Author's Note:
Hi, ABelievers!
Happy 200k reads!
Thank you so much for the overwhelming support for Dok Rat at Headnurse Cat. I don't usually make special chapters but because I love you all at gift ko na rin ito for reaching this story 200k reads. Ang saya niyo sa puso! Kaya ito para sa inyo ito. I hope magustuhan niyo!
***
After their dream house was build. Mula sa condo unit na tinirhan nila for almost 6 years ay nakalipat na rin sila sa ipinagawa nilang dream house na siyang ipinatayo nila hindi kalayuan sa mismong mansyon ng mga magulang ni Rat. Bilang kahilingan na rin ng mga magulang niya na tayuan ng dream house nila ang isang bahagi ng malaking lupa sa estate nila. Upang madali lang din silang mapuntahan kapag gustong ang unang apo na kambal. Sa Ilocos Norte naman ay nagbabakasyon sila kapag walang pasok sa kindegarten ang kambal, para madalaw naman ang mga magulang ni Cat. At kung may pagkakataon ay mga magulang pinapasundo nila upang lumuwas.
Sa ngayon ay nasa balkonahe si Rat kasama ang kambal na si Russ at Raine. Kalaro niya ang mga anak. Kaya lahat ng mga laruan ng mga ito ay nasa balkonahe rin. Wala siyang duty kaya mas nilalaan niya ang buong araw niya sa pakikipaglaro sa mga anak.
Hands-on sila parehas ng asawa niyang na dating Headnurse na kapo-promote pa lamang na Chief nurse na si Cat sa pag-aalaga sa kambal nila kahit na may nakaalalay na mga tagapag-alaga ng n
mga ito lalo kung may trabaho sila parehong mag-asawa. Pero usually ay nasusundo pa ni Rat ang mga anak sa school nito. Mas lamang ang mga oras na kasama nila ito. Hangga't maaari ay iniiklian nalang ni Rat ang duty time niya lalo na nung nag review niya for BAR exam.Ngayong araw ang labasan ng results. Hindi muna siya nagbubukas ng resulta dahil kinakabahan siya kung nakapasa siya o hindi kaya ibinaling na lamang niya ang sarili sa pakikipaglaro sa dalawang anak.
Tuwang-tuwa ang dalawang bagets, naka costume ang mga ito na mga Doctors pagkatapos ay siya ang pasyenteng ginagamot kaya nakahiga siya at itinatapat-tapat nito ang laruang stethoscope sa dibdib niya.
Sa dalawang anak nila. Kahit parehong hyper ay mas hyper si Raine kumpara sa kakambal na lalaki na si Russ. Pinapa-check pa nila sa Developmental Pedia ang kalagayan ni Russ, dahil mas sakitin ito dala ng mas weaker ang immune system nito nung lumabas sa mundo. Kapag ano ay biglang natutulala ang batang lalaki. Sinabi ng Ama niya na ganito rin daw siya nung bata siya, dahil masyado siyang nag-aalala para sa kanyang baby boy.
Pero nakakabahal lang na kahit nadapa na, o natulak ng kakambal na babae ay hindi nagre-react ang bagets. Ganoon talaga ang ibang cases ng mga premie babies. Mataas ang mga pain tolerance na sadyang nakakabahala rin. Kaya bantay sarado ang mga anak niya lalo na sa kalusugan.
Katulad ngayon ay nakatulala na naman si Russ.
"Russ, your patient is waiting! He's gonna die if you don't put that bandage!" bigla bulyaw rito ni Raine.
"Ha...?" napatingin ito sa kakambal. "Hatdog na red."
Tinaasan ito ng kilay ni Raine. Ang galing ng combination nila mag-asawa. Mas kamukha niya ang baby girl nila. Samantalang si Russ ay mas kamukha ni Cat. Nakuha pa pati ni Raine ang ugali ng Ama.
"Daddy I don't want to be a Doctor. I want to be a lawyer!" sabi ni Raine.
Napangiti si Rat sa sinabi ng anak.
"Take whatever you want, baby Raine." Bumaling naman siya kay Russ. "How about you my baby boy?"
"I want to be a peanut butter."
BINABASA MO ANG
The Doctor Series 3: Reaching You
RomanceCat Villanueva is the Headnurse of HC Medical City at nabuntis siya ng kinaiinisan at mortal enemy na Doktor. Ito ay si Rat Velaroza, isang OB-GYN. Ayaw sa kanya magpa-prenatal check-up ni Cat. Kaya ang ginawa niya ay pina-blacklist niya ito sa la...