SDTR: The Road To Forever [3]

163K 4K 633
                                    

SDTR: The Road To Forever [3]

Finale Part 3

Pagkapasok ko sa loob ng bahay ay nandoon sa sala sila Dad, kumpleto ang pamilya ko at nandoon rin si Tyler na nakatayo. Sa tingin ko ay nasabi na niyang pabalik na ako.

"Ethan, anak!" Salubong sa akin ni Mama saka yumakap, habang yakap ko siya ay nakatingin lang sa akin si Dad. Kalmado at hindi ko mabasa ang emosyon, hindi ito ang iniisip ko, sa isip ko ay binubugbog na niya ako ngayon kagaya ng ginawa niya kay Marcus nang masaktan niya si Ara.

Si Monique na iniiwasan ang mga titig ko at mahigpit ang kapit sa braso ni Troy. Great, masama ang loob sa akin ng kapatid ko.

Hinila ako ni Mama. "Umupo ka." Ma-awtoridad na sabi ni Dad, nanghihina ako dahil ilang araw na rin akong walang matinong tulog, hindi ko kayang ipikit nalang basta basta ang mata ko dahil gusto ko kapag nagising si Claire, ako ang unang makita niya. At isa na rin sa dahilan kaya ayokong matulog ay ang paulit ulit na bangungot na mayroon ako, na kahit sa panaginip ay hindi ko siya kasama, na kahit sa panaginip ay ipinagkakait sa akin ng tadhana na mahalin siya ng sobra sobra.

Matagal namayani ang katahimikan sa amin hanggang sa napag pasiyahan kong basagin iyon.

"N..nakasakit ako ng babae, Dad." Simula ko at ramdam ko ang pagtitig nilang lahat sa akin. Maging ang panginginig ng lintik na lalamunan ko ay hindi ko mapigilan.

Ngumisi ako at para akong gago na kusang tumulo nanaman ang luha. Masakit din palang aminin ang totoong pagkakamali.

"Hindi lang isa. Dalawa sila." Patuloy ko, nasaktan ko si Briana at nasaktan ko rin si Claire. Ang laking gago ko para gawin ang lahat ng iyon.

Itinapon ko ang tingin ko doon sa mga pictures sa center table. At nakita ko doon ang ilang pictures ni Sebastian.

"Pero, Dad, Ma. I know that I really tried my best para maging mabuting ama." Pangungumbinsi ko sa kanila, sinuntok yung dibdib ko nang marinig ko ang pigil na hikbi ni Mama at nang makita ko ang paglandas ng luha sa mga mata niya.

Tinitigan ko si Monique. Fuck. Pakiramdam ko ay unti unti akong pinapatay ng mga luha nila.

"H..hindi ka nagsasabi." Nahihirapang bulong ni Mama.

"Pakiramdam ko ay tinaraydor mo kami ng Daddy mo. Pamilya tayo, anak. At karapatan naming malaman kung anong pinagdadaanan mo. Pero sa ginawa mo ay parang pinakita mo na rin na iba ang tingin mo sa amin." Humihikbing sambit ni Mama na mas lalong nagpatindi ng bigat sa dibdib ko.

"No..I'm sorry, Ma."

Tumayo ako at lumapit ako sa kanya. Sinubukan kong lumuhod sa harapan niya pero pinipigilan niya ako.  "No..no, anak." Suway niya sa akin pero umiling ako at hinawakan ko ang kamay niya saka itinungo ko ang mukha ko sa mga palad niya at doon ako umiyak. Damn, sa buong buhay ko ay hindi ako umiyak ng ganito sa harapan ng mga magulang ko. Ngayon lang, ngayon lang dahil nasasaktan ko sila at ayoko man aminin, pero nasasaktan din ako.

"I'm sorry, Ma." Yun lang ang paulit ulit na tanging nasabi ko.

"H..hindi ko pinaalam. Bata pa ako noon at ayokong sumama ang tingin niyo sa akin. Pero habang tumatagal, alam kong nagkamali ako. Nagsinungaling ako. Patawarin niyo ako." I don't even know kung saan ba nanggagaling yung mga luha ko para mahilam ng sobra sobra ang mga mata ko. Posible palang mangyari sa isang lalaki na umiyak ng parang bata muli.

Hinila ako ni Mama at pilit niyakap. Fuck. Pakiramdam ko ay may kung anong unti unting nabubunot na mga kutsilyo sa puso ko sa mga lumipas na taon.

__

"I want to meet him." Simula ni Dad at inabutan ako ng baso na may laman na alak. Pinagmamasdan niya ang litrato ni Seb.

Somewhere Down The Road (Published under Pop Fiction/Summit Media)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon