𝗘𝗫𝗣𝗘𝗥𝗧𝗦
ALMERA'S POV
I was busy signing papers when a thought suddenly popped into my mind.
“What should I do?” I messed my hair because of frustration.
I can't focus! Bwesit! Hindi ko alam kung paano ako mag sisimula mamaya, hindi ko alam kung paano s'ya gagapangin.
kanina pa 'yan gumugulo sa isip ko, yeah I know how to flirt or seduce a guy pero kung ako yung gagapang? Hindi ko alam! I don't have any fucking idea!
Napabuntong hininga ako, should I postpone it? Do it next time?
Tumayo ako at lumabas ng office ko at napatigil ang isa kong paa sa ere ng madaan ako sa office ni clark.
Huminto ako.
Glass wall lang ang office nito hindi tulad ng sa'kin kaya malaya kong nakikita ang asawa ko sa loob na abala sa pagbabasa at pagpeperma ng mga papeles kagaya ng ginagawa ko kanina lang.
Nasa iisa lang kaming kumpanya pero halos hindi kami magkasalubong sa daan or hindi kaya ay mag sabay kumain ng lunch.
He looks hot kahit wala naman itong ginagawa at nakaupo lang, napakagat ako sa labi.
Aksidenteng nadapo ang mga mata ko sa babaing empleyado namin. Naiirita ako sa pasimple nitong pagsulyap sa asawa ko.
Naglakad ako papalapit sa kan'ya ang ibang mga empleyadong nakapansin sa'kin ay agad na yumuyuko.
Nang makalapit ako sa empleyado ay hindi na ako nag dalawang isip na hawakan ang buhok nito ay hilahin s'ya papalapit sa'kin.
“You like the view huh?” nanlaki ang mga mata n'ya “You must be new here” ngumisi ako.
Napatigil ang mga empleyado namin dahil sa ginawa ko. Hindi naman ito ang unang beses na ginagawa ko ito sa mga babaing nag tatrabaho rito na pasimpleng pinag nanasaan ang asawa ko.
So, why would they look surprised? Tsk.
“M-ma'am” mas nilakasan ko ang pagsabunot sa buhok nito dahilan ng pag iyak niya ng marahan.
“I don't like it when someone looks at my man like that.” nakangising kung usal. Binitawan ko rin naman agad ang buhok n'ya kaya mabilis s'yang lumayo sa'kin habang umiiyak parin.
Pinasadahan ko ito ng tingin mula ulo hanggang paa bago ko ibalik sa mukha n'yang mukhang paa ang aking tingin.
“You're fired” usal ko at mabilis na umalis sa harapan n'ya, mas lumakas ang iyak nito dahil sa narinig.
“MA'AM SORRY NA PO! I NEED THIS JOB MA'AM!” hindi ko ito pinansin at nagpatuloy lang sa paglalakad.
Pathetic b*tch, I need to go somewhere! I need to freshen up!
~
Sandali ko pang pinagmasdan ang mansiong nasa harapan ko bago napagpasyahan pindotin ang doorbell.
Naghintay ako ng ilang minuto at pipindotin ko na sana ulit ito ng biglang bumukas ang gate at isang guard ang sumalubong sa'kin.
Iniharang nito ang sarili n'ya pero ng makilala ako ay agad rin itong nagbigay ng daan sa'kin. Sa ilang beses kong pagpunta rito ay alam kung nakikilala n'ya na ako.
Pumasok ako at ganon nalang ang gulat ko ng hindi lang si cassandra ang madadatnan ko sa sala ng mansion nila. Nandito rin ang asawa ni quantum.
“Almera?!” nanlaki ang mga mata ni cassandra ng mapansin ang pag dating ko “Anong ginagawa mo rito?” tanong niya at naglakad papalapit sa'kin.
