🏥⛪ 11- Solace

2.3K 45 8
                                    

Trigger warning ⚠️
Depression and self harm.

Solace

Gustuhin man natin na makaalis kaagad sa madilim na parte ng ating buhay, subalit ito'y nakatakda nating lakaran hanggang sa matanaw natin ang kaliwanagan.

👨‍⚕️HIDEO ADONIS

Napapikit ako habang dinaraman ang malamig na hangin na siyang nagmumula sa dagat. Napagtanto ko mabuti nalang at dito ang suhestiyon ni Dok Rat na mag-celebrate ng promotion ni Nurse Cat. Dahil mukhang hinahanap-hanap na rin ng aking paningin ang dagat, maging ang makalanghap ng sariwang hangin na siyang nagmumula rito.

Naramdaman ko isang kamay na siyang tumapik sa balikat ko. Muli kong iminulat ang aking mga mata at bumaling sa kung sino ito.

"Salamat sa buong araw na pag-aasikaso, Dok Hideo." Nakangiting sambit niya, iniabot niya sa akin ang isang champagne glass.

Tinanggap ko naman ito at idinikit sa hawak niya rin na champagne glass.

"Tumulong ka rin, kaya mas napadali."

Parehas na kaming tumanaw sa pag-alon ng dagat. Mabuti at hindi naging masungit ang panahon sa araw na ito. Nanatili lamang ang magandang sikat ng araw tapos ang pagkulimlim na hindi nagbabadya ng pag-ulan.

Sa tingin ko ang selebrasyon na ito ay para talaga sa inilaan.

Naalala ko, walong taon na ang nalilipas. Sa parehong lugar, parehas na posisyon namin ni Dok Rat sa ngayon na nakatanaw. Pero magkaiwa ng sitwasyon. Nang araw na iyon ay parehon kaming nasa pinakamadilim na parte ng aming mga buhay. Ang kaibahan ay galit ang kalangitan sa aming gustong gawin na pareho.

Sabay sana kaming tatawid ng karagatan ng walang bangka.

Kaso ay biglang kumulong at bumuhos ang napakalakas ng ulan nang mga sandaling iyon. Pinapahiwatig ang galit ng Diyos, kaya mas pinili na lang namin na 'wag ituloy. Humingi kami ng tawad sa muntikan naming pagsuko sa buhay.

Pero tao lamang tayo. Hindi tayo perpekto madalas sa nga nagiging desisyon natin sa buhay.

Ang ginawa na lang namin Dok Rat nang mga sandaling iyon ay natulog. Ipinahinahinga ang aming katawan at kaisipan na sobrang nabalot ng kalungkutan at agam-agam na aming pinagdaraanan.

"Sa tingin mo, tuluyan na ba talaga nating makakaya?" tanong ko sa kanya.

"For eight years? I guess so. Ako, sa tingin ko, malapit na..." sagot niya.

Napangiti ako ng tipid at sumimsim ng laman ng champagne glass. Mabuti pa siya ay mahahanap na ang kapayapaan ng kanyang puso't damdamin.

"Ako... malalim pa, sobrang lalim pa."

Huminga ako ng malalim at napapikit muli. Hindi ako pwedeng sumuko, kailangan pa ako ng kapatid ko at ng mga pasyente ko. Paano na sila kung mas pinili kong lumisan noon?

"Magtiwala ka lamang sa itaas, maging sa'yong sarili." Muli niyang tinapik ang balikat ko.

"Nandito na si Headnurse Cat!"

Sabay kaming napalingon sa nagsalita sa di kalayuan. Nang mapatingin ako kay Dok Rat ay mas lumawak ang pagkakangiti niya.

"Nandiyan na pala siya, tara na para masimulan na ang party." Kita ko ang saya sa kanyang mga mata at ngiti.

Tumango-tango ako sa kanya at itunugga ang laban ng champagne glass ko. Sabay kaming naglakad patungo sa function hall nitong resort namin kung saan naka set-up ang party at mga handa para kay Headnurse Cat.

The Doctor Series #1 : My New Life is YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon