🏥⛪16- Bliss

2.1K 52 2
                                    

Bliss
Kung si Eba ay itinakda para kay Adan, siguro ay siya naman ang nakatakda para sa'kin.

👨‍⚕️HIDEO ADONIS

Nakakadalawang bote na ako ng beer, samantalang si Dok Rat ay halos maubos na ang isang bote ng whiskey. Kanina ko pa napapansin na tila nawala siya sa mood, hindi katulad kaninang umaga na kita ang mga kita niya at todo asikaso siya sa selebrasyon na ito. Kaya nang magpaalam na si Dok Ivo at Dok Maxwell ay kami na lamang ang naiwan dito sa table. 

Buod sa tinamaan na ng antok ang dalawang Doktor ay nais na raw nilang magpahinga. Hindi naman ako gaano tinamaan ng alak sapagkat dalawang bote lamang ang ininom ko. Kaya tinitingnan ko lamang ngayon si Dok Rat kung paano niya ubusin ang natitira pang laman ng sa bote ng whiskey. Hinihintay ko siya na magsalita o mag-open up. Nais ko na siya ang unang magbukas ng usapan. 

Sa totoo lang ay talagang binabawasan ko na talaga ang pag-inom ko ng alak. Isa ito sa naging rason kaya naging high risk ako sa high blood. Kasalanan ko rin naman, ginawa ko ba namang tubig ang alak walong taon na ang nakalilipas. Lalo na nang mga panahong may sleep deprived ako at insomia. Halos inaraw-araw ko ang pag-inom ng alak upang makatulog at makalimot. Hindi ko iniisip noon ang propesyon ko sapagkat simula nang mawala siya ay tila naging walang saysay na rin ang buhay ko. Halos araw-araw kong hinihiling na kuhanin na ako, pero ang tanging nagpapatibay sa akin ay ang mga maiiwanan ko nang mga panahong iyon. 

Sa sobrang dalas ng pag-inom ko ng alak noon ay parang ito na ang naging kasangga ko sa tuwina. Hanggang sa naningil na ang sarili kong kalusugan. Pero umaasa pa rin naman ako na hindi pa huli ang lahat. Alam ko na hangga't nabubuhay ay may pagkakataon tayong ibangon ang sarili natin. Kahit gaano kahirap. 

"Sana... naging masaya siya..." simulang  sambit ni Dok Rat.

Base sa pananalita niya ay talagang tinamaan na siya ng alak.

"Sino? Si Headnurse Cat?" tanong ko naman. Pasimple ko sanang kukuhanin ang bote ng whiskey niya pero mabilis niyang hinablot ito at niyakap. 

Kung susumahin ay mukhang 90% palang ang kanyang kalasingan. 

"De... 'yong ano... si... 'yong dumurog ng buong pagkatao ko!" 

"Ah... si Lesairra? Relapses na naman ba Dok?" 

Napasandal siya sa upuan ng marahas at napahagikgik. "Ano pa nga ba? Sana masaya siya, matapos ng ginawa niya sa'kin, Hindi ko siya mapapatawad..."

Napabuga ako ng hangin. Naging kaklase ko sa Medicine School ang babaeng binabanggit niya na siyang naging long time girlfriend at fiance niya. 

Parang kami lang ni Sychelle Dayle. Ang kaibahan lang ay buhay pa si Lesairra, pero para na siyang pinapatay ni Dok Rat sa buhay niya. 

Hindi ko rin naman siya masisi, sapagkat napakasakit ng napagdaanan niya mula kay Lesairra. Nagkikita naman kami nito sa mga Doctor's Conferences sa Europe. Currently ay nasa New Zealand ito. 

"Alam kong wala ako sa posisyon upang magsalita ng ganito, ayoko rin na maramdaman mo na para bang hindi kita kinakampihan. Naiintindihan kita, iba-iba tayo ng pamamaraan upang harapin ang mga pinagdaraanan natin. Hindi ba sumagi sa isipan mo na subukan siya muling kausapin?" 

Napatingin siya sa akin at umiling-iling saka itinungga ang bote. 

"Hindi ko alam, ayoko pa... masyado pang... masakit..." kinabog-kabog niya ang kanyang dibdib. "Nakabaon dito... mahirap huminga... sa sobrang hapdi..."

Napatingala ako at tumango-tango. Siguro nga kailangan pa ng sapat na panahon upang maghilom ang lahat.

Masakit ang mga sugat na hindi nakikita ng ating mga mata. Kung may mga sini-surgery ako, mga ilang buwan lamang ay maghihilom rin ang mga sugat na siyang ginamot ko. Pero physical na sugat iyon. 

The Doctor Series #1 : My New Life is YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon