Trigger warning ⚠️
anxiety, depression, panic attack, and hyperventilation.Trust
Matapos suwain ni Eva at Adan ang utos ng Diyos, nagtiwala man muli ito sa kanila ay may kaakibat ng kaparusahan. Ngunit ang Diyos ay patuloy lamang na nagbibigay ng tiwala para sa mga nilikha at itinalaga niya.
📿 MARIKAH SYCHELLE
Pinaunlakan ko ang pakiusap ni Dok Hideo na siya na lamang ang magdala ng bag na bitbit ko. Nasabi ko na rin sa kanya ang mensaheng pinapa-abot sa kanya ni Mang Guido.
Pagkabungad sa akin ng dagat ay napangiti ako ng matamis. Napakapayapa nito at kalmado. Sumasabay pa ang ganda ng dapit hapon. Sabay lamang kaming naglalakad ni Dok Hideo at patungo kami ngayon sa kinaroroonan nila. Masaya akong kinawayan ni Harmony at Nurse Mice.
Paglapit namin sa kanila ay kaagad akong nakipagbeso kay Headnurse Cat. Pagkatapos ang dalawa naman ayi sabay akong niyakap. Napakasarap sa pakiramdam na matrato ng tama ng mga tunay na kaibigan.
Mabuti at hindi ako hinahanap ni Clarina sa HC Medical City. Dahil na rin siguro sa shift ko. Pero kung may naghahanap naman sa akin ay kaagad na may magsasabi sa akin nito sa Admin. Pero wala naman, baka galit pa rin siya sa akin hanggang ngayon kahit na alam ko sa sarili ko na wala naman akong ginawang mali.
“Congrats po muli, Nurse Cat...” pagbati ko muli sa kanya.
Kumapit sa braso ko si Harmony. “Akala namin ay hindi ka na makakarating, Sis Nurse!” napangiti ako sa tinuran niya.
Mukhang nag-alala rin siya dahil hindi ko binuksan ang phone ko buong biyahe namin ni Mang Guido. Iniiwasan ko rin talagang mahilo.
"Aba? Pwede ba naman 'yon, nga Sis Nurse ko?”
“We know, kasi papayag ba si Dok Hideo na hindi ka makakasama rito?” Napatingin ako kay Nurse Mice.
Naglipat-lipat ang tingin niya sa amin ni Dok Hideo. Naramdaman ko tuloy ang pamumula ng aking pisngi.“Kayo talaga ha, pwede ko bang mahiram muna si Nurse Marikha? Para makapagpahinga na rin siya sa room niya,” ani ni Dok Hideo. Bumaling ako sa kanya at nagtama naman ang aming mga mata.
Kaya heto na naman ang puso ko na walang humpay sa pagtambol.
Ito ba ang tinawag nilang kilig? Kinikilig ba ako kay Dok Hideo? Ngunit bakit? Sa ano'ng dahilan?
"Sayong-sayo lang siya Kuya, Don't worry. Kahit hindi na siya sa mga deluxe room, kahit doon na lang siya sa executive room. Lalo na sa room mo. No problem!" masayang wika ni Harmony.
Lalo akong namula ya tinuturan niya. Nailing-iling lamang si Dok Hideo at nagpaalam ya kanila kung maaari na kaming mauna muna dahil pagod pa ako sa biyahe.
Sabay kaming naglakad patungo sa cottage room na tutulugan ko. Bawat makakita sa amin na mga empleyado ay binabati siya ng mga ito, samantalang ako ay nakayuko lamang. Hindi ko alam ang tumatakbo sa kanilang mga isipan pero sana ay 'wag nila kaming pag-isipan ni Dok ng kung ano pa man.
Binuksan niya ang loob ng tutuluyan ko. Namangha ako sa ganda ng disenyo, kay sarap paningin ng kulay ng silid.
“Pasok ka na...”
Ngumiti ako at tuluyang pumasok sa loob nito. Iniikot ko ang paningin ko sa kabuuan ng silid habang patungo sa kama at umupo rito. Napakalambot nito.
“May gusto ka bang kainin o inumin? Ikukuha kita, pero mayroon namang maiinom d'yan sa mini fridge.”

BINABASA MO ANG
The Doctor Series #1 : My New Life is You
RandomWhen Sychelle Dayle Fernandez, the love of Hideo Canliagn's life, passed away, his world shattered. A part of him died with her, leaving a void that no amount of success could fill. As the owner and lead surgeon of HC Medical City, Hideo threw himse...