Gratitude
Katulad ng tiwala ay ibinibigay lamang din ito sa taong nararapat.👨⚕️HIDEO ADONIS
Earlier...
"Alam mo ba Marikah, kanina kasi ano—" napahinto nang bumaling ako sa kanya.
Nakita ko siya na tuluyang nakatulog sa kama. Napangiti ako at nailing at pinagpatuloy ang pag-aayos ng mga gamit niya na dinala ko kanina. Napansin ko na naka-slant lamang siya sa kama at nakalaylay pa rin ang mga paa niya. Nilapitan ko siya at inayos ang pagkakahiga niya. Siguro nga ay masyado siyang napagod sa biyahe. Kanina kasing natapos kami sa preparation ni Dok Rat ng maaga ay nakatulog din ako ng mahigit isang oras sa cottage room ko na katabi lang nitong kay Marikah, at katapat ng kay Harmony. Kahit sino naman ay talagang mapapagod, lalo na at galing pa siyang duty.
Natungo ako sa may bintana upang isara ito ng mabuti dahil may sumisilip pa rin na liwanag mula sa labas. Gustuhin ko man lumabas muna pero na drained na ako sa pakikipag socialized simula kanina. Gusto ko munang mag-regained ng social battery. Binuksan ko ang led lights na naka palibot sa gilid ng ceiling.
Umupo ako sa upuan ng mini table ng silid na ito at binuksan ang IPad ko. Inilagay ko sa magkabilang tenga ko ang airpods at pin-lay ang isang episode ng Gray's Anatomy. Sinimulan ko ito three days ago at masyado akong na hooked kaya kahit maraming episode ay pagtitiyagaan ko. Paputol-putol ang panonood ko sa Hospital dahil sa mga biglaang appointments, but at least mayroon ako pagkakaabalahan kapag free time ko.
Nagsimula na ang pinapanood ko, relax akong nakaupo, nagbukas ako ng isang premium biscuits upang may kainin habang nanonood. Napapatingin ako kay Marikah na siyang tulog pa rin. Hindi ko malaman sa sarili ko na pwede naman ako bumalik sa aking sariling cottage room pero mas gusto ko na bantayan siya hanggang sa magising siya.
Iniisip ko kasi na baka hanapin niya ako kapag nagising siya o kaya naman ay mahiya rin siyang lumabas at makihalubilo. Kwento sa akin ni Harmony ay napakadalang kung lumabas ng kwarto niya si Marikah. Palibhasa ay tanghali na kung gumising si Harmony kapag off niya. Kumbaga ay umaga pa lang ay tumutulong na sa mga katulong si Marikah. Kung hindi pa raw i-approach ni Harmony upang mag-try ng ibang bagay ay saka lamang iti lalabas. Hindi ko naman masisisi ang kapatid ko dahil ayaw niya ang pakiramdam ng nag-iisa.
Mukhang naramdaman naman iyon kay Harmony ni Marikah kaya sa ngayon ay tila hindi na sila mapaghiwalay na dalawa. Kung minsan pa nga ay sa kwarto ni Harmony pinapatulog si Marikah at naaabutan ko sila kapag sinisilip ko si Harmony sa kwarto niya.
Kinasanayan ko dahil sa ginawa niyang paglalayas noon dahil lang sa nalaman niya na ipakakasal ko siya. Kaya mabuti ay bumalik na siya sa akin at ang mga bagay na gusto niyang gawin ay pinayagan ko na siya.
Ang isa sa bagay na hindi ko maintindihan ay ang magaan na loob ko kay Marikah.
Dahil ba sa kapangalan niya...
Hininto ko ang panonood sapagkat may naririnig akong humihikbi. Bumaling ako kay Marikah.
Nanlaki ang mga mata ko nang makita siya humihikbi at tuluyang humagulgol ng iyak. Nakapanaginip ba siya ng masama?
Ito ang unang pagkakataon na narinig ko ang kanyang pag-iyak. Napakasakit nitong pakinggan, kumurot din sa aking dibdib ang bawat niyang paghikbi.
Kaagad ko siyang dinaluhan, ngunit nananatiling nakasara ang kanyang mga mata na para bang hirap siang imulat ang mga ito.
Mas kapansin-pansin ang panginginig at paninigas ng kanyang mga paa, maging ng kanyang mga kami. Naghahabol na rin siya ng paghinga.

BINABASA MO ANG
The Doctor Series #1 : My New Life is You
RandomWhen Sychelle Dayle Fernandez, the love of Hideo Canliagn's life, passed away, his world shattered. A part of him died with her, leaving a void that no amount of success could fill. As the owner and lead surgeon of HC Medical City, Hideo threw himse...