🏥⛪ 10- Purity

2.7K 48 2
                                    

Purity

Ang purong kalooban na hindi dapat nawawala kahit pa sa paglipas ng panahon. 

👨‍⚕️HIDEO ADONIS

Naka-monitor ako ngayon sa bawat cctv footages na siyang nasa appear sa tatlong Apple brand monitor ko. Konektado ito sa security team ng Hospital, pero ginusto ko na rin na magmonitor lalo na kung walang naka schedule na surgery. Nalilibang akong mag-monitor at mag-record ng ginagawang kakaiba ng bawat station.

 Sinisigurado ko rin ang kaligtasan ng bawat pasyente. Maging ang mga taong lumalabas pasok ng Hospital. Itinuturing kong tahanan ang Hospital na ito at pamilya ko ang mga Nurses at Doctors na siyang naglilingkod rito. Para kung mayroong man na mangyari na hindi inaasahan ay may kopya ako na records. Nakita ko ang ward kung nasaan ngayon si nurse Marikah. 

Ginalaw kong cursur at pinindot ang box kung nasaan siya at nag-expand ito sa monitor. Siya lang naman ang laging nakasuot ng veil kaya madali ko lamang siyang makita o mahanap parati sa cctv footages. Kasalukuyan siyang may inaasikaso na pasyente sa Pedia ward. 

Natutuwa naman ako na nasasanay na siya sa aming tahanan, maging ako ay sanay na sa presensya na kahit na lagi siyang naka belo. Naaabutan ko siya madalas sa prayer room ni Dad. Nabuksan nga lamang muli iyon dahil sa kanya. pagkatapos ay siya ang personal na naglinis ng mga naalikabukan na mga imahen sa loob non. Kahit na pinipigilan siya ni Manang na 'wag na tumulong ay ito raw ang nagi-insist dahil wala raw itong magawa. 

Si Harmony kasi ay mahilig maglaro ng Play Station o kaya ay mag movie marathon. Hindi naman kasi naglilibang ng mga bagay na ito si Marikah, mas madalas ay nagbabasa siya ng spiritual books o kaya ay bible mismo at naga-anotate siya sa isang tahimik na parte ng mansyon. 

Nabanggit niya na apat na taon siya sa kumbento at nag Temporary vows kaya hindi niya talaga kinasanayan ang mga libangan na may kasamang teknolohiya. Nadisiplina sila ng mabuti habang namamalagi raw siya sa loob ng kumbento noon. Pero nang matapos siya ay nagdesisyon siya na kumuha ng kursong Nurse dahil gusto niyang paglingkuran ang mga taong may karamdaman. 

Nakatutok lamang ako na pinapanood siya. 

"Dok, baka matunaw na siya kakatitig mo." 

Halos mapatalong ako sa gulat. Hindi ko namamalayan na nasa tabi ko na pala si Dok Velaroza, nakikitingin rin siya sa monitor. 

"Ano ka ba naman, Dok!" napasapo ako ng noo ko. 

Pinanliitan niya ako ng mga mata. "Bakit naka-focus lang ang pag-monitor mo kay Nurse Marikah? Tinutubuan ka na ba muli ng pagnanasa?"

Ibinalik ko sa maramihang windows ang screen. 

"Sira ka! May chine-check lang ako kaya siya naka full screen." 

"Dok, matagal na tayong magkaibigan. Hindi ka marunong magsinungaling." 

"Tsk! Bahala ka nga, why are you here again? Pangatlong beses mo na yatang nagtungo rito sa opisina ko ngayong araw."

Napakamot siya ng batok, kanina ay nagtungo siya rito upang magpasalamat sa surprise announcement sa promotion ni Nurse Cat as Head nurse. Tapos iyong pangalawa ay sumabay siya sa akin mag-lunch habang pinag-uusapan ang resort accomodation para sa promotion party ni sa isang araw. 

"Tatanong ko lang kung okay na'yong resort? Na-inform na ba ang mga coordinator na mag-aayos doon?"

I looked at him in disbelief. "Excite ka ba o nagpa-panic? Diba sabi ko ako na ang bahala sa lahat? Kwentahin ko nalang lahat ng expenses pagkatapos ng party at accommodation. Masyado kang nag-aalala."

The Doctor Series #1 : My New Life is YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon