Forgiveness
Salitang kaakibat ng paghilom, isa ito sa pinakamahirap ibigay lalo na kung ay sugat ay matagal maghilom.📿 MARIKAH SYCHELLE
Kahit na naka long sleeves na ako at mahaba ang aking kasuotan ay nanunuot pa rin ang lamig ng simoy ng hangin sa gabing ito. Kahit pa na nakaharap na kami sa isang apoy. Ngunit ang lamig ay sadyang mas lamang sa gabing ito. Nagpatuloy lamang ang laro. Wala akong alam sa kahit na ano'ng linya o palabas na kanilang nilalaro.
Naramdaman ko na may pinatong na jacket sa akin si Dok Hideo. Napatingin ako rito, at maging sa kanya kaya nagtama ang aming mga mata.
Ginawaran ko siya ng isang matamis na ngiti. "Salamat po, Dok."
Tuluyan kong isinuot ang jacket, abot ito sa aking hita sapakat may broad ang pangangatawan ni Dok. Isama pa na matangkad siya, hanggang balikat lang niya ako. Halos lahat yata ng mga Doctors sa HC ay matatangkad dahil may ibang lahi sila.Kaya napawi ang ginaw na nararamdaman ko.
Patuloy lamang ang palaro, hindi pa rin bumabalik si Nurse Harmony at Dok Ivo. Hindi ko rin kasi alam ang kwento patungkol sa kanilang dalawa lalo na at hindi iyon na open-up sa akin ni Nurse Harmony. Hindi ko rin tinatanong dahil gusto ko na siya ang kusang magbukas nito sa akin.
Napahalukipkip lamang ako sa jacket ni Dok habang palihim siyang sinusulyapan. Para bang naglaho ang mga nakapaligid sa amin. Siya lamang ang nakikita ng aking mga mata na gumagalaw, boses niya lamang din ang aking nariring sa ngayon. Nakatulala lamang ako sa kanya.
"Nurse Marikah?" takang tanong niya habang nakakunot ang noo.
"Huh? Dok? May sinasabi ka?" Tuliro akong nag-iwas ng tingin.
"Okay ka lang? Inaantok ka na? o may gusto kang kainin?"
Dok... bakit ka ba ganiyan...
Ngayon ko naisip na medyo struggle na galing kumbento tapos sa all women pa ako nag-aral ng Nursing edi, para rin kong nasa kumbento sapagkat mga Madre rin ang mga nagbabantay at natuturo sa amin doon. Sa katunayan ay kabahagi iyon kung saan ako nag kumbento. Kaya tila ngayon lamang ako nakakaranas ng pakikisalamuha, lalo na at may mga kasamang kalalakihan.
Ano bang dapat kong sabihin? Hindi pa naman ako inaantok, medyo pa lang. Hindi na ako nagugutom sapagkat sabay na kaming kumain kanina sa buffet area. Napakarami ngang nakatingin sa amin kanina, baka iniisip nila na may namamagitan sa amin ni Dok Hideo, 'wag naman sana. Pero bahala na, sila naman ang magkakasala sa mga mga masasamang bagay na iisipin nila patungkol sa aming dalawa.
Napatingin ako sa mga kay Nurse Mice na kasalukuyang binibilang ang mga natanggap nilang premyo, mukhang suki sila sa panonood ng movies. Nanonood naman ako pero hindi ko na maalala kung ano ang huling napanood ko.
"Ano po Dok... gusto ko rin po ng one thousand." Patawarin nawa ako ng Diyos, wala na kasi akong madahilan matapos ko siyang titigan. Lahat sila ay napatingin sa akin. Natahimik ang lahat.
"So ang 1k pala ang tinititigan mo? Hindi si Dok?" biglang sabat ni Dok Rat.
Tila mas lalong gusto kong lamunin ng lupa. Bakit ba kasi hindi ko na lamang aminin na talagang tinititigan ko si Dok?
Lalo akong napayuko at kinagat ko ang pang-ibabang labi ko.
"Pero kay Dok Rat kasi galing ang mga isang li—" biglang tinakpan ni Dok Rat ang bunganga niya.
"Hinaan mo naman, Dok! Ala eh, upakan kaya kita?" bulong nito kay Dok Hideo pero rinig ko pa rin.
Inalis ni Dok ng marahas ang pagkakahawak ni Dok Rat sa bibig niya.

BINABASA MO ANG
The Doctor Series #1 : My New Life is You
RandomWhen Sychelle Dayle Fernandez, the love of Hideo Canliagn's life, passed away, his world shattered. A part of him died with her, leaving a void that no amount of success could fill. As the owner and lead surgeon of HC Medical City, Hideo threw himse...