Compassion
Sa mundong nababalot ng mga taong hindi nakakaramdam ng awa sa kanilang kapwa, piliin palagi na maging mabuting tao, totoo man ang hindi ang langit para sa pabuya ng Diyos, ang mahalaga ay namuhay ka ng walang pag-iimbot.
📿MARIKAH SYCHELLE
Earlier...
May isang linggo na ako rito sa kila Dok Hideo. Tama si Nurse Harmony na mas madalas ay hindi siya umuuwi. Siguro sa loob ng isang linggo ay dalawang beses ko lamang siya naabutan sa napakalaking tahanan nila. Kaya buong linggo ay si Nurse harmony lamang ang nakasama ko. Kung umuuwi man siya ay maaga siya ay nagkukulong siya sa kanyang silid o hindi naman kaya ay maaga siyang umaalis. Pero nung linggo ay nagkasama-sama naman kami na magsimba sa Sto. Domingo church. Pagkatapos non ay kumain kami sa isang chinese restaurant—iyon ang unang pagkakataon na makakain ako ng authentic na chinese food.
Napag-alaman ko na purong Chinese ang kanilang Mama kaya ang middle name nila at 'Teh' hindi nakapagtataka na kaya magaling sila sa negosyo. Ang kanilang Ama naman na siyang founder ng HC Medical City ay half British ng Canliagn clan.Pero mas lamang ang chinese sa feature nilang magkapatid dahil ang slightly na singkit ang kanilang mga mata. Pero ang ganda ng combination. Kaya hindi nakapagtataka na na magaling silang mag chopsticks. Sabi ni Harmony ay tuturuan na lamang niya ako sa susunod.
Dito rin sa kanilang malaking tahanan ay hindi mawawala ang mga chinese dragon at imahe ni Lao Tzu na siyang si Confucius. Pero mas nasanay sila sa pagiging katoliko kaya ito ang mas pina-practice nila. Nirerespeto pa rin nila ang tradisyon na mayroon ang kanilang Ina. Ang kinatutuwa ko rito sa kanilang tawanan ay mayroong prayer room. Pinasadya raw iyon dahil devoted na Catholic ang kanilang Ama. Pinaglaban daw nito ang pagmamahal sa kanilang Ina kahit na magkaiba sila ng lahi at kulturang kinalakihan. Hindi ito naging hadlang at nagwagi ap rin ang pag-ibig nila sa isa't-isa. Kaya ngayon ay kalaban nila sa negosyo ang side ng kanilang Ina. Dahil kahit na itinakwil ito ng mga magulang sa pagsama sa kanilang Ama ay naging masaya naman ang kanilang pamilya.
Sa isang linggo ko sa kanilang tahanan ay ito na ang mga impormasyon na sinabi sa akin ni Harmony.Dapat ko raw malaman ang ito dahil gusto niya na ako ang mapangasawa ng kanyang Kuya Hideo pagdating ng araw.
Napaka mapagbiro niya talaga kahit kailan.
Kaninang umaga ay maaga rin na umalis si Dok Hideo ayaw niyang nale-late kaya kahit dalawang oras pa bago ang scheduled operation na gagawin niya ay nandoon an siya. Walang shift ngayon si Nurse Harmony kaya ako lang ang hinatid ng kanilang family driver. Hanggang ngayon kapag tinawagan ko sila Lolo at Lola ay alam pa rin nila na kay Clarina ako nakatira. Kung kaya ay binabagabag na ako ng konsensya na dapat ay magsabi na ako sa kanila. Pero natatakot ako, baka pauwiin nila ako kapag nagkataon. Paano na ang trabaho ko?
Pagdating ko sa Hospital matapos mag time-in ay dumeretso ako sa opisina ni Dok Hideo, hindi ko na nga siya naabutan doon. Pinalitan ko ang pa-out palang na si Nurse Mice. Kaagad siyang umuwi dahi antok na antok na raw siya, sinabi niya sa akin na pupuntahan niya si Harmony mamayang pagkagising niya. Halos magkabilang Estate lang ang pagitan nila sa Estate nila Nurse Harmony.
Pagkatapos kong mag-record ng mga papeles na iniwan ni Nurse Mice ay dumating naman ang kasama ko sa shift na si Nurse Chrystallane. Napapahinto at titig ako sa kanyang angking ganda na may pagkakahawig sa Birheng Maria. Napakamo ng kanyang mukha. Kapares na rin ng kanyang ugali dahil napakabait niya rin.
"Sumaiyo ang Panginoon, nurse Chrystallene."
Napatingin siya sa akin at napangiti ng matamis.

BINABASA MO ANG
The Doctor Series #1 : My New Life is You
RandomWhen Sychelle Dayle Fernandez, the love of Hideo Canliagn's life, passed away, his world shattered. A part of him died with her, leaving a void that no amount of success could fill. As the owner and lead surgeon of HC Medical City, Hideo threw himse...