*Psst* Notice anything different? 👀 Find out more about Wattpad's new look!

Learn More

Chapter 17: The Talk

Kisha’s POV

Kakatok ba ako o hinde? Wag na lang kaya? Umuwi na lang kaya ako? Tss. Leche naman. Ang hirap naman kasi nito eh! Kanina pa ako naglalakad back and forth sa front door ng bahay ni Cross. Kailangan ko kasi siyang makausap tungkol kay Jullia. Eh kanino pa ba? Hindi naman sa sinisisi ko si Jullia pero sa kanya naman talaga nagsimula ang lahat ng ito. Oo nga’t patay na siya pero hindi ko pa rin maiwasang mainggit dahil kahit patay na siya, buhay na buhay pa rin siya sa puso ni Van. Ah ewan! Hindi ko na dapat muna iniisip ang ganoong bagay. Kailangan ko muna ng mga kasagutan sa madami kong katanungan…

Bago pa ako abutin ng isang oras dito, kumatok na lang ako. Nakakatatlong katok pa lang ako ay bumukas na ang pinto at...

Ohmygolliewow. Si Cross. Walang suot na shirt at napatingin ako sa kanyang sizzling hot abs. Waaaaaaaah! Ang nag-uumbukan  at nagsisilusugan niyang abs!

Gulat ang rumehistro sa mukha niya pero napaltan din ito agad ng kanyang usual poker face...

“What are you doing here?”

“Ah-eh...” iniiwas ko ang tingin ko sa abs niya. Leche! Hindi ko siya matingnan! Breath Kisha. Breath. Mamaya na ang landi, hindi ‘yan ang ipinunta mo dito! “K-Kasi...may mga bagay lang akong...g-gustong malaman at mga tanong na kailangan ko ng kasagutan...A-At sa palagay ko ikaw lang ang makakasagot ng lahat ng iyon...” tiningnan ko na siya sa mukha niya at talagang pigil na pigil ko ang aking sarili wag lang dumako ang tingin ko sa katawan niya. Nakakahiya. Sana hindi na niya mapansin ‘yung pag-uutal-utal ko…

Tumaas ang isa niyang kilay at unti-unti ding tumaas ang isang gilid ng labi niya forming a smirk at tiningnan saglit ang katawan niya bago ibinalik ang tingin sa akin... “You’re really enjoying what you’re seeing right now, huh?” pero bago pa ako makareact sa sinabi niya binuksan na niya ng maluwang ang pinto kaya pumasok na lang ako kahit wala pang permiso niya...

“Tss. Yabang” bulong ko at nagdiretso na sa may living room. Hindi siya nakasunod sakin, kumukuha siguro ng damit. Aba dapat lang! Gusto ko pang mabuhay ng matagal! Nakakahiya namang maging cause of death ko eh naubusan ng dugo kakanosebleed dahil sa sobrang exposure sa abs…

Inilibot ko ang tingin ko sa bahay niya. Malaki din ito, siguro kaunti na lang ay magiging kasing-laki na ito ng mansyon ni Van. May wooden floor at putting ceiling, malinis tingnan dahil na din sa maayos na pagkakalagay ng mga furnitures at iba pang gamit sa tama nilang kinalalagyan....

Maya-maya pa ay dumating na si Cross na may dalang isang basong juice at platong may lamang cookies. Hospitable naman pala siya eh. Pagkalapag niya ng juice at cookies ay umupo siya sa tabi ko. Kukuhanin ko na sana yung juice para uminom pero kinuha naman niya...

Napakunot na lang ang noo ko na napatingin sa kanya ng inumin niya yung juice...

“Akala ko ba akin ‘yun?! Bakit mo ininom?!” galit na sigaw ko sa kanya. Aba! Ang layo kaya ng bahay niya! Dulo pa nitong town no!

“Why? Did I say it’s yours? Get in the kitchen if you want” Tas kumuha siya ng cookies at walang pakundangan na kinain...

Binabawi ko na ‘yung sinabi ko. Hindi siya hospitable. “Tss. Nakakapagod kayang pumunta dito! Ikuha mo na lang ako!” pagmamaktol ko...

“Who said to you that you can come here anyway? And i’m not your nanny to get you some drink”

The Perverted Vampire (PUBLISHED)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!