Episode 3: McDo

7K 283 259
                                    

Right now, Jarren is staring at me with those sharp asian eyes that I can't last to stare at. And that very moment, I have so many choices in mind. Namalayan ko na lang bigla na para ba akong nasa gitna ng isang napakahirap na tanong sa tuwing periodical exam nung JHS!

56. Sasakay ka ba kay Jarren-este sa sasakyan ni Jarren?!

A. Oo, bakla ka, laban na 'yan. Si Jarren na 'yan, oh!

B. Pwede pero bago ka umuwi, palibre ka muna para more more time!

C. Hindi ka babae lang, eagirl ka na mahilig mag-grab ng opportunity Fyangiii! Gow na 'yan! Magpa-cute ka kapag nasa loob ka na ng sasakyan! Raise your violet flag!

D. No, pakipot ka muna.

Hmm, pero dahil nga as a shytype girl ang atake ko ngayon. At ayoko din naman isipin ni Jarren na sobrang easy ko... ekis kasi 'yon... kaya ang pipiliin kong coach ay si-chariz! Mali, The Voice pala 'yon!

Eto na seryoso na!

Ang pipiliin kong sagot ay... letter...

Letter E!

E. All of the above except letter D.

Teh! Lalaban ko na 'to, chances like this never come accidentally, 'no! Feeling ko nga, sinadya niya ito eh. Feeling ko sinadya niyang iwan ako ni Luhan para ma-solo na niya ako sa wakas. Hays, Jarren Garcia. Ang possesive mo pala?!

"Ano, sasakay ka ba or what?" Ang biglang sambit ni Jarren kaya bigla akong nagising sa kahibangan ko.

"Ay! Yes po!" Napahawak ako sa ulo ko dahil sa kahihiyan. Jusko Fyang! Muntanga ka talaga!

Nagmadali na akong tumakbo papalapit sa sasakyan. Then I entered right away when I reached the door. A mint manly scent welcome me the moment the door closed. Kakaiba ito kasi 'di gaya ng ibang mint scent ay hindi ito nakakahilo or what. Sakto lang. Parang naamoy ko na ito once sa london yata nung nag-bakasyon kami doon? I am just not quite sure but this is so london. So Jarren. So manly and innocent at the same time.

"Thank you po, ha? You are so nice... so nice to animals-chariz!" I beamed. Pero ang lala bakla, wala siyang reaction! He just continued to manuever the car! Hindi niya yata na-gets 'yung joke?! Eh, paano na 'yan kapag naging kami na... edi palagi akong mag-e-explain kapag nag-jo-joke ako?! Hassle 'yon, ha!

"So, how was showbiz for you, by far?" He mumbled all of a sudden.

When I stared at him, I can clearly see from the combined moonlight and streetlights how attractive his facial structure is-lalo na kapag naka-side view siya.

"Showbiz?" Huminga ako ng malalim para pakalmahin ang sarili. Kailangang matinong sagot ang sabihin ko. I have to channel my inner Kai muna! "Showbiz is quite overwhelming for me. You know? The massive attention that the supportive fans are giving. Sometimes, nakaka-pressure. You have to give your all. You have to be the best. But I like that kind of pressure naman."

He nodded, "same."

"How about you po-"

"Stop with the po, Sofia. I am not 100 years old."

"Alright but stop with the Sofia as well," I laughed and when he suddenly glanced at me. Ilang segundo lang iyon ay tumiklop talaga ang eabab! Naramdaman ko ang pamumula ng mga pisngi ko!

"How do you want me to call you then?"

Call me babe-chariz!

"Babe?"

Ay shit! Nanalo na naman ang intrusive thoughts ko! Hindi ko pala 'yon nasabi sa utak ko! Nabulalas ko pala talaga 'yon in actual!

"Chariz nga lang!" I can really feel how more red my cheeks have become. Hindi naman ako nakainom pero mukhang malala pa sa lasing ang pamumula ng mukha ko ngayon.

The Public StuntTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon