinagawa ng magulang ko ang resort na ito. Nakabukas ang mga ilaw 24/7 lalo na kung Summer. 

Napapangiti ako sa bawat kabibe na napupulot ko, kinikilatis ko muna ito bago ilagay sa basket. Napapasulyap ako sa kanya habang patuloy rin siya sa pamumulot at pagkilatis ng mga nahahawakan niyang kabibe. 

Hanggang beywang ang kulot niyang buhok na siyang sumasayad sa buhangin kapag yumuyukod siya, nauunawaan ko na ngayon kung bakit mas pinipili niya itong lagyan ng belo. Mukha siyang patron na siyang naglalakad ngayong gabi. Napalingon siya sa amin kaya nagtama ang aming mga mata. 

Pareho kaming napangiti sa isa't-isa. Palapit na siya sa akin at saktong nasa gitna na ng ulap ang buwan. Sumusunod ang buhok niya sa bawat hakbang na ginagawa niya. Nang tuluyan siyang makalapit sa akin ay inilagay niya ang mga kinuha niyang kabibe sa basket. 

"Anong gagawin mo sa mga ito?" tanong ko sa kanya. 

"Kwintas po o kaya naman ay pwedeng i-display sa Nurse station." 

Tumango-tango ako. Binuhat na niya ang  basket dahil mukhang sapat na ang mga nakuha namin. 

"Sapat na po siguro ito, Dok."

"Sigurado ka? Pwede pa naman ako mamulot para sa'yo." 

"Ay, 'wag na po Dok... okay na po ito, pangako." Itinaas niya pa ang kanang kamay niya. 

"Sige na nga, balik na tayo?"

"Ayos lang naman po Dok, pipilitin ko na lang po sigurong makatulog muli." 

The Doctor Series #1 : My New Life is YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon