🐈🐀 42

21.8K 271 50
                                    

The Doctor Series 3: Reaching You

Chapter 42

 🐈CAT

Noon ay natutuwa ako kapag naa-assigned ako dito sa Executive VIP rooms for patients nitong HC Medical City, dahil bukod sa mga mayayaman ang mga pasyente ay talagang mamamangha ka sa lavished life na mayroon ang mga mayayaman. Lalo na sa medikal, parang caste symtem pa rin. Wala na sigurong makapagpapabago kung ano set-up na ginawa dito sa mundo. Pero hindi naman ako naiinggit. Maswerte at masaya ako sa buhay na ibinigay sa akin ng mga magulang ko. Pero minsan sumasagi sa isipan ko, magagawa ko kayang gamutin ang mga lubos na nangangailangan ng tulong medikal? Bakit kaya sa bansang ito ay sobrang kulang ang pasilidad at gamot sa mga pampublikong Ospital? Bakit may mga Doktor pa rin na tumitingin sa estado ng isang pasyente bago gamutin?

Ganito pala ang epekto ng anesthesia. Lumulutang ang isipan ko sa madaming tanong na sinasagot ko rin sa isipan ko. 

Pero aanhin ko ang magarang silid na ito, kung napakasakit naman ng dahilan kung bakit ako nandirito ngayon. Hindi ko pa rin lubusang maisip na wala na ang mga babies ko sa loob ng tiyan ko. Alam kong nasa NICU na sila. Labis ang aking pag-aalala. Sa isang iglap ay ganito ang hindi inaasahang nangyari. Naipanganak ko sila ng kulang sa buwan. Nagsilang ako ng di oras, napakabilis ng mga pangyayari na tila hindi pa rin nagsi-sink in sa isipan ko. 

Napapikit ako at naramdaman ang pagpatak ng luha ko. Hindi ko pa gaano ramdam ang pagkakatahi sa akin dahil na rin sa epekto ng anesthesia. Napakarami pa na mga nakaplano na dapat gawin namin ni Russel, bago sana ako manganak pero ganito ang nangyari. 

Pagtingin ko sa gilid ko ay nakita siya na nakayukyok habang hawak ang kamay ko. Nakatulog siguro siya sa pagbabantay sa akin, pagkatapos ay siya ang nag-procedure ng emergency caesarean sa akin. Iniangat ko ang kamay ko at marahang hinaplos ang kanyang ulo. Sana ay hindi pa ito nasasabi kita Inay at Itay sa Ilocos Norte, dahil paniguradong mag-aalala ang mga iyon. Excited pa man din sila na uuwi ako doon. 

Naramdaman ko ang paggalaw ni Russel, iminulat niya ang kanyang mga mata. Ngayon ko siya mas natitigan ng mabuti ang kanyang mga mata lalo na at hindi siya nakasuot ng salamin, kulay light brown ang kanyang mga mata at tantalizing ito. Gwapo naman siya kahit may salamin, pero mas lalo pala siyang gwapo kapag walang salamin sa mata. Basta, napakaswerte ko na siya ang mapapangasawa ko at siya masisilayan ko pagkamulat ng aking mga mata mula sa pagtulog.

"Cat..." 

Nakatitig pa rin ako sa kanya. "Rat..."

Dumeretso siya ng pagkakaupo, hinaplos niya ang pisngi ko saka ako ginawaran ng halik sa noo. 

"It's successful, don't worry too much okay? My Dad that you can be your Dad soon, Dr. Mouse is now taking care of them."

"Gusto ko silang makita..."

"Kaya mo na? Dadalhin kita sa kanila."

Tumango-tango ako.

Tumayo siya at kinuha ang isang wheel chair. Marahan niya akong binuhat at iniupo rito. Inayo niya ang dextrose at IV ko upang mas makaupo ako ng maayos. Hindi ko akalain na magiging pasyente ako ng Hospital na pinagsisilbihan ko.

Sinimulan niyang itulak ang wheel chair palabas ng silid. Hindi pa rin maalis ang kung ano'ng kirot na mayroon sa dibdib dahil sa sinapit ng mga anak namin. Wala akong ibang sinisisi kundi ang sarili ko.

Kasalanan ko ang lahat ng ito kaya kailangan nilang lumabas ng maaga sa mundong ito.

Nakarating na kami sa NICU, pero hanggang  sa viewing window lang kami.  Kapag kasi pumasok sa loob kailangan pa namin i-sanitized ng mabuti ang aming mga sarili at magsuot ng proper attire kapag umapasok ng NICU. At baka hindi ko pa kayanin na lapitan sila sa lagay nilang ito.

The Doctor Series #3: Reaching YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon