FOURTEEN

13.6K 395 21
                                    

Add my official facebook account (char!) Xian Randal

Official Twitter Account (Char ulit!) @XianRandal

Official Group Page (where you can interact with my characters, their operators, and other readers) search: X.i.a.n.a.t.i.c.s. (may tuldok po)

FOURTEEN

Unang gabi pa lang parang hihimatayin na si Roxanne.

"Roxanne, sigurado ka ba sa gagawin mo?' Si Glenda.

"Walang ibang paraan Glenda. Naka T-shirt at maikling shorts pa siya. Pasasabikin niya raw ang mga kalalakihan. Sa huling araw, tatanggalin niya ang lahat ng saplot niya.

"Roxanne, pasensiya ka na talaga, wala kaming maitutulong sayo" Si Julia, nagtatrabaho rin sa club.

Mapait siyang ngumiti. "Wala nga tayong magagawa lahat. dahil sa Faye na yan."

"Bakit kasi hindi mo na lang ibigay si Pot-Pot sa kanya?" Si Julia.

"Hindi pwede, para namang hindi mo kilala si Faye, anong labang ng limang taong gulang na bata sa demonyo?"

"Sige, kami na Roxanne. Magready ka na rin, ikaw na ang susunod."

"Gentlemen, we have a new attraction for tonight, she will just perform for seven nights. We have a special guest, who will make your seven nights even hotter. Please welcome, Scarlette!"

Lumabas si Roxanne na naka maskara. Nanginginig ang tuhod niya. Narinig niyang pumailanlang ang malanding tugtugin. Patay pa ang mga ilaw.

Isang malalim na buntong hininga ang ginawa niya bago siya humarap. Naghiyawan ang mga manonood. Mas lumakas pa ang mga hiyawan nung nagsimula siyang gumiling. She did the dirty dancing. Nung mangalahati ang tugtog ay nagsimula na siyang maghubad. Una niyang hinubad ang suot na t-shirt, tanging bra lang at shorts ang natitira.

Magaling siyang sumayaw. Kaya nga nung college sila ay nagalit sa kanya si Faye dahil hindi ito nakuha sa dance troupe audition sa school nila. Patuloy na umindayog ang katawan niya. Teasing the men she hates.

Pagkatapos ay hinubad niya ang suot niyang shorts, dahan-dahan hangang panty at bra na lang ang itinira niya. Natapos ang tugtog na bitin ang mga manonood. Naghiyawan ang mga ito. Yun ang concept nila ni Faye, ang sabikin ang mga parukyano.

Napaiyak siya pagkatapos, awing-awa naman si Glenda sa kanya.

Samantala, nagtataka si Duncan dahil hindi tumawag si Roxanne, ang akala niya ay magaling na ang anak nito. Ang usapan ay uuwi na siya pagkalipas ng dalawang araw, pero pangatlo na ngayon.

Nasa ganun siyang pag-iisip ng tumawag si Faye.

"Duncan? How are you?"

"I'm doing good. Napatawag ka?"

"I'm sure, hinihintay mo si Roxanne, right?"

"Nagpasabi kasi siya na babalik, Faye, pero hindi naman tumatawag."

Napangiti si Faye, yun ang usapan nila ni Roxanne , huwag kokontact kay Duncan, may iba kasi siyang plano.

"Alam mo Duncan, hindi talaga tatawag yun sayo."

"Bakit? Hindi ba't magaling ang anak niya?"

"Magaling na, kaso may iba siyang pinagkakaabalahan ngayon eh."

"Pinagkakaabalahan?"

"Yup! Bumalik siya sa dati niyang trabaho Duncan."

"Dating trabaho? Perohindi pa siya tapos rito. In fact, nag extend siya."

Ang Promdi At Ang ProstiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon