Surrender
Ang pagsuko ng tunay na nadarama upang makamit ang tunay na pagmamahal.👨⚕️HIDEO ADONIS
“Kung sino ang may pinaka malayong naibato ay siyang unang mamimili kung truth or dare, game?” tanong ko kay Marikah.
Inaya ko siya na gawin namin ang truth or dare na game. Katatapos niya lang magdasal dahil alas nueve na ng gabi.
“Sige Dok...” nakangiti sambit niya.
Sabay kaming kumuha ng bato. Napatingin kami sa kalmadong dagat at parehong ibinato ang mga hawak namin. Mas malayo ang binagsakan ng kanyang bato kaya siya ang nagwagi.
“Truth ako, Dok.”
Kailangan ko tuloy mag-isip ng itatanong sa kanya.
“Sino'ng crush mong Doktor sa HC?” tanong ko sa kanya.
Namilog ang mga mata niya. Hindi ko rin alam kung bakit gusto kong malaman. Masyado na rin akong curious patungkol sa kanya. At hindi ko rin malaman kung bakit.
“Dok... wala po...”
Tumango-tango ako. “Sabagay nakalaan ka sa Diyos...” napatingin ako sa kanya. “Ano'ng dare mo sa akin?”
Napaisip siya. Hindi alintana sa akin ang lamig ng simoy ng hangin na nadarama. Nakatanaw pa sa aming ang mapanglaw na bilog na buwan at ang napakaraming bitwin.
Napatingin ako sa kanya nang tumayo siya at nagtungo sa bandang walang mga bato. Tumayo na rin ako at sinundan siya. Inilatag niya roon ang isang mahabang tela.
“Tanawin natin ang mga bitwin, Dok. Ito ba ang tinatawag nilang stargazing?”
Napatitig ako sa kanya at napatango.
“Tama ka...”
"Mahal! Totoo kaya na ang mga namatay natin sa buhay ay nagiging bitwin upang lagi lamang silang nakatanaw sa atin?”
Inihilig sa akin ni Sychelle ang kanyang ulo sa aking balikat. Bumaling naman ako sa kanya at hinalikan ang kanyang noo.
“Bakit mo naman naitanong 'yan, Mahal?”
“Wala lang... curious lang ako, kasi malungkot pa rin ako na wala na si Lolo at Lola...”
“I know that you're really miss them, but all we need to do is to accept it, kasi hanggang doon lamang ang buhay na ibigay sa kanila, hindi natin iyon mapipigilan.”
Napatitig siya sa akin at napangiti. Mga ngiti niyang hindi ko pagsasawaang pagmasdan at siyang tanging kasiyahan ko.
“Dok! Nakikita mo ang bitwin na 'yon? Para sa'kin iyon ang mga magulang ko.”
May kung ano'ng kumurot sa damdamin ko. Parehas kaming nakatanaw sa mga bitwin.
"Na...niniwala ka na siya ay isa ng bitwin ngayon?”
Pinipigilan ko ang pamumuo ng luha sa aking mga mata sapagkat nagtutuloy-tuloy na naman ang pag-alala ko kay Sychelle, at ito ang labis na pumipiga sa damdamin ko. At para itong isanlibong karayom na tumuturok sa puso ko.
Hindi nawawala ang kanyang mga ngiti habang nakatanaw sa mga bitwin.
“Opo Dok, naniniwala ako na ginawa ng Diyos ang nga bitwin na bukod sa ito ang ating liwanag sa gabi, ito rin ay maituturing na gabay kapag tayo'y tumatahak sa dilim.”
Hindi ko na napigilan ang tuluyang pagtulog ng aking luha gayon na rin ang aking paghikbi.
Naaalala ko na naman siya...

BINABASA MO ANG
The Doctor Series #1 : My New Life is You
RandomWhen Sychelle Dayle Fernandez, the love of Hideo Canliagn's life, passed away, his world shattered. A part of him died with her, leaving a void that no amount of success could fill. As the owner and lead surgeon of HC Medical City, Hideo threw himse...